Chapter 4 - The Pretend Boyfriend

Start from the beginning
                                    

Hah? A-ano kasi lagi syang may game or practice kaya di nya ko nasusundo. Tsaka bago pa lang kami kaya di ko pa nakukuwento sa inyo." paliwanag ko na sana kagatin nila.

"So anong pangalan?"

Ano nga ba? hahaha.

"Um...secret muna, makikilala nyo sya next week. Promise."

"Bakit secret pa?" Rose.

Bago ko pa sagutin lumabas muli si Mr. Mercado.

"Girls, wag nyo kuyugin si Elise dyan.  Go back to your places."

Hay nakahinga ko ng maluwag. Buti na lang!

Nagsipag balikan na sa kanya-kanya lugar ang mga chismosa.

"Basta Elise, papuntahin mo sya dito pag may time sya ha." Sandra

Saturday. 

Nag decide kami ( well si Joanne ang may idea)  maglaro ng tennis sa sports club kung saan alam namin na may nagpa-practice na mga teams from PBA.

Well nagbabakasali lang kami ni Joanne na may mahahagilap kami na player doon at piliting magpanggap na boyfriend ko.  Desperada na kasi ako kasi next week ko na sya kailangan. Matinding pangangailangan na talaga.

 Ang unang plan namin ay eto pumunta sa mga gym na alam namin na practice hang-out ng mga teams.

Ang plan B ay humingi ng tulong sa Sports department sa office ni Joanne. Yun na kasi yung pinaka desperate move namin.

Ako ang nagse-serve pero wala sa laro ang utak ko. Iniisip ko pa rin kasi kung sino ba ang pwede ko ipakilala sa mga kasamahan ko sa office at pati na rin kay Mr. Gonzales.

Halos lahat ng serve ko ay puro outside.

"Elise, galit ka ba?" sigaw ni Joanne mula sa kabilang court.

"Hindi!" ako

"Alam mo bang tennis ang nilalaro natin, ha at hindi Baseball? Yang mga tira mo pang homerun eh"

Nag serve ulit ako ng bola at...

"Aaaaahhhhhhh!!!!!"

Nagulat kami sa sumigaw mula sa labas ng court. 

Lumagpas kasi yung bola mula sa court. At ayun may natamaan yata ako. Patay!

Agad kaming tumakbo papunta dun sa lalaking natamaan ng bola.

O_______________O  kami yan ni Joanne.

"S-sorry..." (*_*)

Kasal-kasalan...Ligaw-ligawan.Where stories live. Discover now