Prologue

87 3 0
                                        

May 17, 1996

Nakatingin lang ang batang si Maris sa mga batang naglalaro sa isang lumang bahay na walang nakatira, hindi siya pinapayagang lumabas ng bahay dahil ikinakahiya siya ng mga magulang nito maliban sa kanyang tatay. Hindi na niya minsan maiwasan ang umiyak dahil sa kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya ay parang walang nagmamahal sa kanya maliban sa kanyang Ate na si Rose na 8 years old na, si Maris naman ay 6 years old lang. Si Rose lang ang tanging kapatid niya na nagmamahal sa kanya ng todo todo, kahit ang nanay ni Maris ay hindi siya pinapahalagaan.

Dahil malapit lang siya sa pintuan ng bahay nila ay hindi na niya napigilan ang sarili niya na lumabas, pinihit niya ng mahina ang pintuan upang hindi siya marinig. Nakalabas naman siya ng bahay ng hindi nahahalata.

Masaya siyang pumunta sa lumang bahay kung nasaan ang mga bata na masayang naglalaro, pinagmaadan niya ang mata at lumaki ang kanyang ngiti, gusto niya talagang makilaglaro.

Lumapit siya sa isang bata, "Hello, isali niyo naman ako."

Tinignan siya nung mga bata, "Ayaw nga namin." Tapos naglaro ulit sila.

"Sige na...."

"Ayaw nga namin eh!"

Pagkatapos sigawan ng isang bata si Maris ay tinulak niya ito, tinawanan tuloy siya ng mga bata habang umiiyak siya. Tumayo nalang siya at umupo sa isang sulok.

Maya maya ay nakakita siya ng mga batang naglalaro ng taguan, paborito niya ang larong iyon. Nilapitan niya ang mga bata at sinabi niya na makisali siya.

Pumayag naman sila at naglaro nga sila pero si Maris ang nataya dahil siya lang ang naka baliktad ang kamay habang sila ay namimili ng taya.

Noong hinahanap na niya ang mga kalaro niya ay nag pasya siyang pumasok sa lumang bahay at nag babakasakali na doon nagtago ang mga kalaro niya.

Habang hinahanap niya ito ay bigla nalang siyang tinulak ng mga kalaro niya sa bintana para mataya ito, at dahil sa hindi inaasang pangyayari, nahulog si Maris doon at natusok ang kanyang dibdib sa isang nakatayong bakal.

Walang nakakita at hindi din alam ng mga batang sina Maria at Louisa na nahulog siya dahil agad siyang tumakbo, walang nakaka alam na patay na si Maris.

~

Nakaupo lang si Rose at ang batang lalakeng kapatid niya na si Jake na pitong taong gulang.

"Nasaan na ba kasi ang batang iyon? Kanina pa siya wala ah! Mag aala sais na oh!" sabi ng nanay ni Maris na kanina pa galit.

"Janice, huminahon ka nga, baka naman nakipaglaro lang."

"Ay nako, perwisyo talaga yang batang yan! Dapat talaga eh mamatay na yan eh!"

"Janice! Ano bang sinasabi mo! Bakit mo ba sinasabihan si Maris ng ganyan!"

"Bakit? Totoo naman ah? Simula ng ipinanganak ko yan batang yan ay nag kanda leche leche na tayo! Palagi na lang siyang nagbibigay ng problema!"

"Wag kang magsasalita ng ganyan!"

Magsasalita pa sana si Janice ng makarinig sila ng sigaw sa labas.

"Aaaaah!!!! May batang babaeng patay dito! Natusok siya!!!!!"

Hindi alam ni Janice ang dahilan pero bigla siyang nataranta at lumabas ng bahay, kasunos niya ang asawang si Rodrigo.

Nang sila ay nakarating sa lugar na yon ay napasigaw nalang si Janice ng makita ang katawan ni Maris na wala ng buhay habang dala siya ng mga tao.

"Anak ko!!!!!!!!!!"

Bigla siyang lumapit at niyakap ang katawan niya, "Anak! Patawarin mo ako! Gumising ka!"

Sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Janice ang pag iyak. Puno na siya ng dugo habang yakap yakap ang katawan ng kayang anak.

~

Prom Night
©2016
By: PinkJisoo

Prom NightWhere stories live. Discover now