"Sorry to disappoint you, halay girl. Walang nangyaring ganoon at kailan man ay hindi iyon mangyayari sa aming dalawa." I can see the disappointment and boredom painted on her face that is, somehow, annoying.

Rei is the kind of girl who seeks adventure, she gets bored easily. She seeks something new that could satisfy her adventurous personality and I can see that she found adventure in my private life.

"Pero Lei, wag tayong magsasalita ng tapos. Baka dumating ang araw, kainin mo 'yang sinabi mo?" Suot na naman niya ang nakakaloko niyang ngiti.

"Umalis ka na nga! Tulungan mo 'yung partner mo! Slacker!" Pagtaboy ko sa kanya habang tawang-tawa naman siyang naglalakad papalayo.

Really annoying.

Wala na din naman akong gagawin dito sa cafeteria dahil inubos na ni Rei yung baon ko at naubos ko na rin ang itong juice kaya napagpasyahan kong magtungo sa susunod kong klase.

May isang oras pa akong hihintayin pero ayos lang. May katabi naman 'yung room ko na study corner. Doon nalang ako maghihintay.

Habang binabagtas ko ang hallway, pumasok na naman sa isip ko ang nangyari noong nakaraang gabi. At dahil sa nilamon na ako ng pag-iisip ko, di ko nakita ang nakatayo sa harapan ko't nabangga ko siya.

"Pasensya na!" Agaran kong paghingi ng paumanhin. Lutang kasi eh. Nakakahiya na nabangga ako dahil sa iniisip ko 'yung nangyari.

"Leilani?" Tiningala ko agad kung sino ang tumawag sa'kin. Natulala ako nang makilala ko siya. "Okay ka lang? Lutang ka na naman bang naglalakad?" Kahit tatawa-tawa siyang kinakausap ako, hindi parin ako makaimik. Pakiramdam ko, lahat ng dugo ko sa katawan ay nagsiakyatan papunta sa mukha ko kaya nag-iinit ang pisngi ko.

"Hoy Kurt! Tinakot mo na naman si Leilani, nabato na sa kinatatayuan niya o! Maiihi na 'yan sa susunod." Rinig na rinig ko man ang pang-aasar nila kay Kurt, di parin ito maproseso ng utak ko. Pagdating talaga sa lalakeng gusto mo, nabablangko ka.

Kurt Arquiza. Hindi man siya ganun ka-gwapo sa tingin ng iba, para sa'kin, wala nang mas aangat sa kanyang ibang lalake. Noon pa man ay may gusto na ako kay Kurt. Mabait siya at madaling makagaanan ng loob kaya hindi rin siya kahirap magustuhan.

Naging magkaklase kami noong mga first years pa lang kami at siya ang una kong naging kaibigan maliban doon sa tatlong bruha na simula pagkabata ay kasama ko na.

Si Kurt ang kauna-unahang lalakeng nagustuhan ko simula noong tumuntong ako ng college. Naging magkaklase kami noon sa halos lahat ng subjects namin at palage rin kaming magkatabi kaya naging close din kami noong first year pa kami until he became an officer sa department namin. He became busy at noong tumuntong na kami ng second year, nahalal siya bilang officer ng Student Council kaya mas naging madalang ang pagkikita naming dalawa.

Akala ko talaga ay nakalimutan na niya ako dahil ngayon third year na kami, ni isang subject, hindi ko siya kaklase.

"Umakyat na yata kaluluwa ni Leilani, pre. Di na naririnig boses natin eh. Halikan mo kaya?"

"Baliw! Bumalik na nga kayo sa room, puro kayo kalokohan." Nabalik ako sa reyalidad nang tinaboy na niya ang mga kaibigan niya pabalik sa klase. Napapailing na lamang siya sa mga kantiyaw ng mga ito sa kanya. "Para silang mga bata." Wika niya.

"Ah pasensya na talaga Kurt kung nabangga kita tapos 'di pa kita sinagot agad, nakakahiya naman. Ang tanga ko kasi." Napakamot nalang ako sa batok. Ano ba 'yan. Ngayon nga lang kami nagkausap ulit, natulala pa ako sa harap niya. Nakakahiya ka talaga Leilani!

Marriage For PaymentWhere stories live. Discover now