Wala ka ng babalikan pa

92 1 0
                                        

Hi ako nga pala si Rox mag ta tatlong taon na sana kami ng boyfriend kong si Pao pero niloko niya ako iniwan pinagpalit at pinag mukang tanga iniwan sa mga pangako niyang ako na ang huli at magpapakasal na kami napaka sakit noh ? naranasan mo nadin ba yun ? kung oo huminga ka ng malalim at ibulong mong OKAY LANG YUN wag mong isigaw baka isipin ng katabi o malapit sayo na baliw ka :) ganito kasi yan.


Masaya naman kami ng boyfriend kong si pao mahal na mahal namin yung isa't isa sa totoo lang sa pag kakakita ko pero parang mali ako kasi kung pareho kami ng nararamdaman hindi naman kami mag hihiwalay :) tanggap ko na kahit masakit padin sa part ko ganun naman talaga lahat nagkakaroon ng wakas kasi hindi para sa isa't isa 


Isang araw bigla nalang siyang nag text saakin sabi niya "Masaya kapa ba saakin?" wala naman kaming problema kasi magkasama palang kami nung gabi kaka celebrate lang namun ng 3rd anniversary namin  that time so sumagot ako "Oo naman babe , sobra :) <3 why?" may smiley at puso pa tapos sabi niya "wala naman sa tingin mo ba mag wo work pa tong relationship natin?" tugon ko "babe may problema ba ? parang hindi ata ako sanay na ganyan ka magtext saakin may nagawa ba ako?" sabi niya "wala naman be osige text nalang kita maya" hindi na ako nagreply after non napaisip din kung bakit ganun yung mga tanong niya sakin wala naman kaming problema pagtapos ng klase ko mga bandang 6pm gumawa ako ng evening message para sakanya super sweet kulang nalang langgamin yung phone niya ganun kasi siya gusto niya lagi siyang nilalambing gusto niya palagi niyang nararamdaman na sakanya lang ako, pero hindi siya nag rereply fiesta sa baranggay nila ng gabing yon naisip ko baka nagkakatuwaan sila ng mga kaibigan niya tapos nag text na siya mag iinom daw siya ako naman sabi ko wag siyang magpakalasing at mag iingat ganon naman sa  relationship mas okay pag nakikita niyong may concern padin sa isa't isa hanggang kinabukasan wala padin laman yung inbox ko kundi 4438/8888 lol inbox ng single? oo single siya sa inbox ko ayaw niya kase na may mga nakakatext ako na iba ayaw niya na nararamdaman na may kahati siya sa puso ko lahat ng bawal at gusto niya siusunod ko tanghali na nakakapanibago kasi wala padin siyang message o tawag  pero understanding naman ako kaya nauunawaan ko lahat kahit nga minsan mas inuuna pa niyang mag fb kesa magsabi sakin na gising na siya.


Gabi nawala padin siyang text saakin tinatawagan ko naka 20x mahigit na calls na din ako pero wala talaga hanggang nakita ko yung post niya sa Instagram na may kaakbay siyang babae nag text ako sabi ko "sino naman yung babaeng kaakbay mo sa picture ?" dun nag reply siya sabi niya "Dancer yan nag performed kagabi dito nagpa picture lang ako tapos sabi ko naman "e bakit nakaakbay ka at nakalapit pa yung ulo mo sa ulo niya ? at teka bakit ngayon ka lang nagtex?!" sabi niya bigla "Maghiwalay na tayo tapos na lahat saatin " bigla nalang tumulo yung luha sa mga mata ko sabay tawag sakanya sinagot naman niya hinndi lang umiimik sabi ko "Pao may nagawa ba ako ? may problema ba ? sabihin mo sakin may mali ba saakin sabihin mo at babaguhin ko para sayo wag naman ganito alam mo kung gaano kita kamahal na hindi ko kaya diba ?tapos wala akong naririnig na tugon sakanya sabi ko "Pao magsalita ka sabihin mo sakin :( humahagulgol na ako sa lungkot pero wala bigla niya akong binabaan halos hindi ko alam kung may nagawa ba ako kung bakit ginanon niya ako kung bakit bigla nalang niya akong iniwanan sa ere napaisip ako text padin ako ng text tawag ng tawag kasi ang sakit sa part ko ng ginawa niya lumabas ako kasama mga kaibigan ko nagpakalasing ako nagpakalunod ako sa alak kasing lamig ng alak na pumapasok sa bituka ko yung pakiramdam ko na magisa nalang ako at halos wala nakong makita sa pagkahilong nararamdaman ko pumunta ako sakanila nagmamakaawa akong lumabas siya para kausapin ako ilang daang messages na yung nagawa ko ilang misscalls naba yung meron yung phone niya pero wala padin :( nag text ako sakanya sabi ko "nagmamkaawa ako sayo lumabas ka magusap tayo after neto pangako hindi na kita guguluhin pa :((" lumabas siya sinakay ako sa trike e hahatid na daw niya ako pauwi saamin kasi hindi din naman daw kami makaapag usap sabi ko "normal ako naririnig ko lahat ng sinasabi mo kahit lasing ako ano bang nagawa ko ? ano bang problema ?"sabi niya "masyado kang mahigpit lahat nalang gusto mo alam mo nakakasawa!"tapos sabi ko "diba yun yung gusto mo ? :(( diba ganun ka din mas pa nga ? :(( aayusin ko aalisin ko yung mga bagay na ayaw mo wag mo lang akong iiwanan :( masaya naman tayo anong problema ?" sabi niya "wala na talaga tama na " iniwan niya ako noon sa may parke halos wala na akong maaninag noon sa pagkalasing ko pero pinili niya padin akong iwanan noon halos mugtong mugto na yung mga mata ko sa kakaiyak may dalawang couple na lumapit saakin kinomport naman ako nag sabi din ako ng dahilan kung bakit umiiyak ako kinuha nila yung number ni pao at tinawagan pero sumagot daw si pao ang sabi nalang pauwiin na daw ako . gawain ba ng matinong karelasyon yon ? sinaktan na nga niya ako ng husto pinabayaan niya pa ako :) pagtapos ng gabing yon pinabayaan ko na siya.


