"ACACIA"

36 3 1
                                    

AN: Project ko po ito sa MAPEH, pinost ko lang dito hehe

------------------------

"ACACIA"

(SOMEONE'S POV)

Araw-araw akong pumupunta sa sementeryo. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong kamag-anak o kaibigang namatay sa sementeryong ito. Kung baga isa itong tambayan para sa'kin. Minsan dito ako dumederetso pagkagaling eskwelahan. Dito din ako nagrereview kapag Prelim namin. Dito ang breathing place ko. Dito... Napapanatag ang loob ko. 

Ngayong araw balak kong basahin yung librong ipinahiram sa'kin ni Aila, blockmate ko. Tutal wala namang pasok bukas at wala din namang kailangang review-in. Kasalukuyan akong naglalakad sa sementero. Pagkarating ko, umupo ako kagad sa ilalim ng puno ng Acacia. Pinakadulo ito ng sementeryo kaya walang tao.. malayo din sa mga puntod. Binuklat ko ang librong ipinahiram sa akin. Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng tumutugtog na gitara. Panandalian kong inalis ang libro sa aking harapan. Inayos ko din yung salamin ko sa mata. Tumingin ako sa aking kanan, sa aking kaliwa.. Ngunit bigo akong mahanap kung sino ang nagpapatugtog ng gitarang iyon. Muli kong binuklat ang librong binabasa ko.. Saan na nga ba ako? Haaay.. Nakalimutan ko na. Masyado kasi akong makakalimutin. 

"Hmmmmm"

Kung kanina'y gitara lang ngayon naman isang lalaking humuhuni naman. Mariin kong pinakinggan ang tunog hanggang sa matagpuan ng aking tainga kung saan iyon nanggagaling. Hindi ako maaaring magkamali sa likod ng punong ito nanggagaling. Dahan-dahan akong tumayo. Inilapag ko sa damuhan ang libro at naglakad patungoo sa kabilang bahagi ng puno. At doon.. doon ko natagpuan ang isang lalaking tumutugtog ng gitara. Pinagmasdan ko siya ng bahagya at pinakinggan ang ang tinutugtog niya. 

Pamilyar sa akin ang lalaking ito, ngunit hindi ko naman alam kung saan o kailan ko siya nakadaupang-palad. Sa pigura ng kanyang pangangatawan at sa paraan ng kanyang pananamit nabanaag kong mga kasing edad ko lamang siya. Kapuna-puna ang lungkot sa kanyang mukha. Marahil, kasalukuyan siyang humaharap sa problema. 

Nakakatuwa dahil mapahanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako napapansin. 

Hinayaan ko lamang syang tapusin ang awitin bago ako magpakita sa kanya. 

"Gusto kita muling makasama, Yan." Napansin ko ang pagpatak ng luha niya sa gitara.

Napagdesisyunan kong magpakita sa kanya. Gusto ko ring maki simpatya sa kalungkutan niya.

"Ang galing mong tumugtog ng gitara." Puri ko.

Pagkagulat ang gumuhit sa kanyang mukha. Siguro, hindi niya inaasahang may nakikinig pala sa kanya. Natuwa lang ako sa reaksyon niya. Umupo ako sa harapan niya at doon ko lang nasuri ng husto ang mukha niya. Tama, pamilyar siya sa'kin ngunit hindi ko talaga maalala kung paano kami nagtagpo. 

May kulay brown siyang mga mata na bumagay sa kanyang brown ding buhok. Mahubog din ang kanyang pangangatawan na bumagay naman sa polong suot niya. Gusto ko kung paano siya manamit. Lumukso ang puso ko sa naisip kong 'yon. Hindi ko alam kung bakit.

Hindi pa rin siya nagsalita matapos kong batiin ang pagtugtog niya. Patuloy lang siya sa pagtitig sa'kin. Nakakalusaw siya kung tumingin. Waring sinusuri niya ako ng maigi. Pagka-ilang ang aking naramdaman. 

"Huwag mo kong titigan ng ganyan." Naiilang na kasi ako ng sobra.

Ngumiti siya sa'kin tapos kinuha niya ang kanang kamay ko pagkatapos ay kanya itong hinalikan.

Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko ng dahil sa ginawa niya. 

Agad ko namang tinaggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"ACACIA"Where stories live. Discover now