"BABALA WAG BASAHIN KUNG MAHINA ANG SIKMURA AT KUNG NAG-IISA LANG"
(This story is true and based on my experience)
Isa akong estudyante sa isang kolehiyong paaralan sa Cavite. Masayahin at madaming kaibigan. Madali kong pakisamahan bawat tao kong nakaksama. Ngunit nag-iba ang tingin ko sa mga bagay na nakapaligid sakin dahil lang sa isang pangyayare saking buhay simula nung nangyare yun. Para bang nagtrauma ako sa nangyare. Hindi malimutan ng isip ko hanggang ngayon ang pangyayare na yun sa aking paaralang pinapasukan. Bakas pa rin saking isip ang mga bagay na nangyare doon. Hindi ko alam kung pa'no to ma-oovercome dahil na napalitan neto ang paniniwala ko na hindi totoo ang multo. Hindi ako naniniwala sa multo pero nabasag ang paniniwala kong yun simula nung mangyare sakin ang isang bagay na di ko malilimutan hanggang ngayon.
Isang maulang umaga ang gumising sakin nung araw na yon para pumasok sa aking paaralan ngunit yon din ang araw na hindi ko malilimutan sa tala ng aking buhay na hanggang ngayon ay bumabagabag pa rin sakin 😕. Nagsimula iyon nung papasok palang ako sa aking paaralan na pinapasukan. Naranasan ko yun habang paakyat ako nun sa may 2nd building papuntang 5th floor kung saan kami mag kaklase pero bago ako dumiretso sa room ko sa 5th floor naisipan ko muna mag CR para magayos. Kaya pumunta muna ako sa 4th floor dahil walang cr ng panlalaki doon sa 5th floor. Habang naglalakad ako patungo sa cr katahamikan ng paligid ang sumalubong sakin (dahil na rin siguro medyo maaga pa) yung feeling na nakakabingi ang katahimikan at nung nasa cr na ako ng panlalaki sa 4th floor humarap muna ako sa salamin para magaayos ng buhok at dahan dahan akong humakbang papuntang toilet. At habang papunta ako doon naka ranas ako ng napakabigat na pakiramdam. Bigla ko na isip na may sabi-sabi daw na may nagpaparamdam doon naisip ko agad yung patay na nandoon sa room sa 4th floor 😨. Pero nilakasan ko nalang ang loob ko kahit ganon ang nararamdaman ko at naiisip ko. Dala rin ng pagkacurious ko kaya gusto ko tignan bawat toilet 😑. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang bawat pinto. Huminga ako ng malalim. Tunog lang ng mga aircon ang naririnig ko 😱. At nung isang pinto nalang ang natitira. Nag dadalawang isip ko kung itutuloy ko ba o hindi. Paglapit ko sa pinto. Nakaamoy ako ng kakaiba (sabi nila pag ganon daw may multo daw). At mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Tagaktak ang malagkit kong pawis. Parang nasusuka ako. Ano tong pakiramdam na to! 😵 Para akong adik na nawala yung tama sa sobrang tamang hinala. Napalunok ako. Tumayo ang mga balahibo ko. At pag bukas ko ng pinto. Kinilabutan ako sa aking nasaksihan yung tipong nagpalpitate ang puso ko sa kaba geez. 😣 Sheeeeet! May tae walang tao. 😢😢😢😢😢
