CHAPTER 8

7.1K 150 1
                                    

NAGISING akong nasa kama na at katabi si patty. Siguro'y binuhat ako dito ni gabriel kagabi, Diko man lang namalayan. Umalis na kaya sya?

Naghilamos na muna ako at nag ayos ng sarili bago lumabas ng kwarto ko. 7:00 am na pala at di pa ako nakakapagluto ng breakfast.

Kapag ganitong araw pagkatapos ng birthday ko ay otomatikong ako ang magluluto ng breakfast namin. Sigurado kasing may hang over sila nun and for sure tatamarin na naman silang bumangon.

Natatawang napapailing nalang ako habang nakatingin sa anim na mukhang dito na naman nakatulog sa sala. Napatingin ako sa kambal na magkayakapang natutulog sa sahig, si kuya daniel naman ay pilit na siniksik ang katawan sa maliit na sofa, Si kuya gilbert naman ay nakadapang nakatulog sa sahig samantalang nakaunan naman sakanya si kuya patrick at si buddy. Para silang mga bata kung titingnan. Nakakatuwa. Dito palang alam mo nang malapit sila sa isa't palibhasa kasi'y magkakamag anak lang sila at sabay sabay na lumaki. Si kuya daniel nga lang ang di laxamana pero pinsan ito ni patty sa mommy niya.

"They are weird,"

Napangiti ako. Tiningnan ko sya na nakatayo sa bandang kanan ko at kunot noong nakatingin sa anim. Mabuti nalang at di pa sya umalis.

"Yeah." Binalik ko ang tingin sa anim na mahimbing pa rin ang tulog. "Bakit di mo sila kilalanin gabriel? Oo weird sila kung titingnan, pero mababait sila." Nakangiti kong sabi rito habang nasa anim ang mga mata.

"Hindi ba't huli na para dyan?" Sabi nito.

Hinarap ko ito "Hindi pa gabriel. Marami pang oras para sainyo,"

Ngumiti ako nang malapad dito. Gusto kong ipakita sakanya na di dapat sya magdalawang isip na makipaglapit sa mga kaanak nya, Lalo na't ang mga ito lang makakaramay nya.

"Try it gabriel. Hindi naman masamang subukan,"



"ANG SAKIT ng ulo ko," Reklamo kagad ni patty pagkagising nito. Dito na agad sya sa kusina dumiretso dahil alam nyang andito ako.

Lumapit sakanya si gabriel saka ibinaba ang isang tasa ng kape sa harap nya "Pampatanggal ng hang over."

"T-Thanks." Gulat namang nagpalipat lipat ng tingin si patty samin.

Napangiti ako. Ito ang unang pagkakataong naging ganito si gabriel. Malayo kasi ang loob nito kela patty, Sa tuwing sinusubukan kasi nilang makipaglapit rito'y si gabriel mismo ang lumalayo. Nagmistulan itong may allergy sakanila, pero ngayun pagkatapos ng pag uusap namin kanina'y nag iba sya. Alam ko at sigurado akong sinusubukan na nyang makipaglapit sa mga pinsan nya at natutuwa ako roon.

"Si gabriel na rin ang nagluto ng breakfast natin." Masaya at tila nagmamalaking sabi ko. Hindi ko alam na magiging ganito sya. Kagabi at ngayung araw ko lang nadiskubreng may soft side pala sya. Madalas na rin itong ngumingiti di tulad noon na halos kolektahin nya na lahat ng sama ng loob sa buong mundo.

"R-Really?....w-wow," Gulat at Di pa rin makapaniwala ang expresyon ng mukha ni patty.

Naiiling nalang ako. Mukhang naglalakbay pa ang diwa nito. I wonder kung saan na 'yun napunta. Para kasi itong nawala sa ulirat mula nang bigyan ito ng kape ni gabriel.

"Gabriel," Hinarap ko muna ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Inaayos na nito ang table na pagkakainan namin. Buti nalang at nagpasadya ako nang malaking lamesa para sa ganitong okasyon.

"Yes maam," Sumaludo ito pagkaharap sakin.

Natawa ako "Puro ka biro," Naibulalas ko ng nakangiti "Pwede mo bang gisingin sila kuya patrick?" Malambing na sabi ko rito kapagkuwan.

