Love that Lies

12 0 0
                                    

PROLOGUE

Soft wind blows, whispering a sweet thoughts...

Trying to pull all my sadness and heart aches .. Slowly I realize that life is worthless without love..

But how terrible it is to fall again..

I close my eyes and feel the gentle touch of the wind, the fresh smell of the sea,

The wave approaching the seashore is like a music...

Love is really so mysterious, we feel but we can't see, but hurt us without us knowing...

"We can't be together, our love is not enough....Mas lalu ka lang masasaktan pag nagpatuloy tayo"

"But I'm willing to wait.. Please don't break my heart.. "..Carly cried.

"But Laila is pregnant"

"Akala ko sapat na ang pagmamahalan natin,pero natukso ka pa rin,nagbulag bulagan ako,dahil akala ko ako parin ang pipiliin mo sa huli......but now I was wrong... "...binitawan nya ang kamay ng binata at pigil ang luhang umalis.

*******...°°°°°°°°

Sariwang hangin ang bumungad kay Carly pagbukas nya ng bintana. Ilinibot nya ang paningin sa napakagandang tanawing nasisilayan nya mula sa bintana ng hotel room. Tanaw nya ang asul na dagat na tila musika sa kanyang pandinig ang bawat hampas ng alon sa baybayin.

Naroon sya upang malimutan ang sakit na dulot ng kanyang unang pag-ibig. Nagpasya syang lumabas at nagtungo sa restaurant ng hotel.

"Your order mam? "..lumapit agad sa kanya ang isang waitress.

"Hot chocolate and pancake please"..tugon nya sa babae.

Matapos ang paghigop ng masarap na agahan, nagtungo ang dalaga sa baybayin, tulalang nagpalakad lakad sa pino at maputing buhangin.

Hindi nya napigilan ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata. Dahan-dahan syang lumapit sa tubig, at habang lumalalim ay lalu syang nakakaramdam ng gaan sa dibdib. Handa na sana syang iwan ang mundo nang biglang may malalakas na braso ang humawak sa kanyang beywang at walang kahirap hirap syang binuhat.

***********

Ugali nang mag-ikot ni Blaze sa pag-aaring resort bago sya bumalik ng Maynila. Tuwing huling linggo ng buwan ay bumibisita sya rito, sapagka't may kalayuan ang Batangas, dahil maliban sa resort ay may pag -aari din syang dalawang Restaurant sa Manila. Si Jake ang bestfriend nya ang nagpapatakbo ng Resort .

Pabalik na sya sa hotel upang maghanda sa pag-alis nang may mapansin syang isang babaeng tahimik na naglalakad sa baybayin, sa di nya malamang dahilan sinundan nya ito. Bukod sa girlfriend nya, ngayon lang ulit sya nakakita ng babaeng nakakuha ng atensyon nya. Mataman nyang tinitigan ang likod nito. Matangkad ito, balingkinitan ang katawan, maputi ang balat at ang tuwid na buhok nitong hanggang balikat ay tila naakit syang haplusin at amuyin.

Natigilan sya ng biglang nagawi ang dalaga sa tubig, marahan itong naglakad hanggang sa malalim nitong bahagi. Nakaramdam sya ng kaba kaya dali dali nya itong linapitan. Nasa ilalim na ang dalaga ng mahagip nya ito sa beywang. Salamat sa araw araw nyang pag ggym dahil ang matitipuno nyang braso ay parang manikang binuhat ang walang malay na dalaga at dinala sa baybayin.

Marami ang nakapuna sa nangyayari kaya pinalibutan sila ng mga taong nag uusyuso. Nakainom na ng tubig ang dalaga kaya wala na itong malay, agad syang nagsagawa ng CPR, ilang minuto lang ay umubo na ang dalaga at inilabas ang nainom na tubig.

"Thanks God ,I thought you won't regain your consciousness"..humihingal na wika ni Blaze.

Marahang iminulat ni Carly ang mata, "w..... What happened? "

"You tried to kill yourself, and unluckily you didn't succeed "..sagot ni Blaze.

Napalingon si Carly sa katabi. "Why did you save me? "..singhal nya dito.

Tila nahipnotismo sya sa kakaibang alindog ng lalaking kaharap nya. Mula sa mapupungay na mata nito, matangos na ilong at mapupulang labi na kanina lang ay dumampi sa kanya. Dumako ang mata nya sa matitipuno nitong braso na kanina'y buong lakas syang binuhat.

"Hey are you listening?.. Or you are just enjoying the beautiful view infront of you? "..

"Huh?!.. What are you saying? "..gulat na tanong ni Carly sa kaharap.

"I said you can suicide anywhere you want except here in my very own resort... Hindi kita kargo, mamili ka ng lugar na walang madadamay! "...halatang naiirita ito. Sabay tayo, at tahimik na iniwan ang tulalang dalaga.

Love That LiesKde žijí příběhy. Začni objevovat