Kahit alam kong wala ng pag asa
Heto parin ako na umaasa, umaasa sayo
Umaasa parin ako kasi mahal kita
Isa akong dakilang tanga na umaasa sayo
"Hindi kita ipagpapalit" yan ang sinabi mo
Pinaniwalaan ko ang sinabi mo
Pero bakit, bakit ito'y biglang nawala
Yung sinabi mong "hindi kita ipagpapalit" ay naglaho
Ang tanga pakinggan 'di ba?
Yung ako na nagmamahal sayo
At yung ikaw na hindi na ako mahal
Heto parin si tanga na umaasa
Marami ng dahilan para sukuan kita
Pero hindi ko parin magawa kasi mahal kita
Kaya ko kayang iwanan, kalimutan at talikuran ang lahat?
Siguro alaala nalang lahat ng masasayang alaala.
