Chapter Two

15.5K 223 0
                                    

Vince POV

"Sir, ano po ang sa inyo? " tanong naman ng isang employee na babae sa kanya.

"I want her " aniya sabay turo sa asawa.

"Po? " naguguluhang tanong nito.

"I want her to assist me" ma - otoridad na saad niya. Yumukod ito ng bahagya sa kanya na intindihan namna agad ang sinabi niya. bago nilapitan si Valen, nakita niya ang pagbulong nito kay Valentine, pero binulongan din nito ang babae at muling nakipag-usap doon sa lalaki. bumalik ang empleyado nito sa kanya.

"Sir, sorry po, talaga may mahalaga kasi silang pinag-uusapan ni sir Ian" sabi nito sa kanya. mahalaga? ha! Alam ko ang karakas ng ganyang mga lalaki, halata sa galaw nito na nilalandi lang nito ang ASAWA niya. at di siya makakapayag, walang sabi-sabing kinuha niya ang iilang tangkay ng tulips, at naglakad patungo kina Valentine. narinig pa niya si Jack na nakipag- negotiate sa babae na kunwari may tinatanong ito.

"Miss, how much is this?" aniya, na huminto pa talaga sa gitna ng dalawa, nanlaki ang matang napatingin ito sa kanya habang nakaawang ang mga labi, God Knows how much he missed those lips. napalunok pa siya ng ilang ulit.

"sir, mawalang galang na po pero- - "

"Valen, kamusta? " napatingin siya kay Jack at sinenyasan siya nitong napaalis na nito ang kausap na lalaki ni Valentine.

"Di bale, na lang Miss" ibinigay niya sa tauhan nito ang bulaklak na hawak bago umalis, at naghintay na lang kay Jack sa labas ng shop.

***

Valentine POV

Nagtatakang napatingin na lang si Valentine sa walang modong lalaking bigla na lang pumagitna sa kanya at ng customer niyang si Ian habang naglalakad ito palabas ng shop niya. speaking of Ian? asan na iyon?

Napahawak siya sa dibdib ang lakas pala ng kabog niyon, bakit kaya?

"wohhoo, Val?" napakurap pa siya ng ilang ulit bago tumingin sa nagsalita.

"hey, Jack,ba't napunta ka dito?" nakangiti niyang tanong dito. gusto niyang kutungan ang sarili, halata na kasi masyado ang ginagawa nito sa shop niya. para bilhan ng bulaklak ang kaibigan niya.

"bibilhan ko ng bulaklak si Juvy, alam mo na" nakangiti din nitong sabi, napatango siya. ang layo talaga nito kay- - - sa kapatid nito, palangiti kasi ito at masayahin. ang swerte ng kaibigan niya dito, maging ito man ay maswerte din sa kaibigan niya.

Pumunta siya sa lalagyan ng mga pulang rosas,iyon kasi ang palagi nitong binibili para sa kaibigan niya.

"sa friday ha, wag kang mawawala" nakangiti pa nitong sabi habang binabayaran ang bulaklak. tinutukoy nito ang engagement party nito at ng kaibigan niya.

"O-okay" hind siguradong saad niya dito. nagpaalam na ito pagkaraan ng mga lang sandali.

***

Valentine POV

Kapa-park pa lang niya ng sinalubong siya agad ng Nanay ng assistant niyang si Tony na si Nanay Liza, magkapit-bahay lang kasi sila ng assistant, sa katunayan ito ang nag introduce sa kanya ng Heaven's Sub. nang maghanap siya ng bibilhing bahay noon. halata sa mukha ng nanay ng assistant na kanina pa siya nito hinihintay.

"Val, mabuti naman at dumating ka na" sabi nito. kaagad naman siyang na-alarma sa inakto nito.

"bakit, Nay ? may nangyari ho ba? si Matteo ho?" sunod-sunod na tanong niya dito.

"nako, hija. wala, sa katunayan, ipinasyal muna ni Paul si Mat, isakto naman ang pagdating ng mga kaibigan mo raw, halika, pumasok ka muna sa bahay, doon ko muna sila pinatuloy habang wala ka pa" mga kaibigan? sigurado siyang di sina Gerlie at Dj ang dumating kasi kilala na nito ang dalawa. Nang nasa labas na sila ng bahay nina Nanay Liza ay rinig na rinig na niya ang malalakas na tawanan. hindi siya magkakamali ng rinig, sina Juvy iyon. kaya nagmamadaling pumasok siya ng bahay.

Agad na tumayo si Juvy pagkakita sa kanya, kasama nito sina Beverly at Cherry na tumayo na din at nakangiting lumapit sa kanya, matagal-tagal na din niyang hindi nakikita ang mga ito. nagyakapan sila at nagkamustahan.

"Nay, sina Cherry, Beverly at Juvy po, mga kaibigan po namin nina DJ na madalas ko hong ikwento sa inyo" pagpapakilala niya sa nakatanghod na ginang.

"pero hindi mo naman naikwento na ang gaganda pala ng mga kaibigan mo" nakangiting papuri nito sa mga kaibigan, na ang lalaki ang ngiti. totoo naman kasi, walang itulak kabigin ang ganda ng mga kaibigan niya. kahit nga si Dj na minsan nalilimutan pang magsuklay ay ang ganda parin.

***

"Pasensya na talaga dai ha, nakalimutan ko kasi na sa susunod na araw na pala ang engagement party mo, masyadong busy ngayon sa shop ehh" paghihingi niya ng paumanhin sa kaibigang si Juvy, nasa kusina sila ng bahay niya, naghahanda sila para sa dinner nila. dito kasi ang mga ito matutulog para sabay-sabay na sila pumunta sa Alabang Village kanabukasan. kung saan gaganapin ang engagement party nito. pero di parin niya maiwasang mag-alala dahil baka makita niya ulit ang kapatid na lalaki ng mapapangasawa nito, na di malalayung di mangyayari.

"ano ka ba, naiintindihan ko" nakangiting sagot naman nito. "ang ganda pala talaga rito no, ang presko ng hangin" ngumingiti lang siya habang napaptingin dito at sa niluluto.

"Alam mo, ang sabi ni Jack, pwede ka parin namang bumalik sa bahay mo sa Alabang inu-umpisahan na kasi ang pagtatayo ng bahay namin dun sa bakanting lote na nasa harap ng bahay mo" sabi nito. " at saka sayang naman dahil mga katulong lang ang nakatira roon"

"Alam mo naman ang dahilan ko dai, di ba? someday, pag malaki na si Matteo, 'yung maiintindihan na niya ang lahat, bibilhin ko ulit iyon sa 'asawa' mo, babalik din kami roon. besides, masaya naman kami dito sa bahay" namula pa ang gaga pagkasabi niya ng 'asawa mo'. haha kinilig.

"uyy, wala pa ba iyan?" biglang pasok nina Beverly at Cherry. di nakasama si Jenelyn kasi may tinatapus pa ito sa school kung saan ito nagtuturo, pero pupunta daw ito bukas.

"malapit na po" tumatawang sabi niya, gutom na siguro talaga ang mga ito. mula sa labas ng bahay ay narinig nila ang pagparada ng isang saskyan,at mga yabag na halatang tumatakbo.

TO BE CONTINUED.

-ilovecutethingss-

Secretly Married (The Billionaire Series No.2)Where stories live. Discover now