Chapter One

7 0 0
                                        


SAINT VINCENT ACADEMY.

      

      Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang nakatayo sa harap ng gate ng eskwelahan.

   Nagtatayugan ang mga building at sa labas pa lang ay masasabi mo nang hindi basta-basta ang eskwelahan na ito.

Kilala itong eskwelahan dahil ang mga nag-aaral dito ay mayayaman o di kaya'y angat ang IQ sa pangkaraniwang estudyante. And they also got the looks everybody wishes for.

        I smirk. Now I know bakit ako pinalipat ng hukluban na iyon dito.

        Well, hindi ko din naman siya masisi 'coz I've got all the reasons why I should be here in this school plus the fact na nakick out ako sa dati kong skwelahan.

  Hindi naman sa nagmamayabang pero masasabi kong angat ang kagandahan ko at may utak din naman ako. Mayaman ang tatay ko dahil isa siyang senador sa bansang ito at maraming business na hinahawakan.

  Kaya hindi ko masisi ang dati kong eskwelahan bakit ako na kick out. They're just jealous na may isang dyosang tulad ko.:)

  Kidding aside. Sa totoo lang hindi ko matanggap na na kick out ako dahil lang sa pag depensa ko sa sarili ko. Nagawa ko lang namang bugbugin yung maarte kung klasmeyt dahil nakakairita na siya. Yun nga lang nasobrahan ko kaya hayun in coma pa rin sa ospital. Buti nga sa kanya.

  Pasalamat pa nga siya at di ko siya tinuluyan kung hindi sa sementeryo na ang bagsak niya. Ako ba naman kasi ang ginalit niya. Lahat na kaya ng klase ng martial arts pinag-aralan ko at black belter pa ako. Tsk tsk

     Ang nanay ko ay isang sikat na modelo nung dalaga pa siya at tumigil di kalaunan ng makilala niya ang tatay ko at ipagbuntis niya ako. Hindi na ni

   Nasa hayskul na ako ng ipakuha ako ng tatay ko. Binilhan niya ako ng sarili kong bahay sa isang sikat na subdivision at magmula nun ay doon na ako tumira. Sikreto ang lahat at walang nakakaalam maliban sa bantay ko na si Jordan.

   Siya ang tumatayong alalay at body guard ko. Pero ang alam ng lahat ay siya ang tatay ko. Ayos lang naman sa akin yun dahil napakabait niya at maaasahan.

Napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang pagtawag niya sa akin.

"Yuri, baka hindi na kita masundo mamayang hapon. Tumawag si amo at kailangan niya ako dahil may mahalaga siyang lalakarin. Mag-ingat ka na lang sa pag-uwi."

Wala sa loob na napatango na lang ako. Ang tatay ko ang sinasabi niyang amo. Lintik na matanda kailangan pang si Jordan ang kunin niyang body guard. Ang dami dami naman niyang body guard.

"Ako ng bahala. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Saka sa mata ng nakakarami ordinaryo lang akong estudyante." Nginitian ko siya at naglakad na papunta sa building ng eskwelahan.

Unang araw ng klase ngayon kaya hindi magkamayaw ang mga estudyante sa paghahanap ng kanilang classroom. Mula sa nabasa ko sa school brochure ay labing tatlo ang building dito. At sa panglimang building ako malapit sa school theater building.

Business management ang kinuha kong kurso kasi wala akong maisip. Pangarap ko din namang magtayo ng sarili kong restaurant kaya iyon na lang.

Nakipagsiksikan ako sa mga estudyanteng hindi magkamayaw sa hallway at tinungo ang daan patungong building five.

Siguro naman magagawa kong mag-enjoy sa college life ko. Sana.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BROKEN VOWStories to obsess over. Discover now