Ngumiti ito dahilan para matunaw ang puso ko sa galak. Minsan. Minsan lang ako makontento sa buong buhay ko at dahil 'yun sakanya.

"Sure," Tuwang tuwa itong lumapit sakin saka ako hinalikan sa pisngi "Anything for you my love." Bulong nya sa tenga ko dahilan para mamula ako.

"What was that?" Di makapaniwalang tanong ni patty pagkalabas ni gabriel ng dining.

"What?" Patay malisyang tanong ko pabalik.

"Wag mo akong pinaglololoko sandy! Naguguluhan ako ngayun alam mo ba?" Sabi nito.

Tumawa ako "Di kita niloloko patty." Sabi ko rito.

Sumimangot naman ito "Kayo na ba?" Diretsang tanong nya.

Lalong lumapad ang ngiti ko saka dahan dahang tumango "Oo,"

Kumunot ang noo nya saka mas lalong sumimangot "Ang bilis naman sandy." Seryosong sabi nito.

"Wala namang masama dun patty. Saka mahal ko naman sya eh." Dahilan ko.

Nagiwas ako ng tingin ng tumalim ang pagkakatitig nito sakin "Di ka ba nag iisip? F uck sandy! Nalingat lang ako saglit naging kayo na," Inis na singhal nito "Alam nya ba kung sino ka talaga?" Inis na tanong pa nito.

Napayuko ako. "Pagbigyan mo nalang ako rito patty," Naluluhang nag angat ako ng tingin sakanya "Saka dimo ba gusto ang bagong gabriel ngayun?"

Napailing ito "Sandy alam nating dalawa na kamumihian ka nya kapag nalaman nyang hindi ka naman talaga 'reyes'." Lumungkot ang kaninang seryoso at naiinis nyang mga mata "Masasaktan lang kayo. At itong sinasabi mong bagong sya? Tiyak akong maglalaho lang rin ulit ito at baka nga mas lumala pa sya. Baka hindi na talaga sya lumapit saamin."

Napabuntong hininga ako "Patawad patty. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya kahit saglit lang. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si gabriel hindi ba?" Malungkot ko tugon rito.

"Sandy." Hinawakan nito ang isang kamay kong nakapatong sa taas ng mesa "Hindi ko pinagbabawalan itong gusto mo. Ang tanging inaalala ko lang naman ay baka lalo lang gumulo ang lahat," dagdag pa nito.

"I'm sorry patty," Oo naging padalos dalos ako ng desisyon. Ang nasa isip ko lang naman ay ang maging masaya kahit saglit sa piling ni dark.

"Basta---" Hindi na nito natuloy ang sasabihin nya nang biglang sumulpot ang anim na sapo sapo ang mga ulo at tila wala na naman sa huwisyo.

"Ganyan ba talaga sila?" Takang tanong ni gabriel.

Bumalik ang ngiti sa mga labi ko at kinang ng mga mata ko "Oo gabriel. May mga hang over kasi." Sabi ko.

Narinig kong umungol ang anim kaya't nabaling sakanila ang atensyon ko. Sabay sabay pa silang uminom ng kape na hindi na nagpagulat samin ni patty. Kapag may hangover lang naman sila tahimik at hindi nagtatalo eh.

"They are really weird," Rinig kong bulong ni gabriel.

"Weird talaga," Ngingiting pagsang ayon ko.

Tiningnan ko si patty na nagsisimula na palang kumain. Nagtatampo pa sya sakin. Alam ko namang mawawala rin yun at di nya ako matitiis pero naguiguilty pa rin ako.

Bumuntong hininga nalang ako saka nagfocus kay gabriel. Mamaya ko nalang ulit kakausapin si patty.

Yung anim naman ay for sure na hanggang mamayang tanghali pa 'yun makakabalik sa huwisyo. Mukhang naparami ata ang mga nainom nila.

"Let's eat," Nakangiting bulong ni gabriel.

Napangiti nalang ako habang pinapanuod itong tuwang tuwa sa paglalagay ng pagkain sa plato ko.

Alam kong mali itong ginagawa ko at gustuhin ko mang pigilan pa ito....ay hindi ko na kaya.



****

Long time no update guys haha :) Surrey medyo nabusy ang utak ko ngayun haha sana magustuhan nyo 'tong ud ko. Mwa :*

The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon