Bakit sinasabi mo ito sakin Jerome?

Start from the beginning
                                    

Anong klaseng boyfriend ang boyfriend ni Den!!?

"Alam ko mahirap ang pinagdadaanan ni Den. Alam ko at kilala ko ang ugali niya.. Ayaw niyang may nag-aalala sa kanya kaya hanggang kaya niyang sarilinin ang problema - sinasarili niya" mahabang sabi ni Jerome.

"Bakit sinasabi mo sakin ito Jerome?" Diretsong tanong ko sa kanya. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit sakin ni kinukwento ang mga bagay na ito.

"Mahirap ipaliwanag pero sana habang wala ako o kami para sa kanya ay huwag mo muna siyang iiwanan..." Dugtong niya.

"Sa pagkakataon ngayon, wala siyang ibang kailangan kundi si Paul. Ang boyfriend niya. Kailangan niya ng paliwanag, kailangan niya malaman kung bakit nangyari ang mga bagay na ito... Aalis ako para mangyari yun. Gagawa ako ng paraan para makapag-usap sila..." Mahabang sabi niya.

Sinabi rin sakin ni Jerome kung saan ang bar na pinupuntahan ni Den. Sinabi rin niyang bumalik na sa banda si Den dahil sa problemang pinansyal sa bahay nila. Ayaw naman daw kasi ni Den na tanggapin ang binibigay na tulong ni Jerome.

End of Flashback

"Sir hanggang anong oras ang set ng banda diyan?" Tanong ko sa lalaking mukhang may-ari ng bar.

"Ahh.. Yung CnY band. Hindi ko sure kung til what time pero ang alam ko last set na nila" sagot naman niya.

"Pwede ko ba malaman kung bakit mo naitanong?" Ganting tanong niya sakin.

"Ahh.. Inaantay ko kasi si Den" tipid kong sagot.

Matapos yun ay pumasok na sa loob yung lalaki.

Ano nga ba ang dapat kong gawin?
Gusto kong matulungan si Den.
Gusto kong kahit papaano ay mapasaya ko siya.

Alam kong mahirap ang sitwasyon niya ngayon kaya mahihirapan din akong mapasaya siya.

"Jaime? Hala! Bakit nandito ka? 2am na ah!" Bati sakin ni Den.

"Ikaw nga rin eh nandito pa 2am narin" ngiting sagot ko sa kanya.

"Pilosopo. Bakit nandito ka? Sinong kasama mo?" Mabilis niya uling tanong sakin.

"Hindi kasi ako makatulog kaya eto. Shot lang. Tara na!" Palusot ko sa kanya.

Hindi na nakatanggi sakin si Den. Sumakay rin siya kaagad sa sasakyan ko.

"Sigurado ka papasok ka pa mamaya?" Tanong ko sa kanya habang nagdadrive ako.

"Oo naman. Pasado alas dos lang naman. 8am pa klase ko" sagot naman niya sakin.

"Ayy teka.. Patigil muna saglit diyan sa 7/11" sabi niya sakin dahilan para itigil ko muna ang sasakyan.

"Ako nalang ang bababa. Saglit lang to promise" mabilis niyang sabi at kaagad na bumaba ng sasakyan.

Pagbalik niya ay may bitbit siyang mga pagkain.

"Para kay Chrien. Baon niya. Nagpapabili kasi ng tig dadalawa - para daw tig isa sila ni Noah" ngiting sabi niya sakin sabay abot ng cold coffee.

"Thanks..." Sagot ko at sinimulan ko na ulit paandarin ang sasakyan.

Ilang minuto lang ang lumipas ay nasa tapat na kami ng eskinita nila. Sabay kaming bumaba. Gusto ko rin kasi siyang ihatid kahit hanggang gate lang nila.

"Thanks Jaime" ngiting sabi niya.

"Wala yun.. Mamaya ulit..." Lakas loob na sabi ko.

"Sige.. Antayin nalang kita..." Seryosong sagot niya.

"Ha? Talaga? Aantayin mo ako? Saan?" Excited na tanong ko. Mukhang napapalapit na sakin si Den at parang gusto niyang sunduin ko rin siya mamaya.

"Sa Bar.. Sabi mo pupunta ka ulit?" Takang tanong niya.

"Ayy... Yun pala..." Mahinang sabi ko.

"Ha!? Anu yun?" -Den.

"Wala.. Sige.. pahinga ka na.. Pasok pa tayo mamaya..."  Sagot ko sa kanya sabay talikod ko.

"Nga pala..."

Napatigil ako nung bigla ko yun narinig sa kanya.

"Baka free ka sa Thurdays Night... Baka gusto mo sumama sakin manuod ng concert ng Shooting Star Band..." Mahinahong tanong niya sakin.

"Oo free ako! Kahit anong oras!" Napakabilis kong sagot sa kanya.

Medyo nahiya ako nung medyo napatitig siya sakin.

"Ahh.. Ibig kong sabihin wala akong lakad nun kaya pwede ako..." Sabay kamot ko sa ulo.

"Sige.. Ingat ka pag-uwe.. Salamat ulit!" Huling sabi niya bago siya tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay.

Author: Shot muna akong mag-isa. Pampaantok.
Sino malapit dito sa Tanza? Invite ko kayo sa Fiesta :)

Ang Manliligaw Kong Bully II (BXB)Where stories live. Discover now