Organista

957 15 0
                                        

Authors note:
ang susunod na babasa ay mahalong SPG at BoyXBoy kaya kung hindi kayo sanay or ayaw ninyo nang ganitong story please wag nyo na basahin ang storyang ito

########$##########

unang pag ibig hay kay sarap ito ang unang storya nang aking paglalandi. bata palang ako ay kasama sama nako sa church dahil isang servant of god ang aking nanay. sa kabila nang magandang palabas sa labas nang bahay ay ganun naman ka baligtad sa loob. nasanay na kami na pag inlove ang nanay ko maganda sya may pera at masipag. pero super as in super selosa kung magulo ang buhay pag ibig ni kris aquino triplihin mo ang sa nanay ko ganun yata pag pinanganak na aquarius kakaloka ang love life. naalala ko pa ang mga mga panahon na magigising kami dahil sa nagsisigawan sila nang kanyang bagong boyfriend at mag aambaan nang screw driver yun siguro ang dahilan kung bakit ngayon ay sceptic ako na mag sugal sa pag mamahal lalo na kapag nasasakal ako sa sobrang kulit. pero hindi ako ganito dati minsan iniisip ko dahil din siguro mas mahal ko na ngayon ang sarili ko hindi tulad dati. dati kasi sabik na sabik ako na mahalin ako sa puntong hindi ko na alam kung ano hindi ko kayang gawin para sa taong mahal ko. sana samahan nyo ako sa magulo kong kwento.

ako nga pala si cielo 27 yrs old 5'9 ang height gwapo daw sabi nila sila yun ah hindi ako. kamukha ko daw si john lloyd /coco martin / jed madella ewan ko ba. sinabi ko nga kanina ako ay miyembro nang choir dance ministry at youth ministry bata palang ako nang mamulat ako sa mga linkod para sa diyos. dahil sa palipat lipat kami nang bahay para sa pag serve ni mama at pagtakas sa mga nakaraang karelation ang life span nang aming family sa isang lugar ay five years. maswerte na kung mag abot kami nang ganung katagal na naging dahilan kung bakit hindi ako pala kaibigan maliban sa church. nung bata pa ako iniisip ko nalng na isa akong gypsy. bata palang din ako ay alam ko nang isa akong dyosa at hindi ako katulad nang ibang bata. kung aking iisipin nag dadamit damitan ako nang kumot at nag sisigaw nang Moon Cosmic Power make up! pero hindi ito na saksihan nang aking mga magulang nag hiwalay kasi si papa at si mama bata palng ako kaya laki ako sa lola.

si lola tinurin kong tunay na ina sa loob nang mahigit sampung taon dahil si mama ay lagi either nasa ibang bansa or sa malayong probinsya para sa kanyang pag seserve. kami naman nila lola ay palipat lipat nang lugar either sa probinsya or sa manila depende kung nasan si mama pag malapit man lang din ay sumasama kami sa kanyang lugar kung san sya mapadpad kung ma deatino naman sya na walang acomidation ay lilipat kami uli sa probinsya.

Isa sa mga panahon na yun nung nakilala ko si Emil, sa Olongapo kmi nagkakilala nang unang taong masasabi kong naging importante sakin. mas matanda sakin si Emil nang limang taon at sya ang asistant nang choir leader at organista din nang church pag may misa.

palakaibigan at mabait si emil lalaking lalaki at pa good boy nextdoor effect nasa 6ft sya nung mga panahon na yun at super puti mapula pula ang kanyang pisgi dahil sya ay may halong pagka chinise at spanish. 15 palang ako nang mga panahong iyon. yun yung mga panahong masikap ako sa pag aaral at sa gawaing simbahan. lahat sila sa aming community ay bilib sakin dahil sa kung gano ako ka sipag sa pag attend nang misa hangang sa prayer meeting hangang sa bible study namin sabi nga nila dapat mag pari nalng ako. pingarap ko din yun kaya mas napapadalas ako sa simbahan kulang nalang sa simbahan ako mayulog.

nagpapractice kami noon nang alukin ako ni emil na turuan ako mag organ dahil sa nakikita nya na interest ko sa paglilingkod sa simbahan. agad agad naman ako pumayag at nag set nang araw. tuwing sabado ang aming napag pasyahan dahil malapit lang sa simbahan ang bahay nya kaya doon namin napag pasyahan mag pwesto.

tinuruan nya ako ako nang magsimple cords tulad nang c-minor at kung ano ano pa mabilis naman ako pumik up kaya mabilis ako matuto nang paunti unti hangang sa naka buo na ako nang isang kanta.

pano ma inlove ang tangaStories to obsess over. Discover now