Naisipan kong mag facebook :) kasi empty na lahat e wala nakong gagawan ng good morning message nakita ko sa profile niya dini display niya yung babaeng nakita kong kasama niya sa picture sabi ko Aba! akala ko ba Dancer lang yan ? na dumayo lang sakanila bakit ang dami na ata nilang pictures ? parang dinudurog na yung puso ko sa totoo lang  sa sobrang pagka gaga ko nag message pako sakanya "sino ba talaga yang babaeng yan ?" puro SEEN lang talaga tapos sabi ko hindi na ako mag me message pa sakanya nung hapon na parang gaga nanaman ako na nalulungkot at nagtatanong kung bakit MAG ISA nalang ako ? kasalanan ba na magmahal ng sobra ? kasalanan ba na maging tapat ? kasalanan bang ibigay sa taong sobrang mahal natin lahat ng mga pangarap natin ? halos lahat sinakripisyo ko para kay Pao pag aaral at pagtrato ko sa pamilya ko nag iba dahil sakanya ayaw kasi sakanya ng pamilya ko kase tambay lang siya kasi wala siyang plano sa buhay niya  lagi nalang siyang nakaasa sa iba halos lahat gastos ko samin minsan pag meron siya nagbibigay din siya buong ako binigay ko na sakanya halos wala na siyang mahihiling at hahanapin pa pero ganun siggiro talaga ang tao pag hindi marunong makuntento NAKAHIGA NA SA KAMA LILIPAT PA SA SAHIG linya sa isang pinukulang pilipino :D hehe pagtapos nung araw na yon sunod sunod na post na niya ang nababasa ko meron yung nakayakap pa siya sa babaeng yun sa pool na halos mahubaran na yung babaeng yon i don't use kapokpokan o kung ano man kasi babae din ako pero sa totoo lang mukang ano talaga kapal nakakainis bigla pa siyang nag post about sa loyalty nag comment ako sabi ko "WOW BIG WORD ANUNG ALAM MO SA LOYALTY MANLOLOKO!" tapos ang daming nag like nung kinoment ko means madaming nakabasa sa friends namin bigalng nag message si gago sabi niya "tigilan mo nga yung mga post ko! letche" sabi ko naman "ngayon may gana ka ng mag message saakin ? LETCHE KA DIN !" tapos sabi niya "ano ba wag mo na akong pakielaman " hindi na ako sumagot nalungkot talaga ako ng husto.


Pagtapos non inanfriend ko nalang siya para hindi na ako masaktan ng mas madalas kahit bawat gabi umiiyak ako dahil sakanya dahil sa ginawa niya patuloy akong nag darasal na sana mawala na lahat ng pakiramdam ko na sana hindi ko na siya mahalin pa na sana magising na ako sa katotohanan sa sakit na ginawa niya saakin kasi ang hirap wala man kaming closure ang hapdi hapdi padin ng pakiramdam ko sa bawat araw na para akong lampara na mahanginan lang mamamatay na sa sakit halos wala nakong gana sa lahat halos sumexy na ako kasi nawalan na ako ng gana sa pagkain ang sakit talagang lokohin at iwanan MAG ISA sa ere


Parang gusto kong tanungin sakanya Babe Love is in the air ba kaya iniwan moko sa ere ? biro lang mahirap pag na settle mo na lahat para sa isang tao mahirap pag hindi mo namalayan  na mag isa ka nalang na nag mamahal masakit man ang bawat breakups dahil sa smallfights mas masakit padin maiwanan sa ere habang alam mo sa sarili mong binigay mo na ang lahat habang alam mo sa sarili mo na nagawa mo na ang lahat maiisip mo nalang kung bakit nga ba nangyari ang lahat kung bakit ka niya nagawang iwanan pagtapos ng lahat ng pinag samahan niyo kung bakit ka niya iniwanan ng ganun kadali minsan kailangan nalang tanggapin ang lahat kasi wala nang maibabalik pa wala ng babalik pa kasi may Iba na .


paano maka moved on ?

1. Isipin mo nalang na lahat ng bagay na nangyayari may dahilan kahit ano naman isipin mo wala ng babalik pa 

2.stop stalking her/him tama na please lang hindi ka tanga kasi madaming iba jan na magpapakatanga sayo na tutumbasan yung pagmamahal mo o mas higit pa

3.ituon mo yung atensyon mo sa pamilya kaibigan o sa simbahan o ibang activities yung feeling na alam mo magiging masaya ka at pag mag isa ka nalang isipin mo kung gaano ka kasaya at ka blessed ngayong araw

4.kung paka gaga kapa din at walang umubra sayo sa mga yan isipin mo nalang na yung iba nga jan hindi mag ka lovelife dahil sa kapansanan at panlabas na itsura nila ikaw maganda/gwapo ka naman pwedeng pwede kang magmahal pero nagpapakatanga ka ? walang ganun

5. lagi mong sasabihin na hindi ako palaging tanga na matututo ka din hindi man ngayon pero makakahanap ka din .



 May Katuloy pa toh kasi after 2 months na walang nahita si Pao sa Babae niya para na siyang asong bumabalik balik!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mag isaWhere stories live. Discover now