Chapter 1

38 2 0
                                    




                 

"I love you Kiero. I miss you..."

*crying voice on the 2nd line*

"What happened? Stop crying, Erica."

"Hello Kiero? Hello? Ano bang sinasabi mo? Si Stella 'to. Wala na sya. Erica passed away this morning by a car accident."

*crying voice on the 2nd line*

"huh?!"

Nabitawan nya ang cellphone sa narinig. Sigurado syang boses ni Erica yung una nyang narinig sa tawag kanina. Hindi sya pwedeng magkamali. Pero yung iyak ni Stella, it seems that she is also saying the truth.

Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman nya ngayon. Mas masakit pa ito ngayon kaysa noong malaman nyang pumayag magpakasal si Erica sa gusto ng mga magulang ng dalaga at hindi man lang sya nagawang ipaglaban. Sana ay nananaginip lang sya.

Kung saan saan sya naglakad, tumakbo at napadpad dahil sa sakit na nararamdaman. Totoo ba ang sinabi ni Stella? Wala na nga ba talaga ang babaeng pinakamamahal nya?

Baka naman binibiro lang sya ng kaibigan ni Erica? Napapangiti nalang si Kiero sa kabila ng sakit na nararamdaman. Hindi magsink in sa utak nya ang sinabi ni Stella o hindi lang nya matanggap? Until he opened his facebook and saw his newsfeeds about the accident happened.

Halos sumabog din ang chatbox nito sa mga chat ng mga common friends nila ni Erica informing him what has happened. Natulala sya at muli ay tumulo na naman ang kanyang mga luha. Is she really gone?

"aaahhhhhhh!!" Sigaw nya habang umiiyak.

He's drunk. He is always drunk. Everyday.

The pain he felt is destroying him. Nagbago na sya. Hindi na nya kilala ang sarili nya. Sa tuwing nalalasing sya iba iba rin ang mga babaeng nakakasama nya. He became miserable. Halos lahat ng babae ay pinag lalaruan nya.

Nagising si Kiero sa ingay ng telepono. Kahit inaantok pa at medyo nahihilo dahil sa pagkakalasing kagabi bumangon pa din ito at sinagot ang telepono.

"Hello?"

"Hi, Kiero! This is Anna. Want to hang out?"

"Sige. I'll call you back, maliligo lang ako."

After that call, nagpunta na sya sa kusina. Napalingon sya sa mga pictures nila ni Erica, Unti-unti na namang nagflashback ang mga memories nila kasama na din doon ang sakit nang pagkawala nya.

Bumalik sya sa katinuan ng may nag doorbell, pagbukas nito ng pintuan may isang kahon ng regalo sa sahig. Dinampot nya ito at dinala sa loob. Ang tagal pa nyang tinitigan ang kahong yun at iniisip kung kanino galing dahil hindi naman nya kaarawan.

Hindi rin nagtagal binuksan na din nya ito. Nanlaki ang mata nya ng makita ang laman ng kahon. Kaya agad itong tumayo at tumakbo papunta sa labas dahil baka sakaling maabutan pa nya ang nag nagdeliver ng regalong yun. Kamalasan dahil wala na ang nagdeliver noon, bumalik nalang sya muli sa loob at isa isang tiningnan ang laman.

He is really hurt. Hindi pa din nya matanggap ang nangyari sa kanila. He has so many questions but the answers are so few. Bakit ganoon? Bakit ganito? mga tanong na isa lang ang may kakayanang sumagot.

Dinampot nya ang notebook na nasa loob ng kahon at nagsimulang magsulat.

My heart literally hurts, My life will never be the same without you.

Hindi kita masisisi, dahil marami din naman akong pagkukulang.

Pero ngayong wala kana, Fuck! Hindi ko talaga alam ang gagawin ko!

Itinigil na nya ang pagsusulat at tumayo saka inihilamos ang mga kamay sa mukha nya. Ang hirap huminga para sa kanya everytime he think of her. Sometimes he forgets that he is still alive. His body literally aches at the thought of never seeing her love of his life again. He can no longer see her lovely smile, her sweet voice...Yung pakiramdam kapag hawak nya ang mga kamay nito, kapag hinahalikan nya ito at kapag yakap nya ito.

He will badly miss everything about Erica. If he can just turn back time, hindi sya babalik dito sa France. Hindi nya iiwan si Erica. He is now full of regrets.

"Hey, Kiero. Stop it! You're drunk!" Saway sa kanya ni Anna at inagaw ang bote ng alak na hawak hawak.

"Don't touch me, Anna! Pabayaan mo ako! Sino ka ba sa akala mo? Ha? Give me that damn beer!" Galit nitong inagaw ulit ang bote.

"I'm your girlfriend, Kiero! My God! What is wrong with you?"

"Well, you're now my ex? Got it? We're done! Now please, leave me alone" Iritado nyang sagot sa babae.

"Kiero!"

Naiinis na si Anna dahil pinagbubulungan na sila ng mga taong nakakarinig sa pagtatalo nila sa Bar.

"If you don't want to leave, then I will." Gegewang gewang itong naglakad palabas ng Bar.

Pauwi na sya sa unit nya. Hilong hilo. Saglit itong tumigil at sumuka at nang matapos ay hinawakan nya ang ulo nya. Napansin nya yung silver bracelet na suot nya. Bigay ito ni Erica noong grumaduate sila ng Highschool. Hinubad nya ito at napapikit. Ilang minuto ang lumipas, bigla nalang syang sumigaw at ibinato ang bracelet na hawak.

"Bakit? Bakit? Bakit hanggang ngayon sinasaktan mo pa din ako?" Naiiyak nyang sigaw. "Bakit mo ako iniwan, Erica? Bakit?" He burst into tears.

****

Wala sya sa mood uminom ngayon, hindi nga nya alam kung paano sya nakauwi kahapon sa unit nya. Ang huli lang nyang natatandaan ay sumusuka sya sa daan.

Nag unwind ito at muling binalikan ang mga lugar na pinuntahan nila ni Erica noong unang beses nilang pumunta sa France. Graduation gift nya ito noon kay Erica. Trip to France, dahil pangarap ng dalaga na makita ang eiffel tower kasama ang pinakamamahal na si Kiero at ito ang huli nyang pinuntahan ngayon.

Nasa Champ de Mars sya kung saan tanaw na tanaw ang maliwanag na eiffel tower. Iyon ang nagbibigay liwanag sa madilim na paligid. Naupo sya sa ilalim ng puno at nakapikit na sumandal sa puno habang sinasariwa ang mga sandaling kasama nya ang kasintahan sa eksaktong spot na kinauupuan nya. Marahan nyang inuumpog ang sarili nya sa sinasandalang puno hanggang may makapa ang kamay nya sa damuhan. He was shocked when he saw what it is. Ito yung bracelet na tinapon nya noong pauwi sya sa kanyang unit na lasing na lasing. Paanong nangyaring napunta iyon doon. Napatayo sya at tiningnan ang paligid.

"Patawad. Patawarin mo ako, Erica." Maluha luha nyang sambit.

Kung buhay pa si Erica siguradong malulungkot sya sa nangyayari ngayon kay Kiero. Kung nasaan man sya ngayon ay siguratong nasasaktan sya sa mga nakikita nya.

Dumaan ang araw. Buwan at Taon. Every night and then he's still thinking of her. Gusto nyang umuwi sa Pilipinas para dalawin ang puntod ng yumaong kasintahan pero wala pa syang lakas ng loob. Hindi pa din nya tanggap kahit mahigit dalawang taon ng mangyari ang accidente sa dalaga. Pinapanalangin nya na sana ay nananaginip lang ito. Masamang panaginip na sana pag mulat ng kanyang mga mata ay ang mukha ni Erica ang kanyang makikita.

Tahimik syang nakahiga sa couch nang mapatingin sya sa notebook na nasa mesa. Kinuha nya ito at nagsimula na ulit magsulat sa panibagong pahina.

I have known love.
I have had it, held it tight, and lost it.
A broken heart cannot be mended, for when true love is given;
Hearts are traded between two souls.
And between the two, the other's heart shall forever remain.
That is why when love is lost, the pain is so immense.
You have no control of where your heart is taken, by the one you forever will love.
Today is just another day I have to endure going on without you.
I am hoping that I will see you again...

Pagkatapos nya magsulat, kumuha ito ng isang basong tubig. Pagkatapos nyang uminom saglit pa nyang tinitigan ang hawak na baso saka ngumiti. Ipinatong na nya ang baso sa mesa saka naghubad ng tshirt at nahiga sa kama.

Nakatulala sya sa kisame, maya maya pa ay pumikit sya... All the memories flash back from the very start...

If I Fall (COMPLETE)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