Chapter 1-Capitol School

43.4K 373 29
                                    

"Jusko naman! Hindi pa ba magbebell? Gutom na kooo!" Reklamo netong katabi ko. Sa katunayan, ako rin eh gusto ko ng magbell dahil kumakalam na sikmura ko.

After a few minutes, the bell rang. That means 5 minutes nalang recess na. Pero pagtapos magbell biglang may kumatok sa pinto kaya naman napalingon yung teacher namin sa Mapeh na kasalukuyang may sinusulat sa whiteboard. Lumapit yung teacher namin sa pinto at binuksan niya iyon. Medyo gulat ang ekspresyon niya ng buksan niya yung pinto pero nawala rin naman pagkagulat niya.

"So it's about time..." Narinig kong sambit nung teacher namin dun sa tao sa labas. Tapos may inabot sa kanya yung babae na papel at nagpaalam na siya dun sa babae. Tsk weird

"Okay Class, lahat ng imemention ko ang surname tumayo." Agad naman kaming umayos sa pagkakaupo. Di ko alam pero kinakabahan talaga ako na naeexcite sa di maipaliwanag na dahilan.

"Tagumpay." At ayun, nagsimula na nagtawag ang teacher namin ng apilyedo.

"Madera"

"Ramilo"

"Martillo"

"Lopez" Agad naman akong napatayo ng marinig ko ang aking apilyedo. Tsk ano bang meron?

"At Nagasaki." Tumayo si Hiroshi at takang taka siya kung bakit. Kami rin naman lahat nagtataka. Hays ano ba 'to

"Kayo'y malamang nagtataka kung bakit ko tinawag ang mga apilyedo niyo. May ibig ipahiwatig sainyo ang principal ng eskwelahang ito. Lahat ng tinawag ko ang apilyedo, bumuo kayo ng isang pila at tumungo kayo sa principal's office" Agad naman namin sinunod ang sinabi niya. Nang lumabas kami ng classroom, sumunod samin yung teacher namin. Nasa huli ako ng pila since nahuli ako sa pagpunta sa harapan ng classroom namin.

Hinila ako ng teacher namin at may binulong siya sa kaliwa kong tainga,

"Mag ingat ka, iba ka sa kanila."

Dahil dun, kinilabutan ako sa sinabi niya. Kaya napabalikwas ako pero bumalik naman agad ako sa katinuan ko. Nakakatakot talaga minsan yung teacher namin na yun, medyo weird.

Habang nasa harap kami ng Principal's Office ay nagtatanungan pa kami kung sino ang kakatok.

"Uy Aneeka, ikaw na ang kumatok! Nahihiya ako eh." Tulak saakin ni Joyce. Medyo kinakabahan akong kumatok sa pinto kase nakakatakot talaga yung principal namin, parang may kakaiba sa presence niya tuwing malapit siya samin.

"Pasok."

Agad kaming pumasok sa principal's office at ipinaupo kami ng principal samantalang si Hiroshi at Roswel ay tumayo nalang dahil kinulang sa upuan.

Mga ilang segundong walang nagsalita. Medyo nagulat ako nung nagsalita bigla ang principal.

"Alam kong nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag..." Tapos may inabot siyang berdeng sobre sa amin.

"Pinatawag ko kayo upang sabihin sainyo na sa lahat ng mga estudyante dito sa paaralan na ito ay kayo ang pinakamagagaling. Hindi lang sa larangan ng pag aaral sa mga subjects niyo pati na rin sa mga ibang bagay. Tulad ng enhanced senses ninyo." Biglang akong kinilabutan nung narinig ko ang salitang enhanced senses, siguro may kinalaman dito yung sasabihin niya saamin ngayon.

"Kaya napagdesisyunan namin na ilipat kayo sa paaralan kung saan kayo nababagay at nararapat. Ang Tantei High." Huh? Ano!? Ililipat kami ng school? Bakit? Okay naman kami dito ah! Ayoko lumipat mahihirapan nanaman mag adjust.

"Tantei High? Anong school po iyon? School po ba iyon sa Japan? Di po kase masyado pamilyar." Tanong ni Vienn. Oo nga, buong existence ko wala pa kong school na alam na pangalan ay Tantei High. Jusko saang lupalop ng mundo yun

Tantei High: The New EraOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz