Chapter 2 - Past and Present

Start from the beginning
                                    

"Yes Tita. I know Liv will make it big in her chosen business even when we were young. Bukod kasi na maganda si Liv ay sincere siya at hardworking siya sa trabaho niya." Tumitig lang ako kay Liv at tumingin ito kay Hezekiah. That lingering gaze they have for one another. Bata pa nga siguro ako noon para lubos na malaman ang malalim na namagitan sa kanila. Now...even after 10 years ganoon pa rin ang tinginan nila. Nabubuwisit talaga ako sa pagdating ng lalake na ito. Akala niya ganun-ganun lang iyon matapos ng matagal na panahon? At ito naman si Liv!

...
Nagkape sila sa terasa kaya umakyat na ako dahil wala rin naman akong magandang masasabi o makokomento lalo na kapag nagsalita si Hezekiah. All I can think of was to counter or insult him whenever he talked. The nerve of that guy to recall our childhood like it was the most poignant memory of his life. I hate him. I still hate him. Really hate him until now.

Late na ng lumabas ako ng kwarto. Nagutom ako bigla dahil tinapay lang ang kinain ko. Bumaba ako at nadaanan ko ang terrace na bukas pa rin ang ilaw. Tahimik akong lumapit doon at nakita ko si Liv at si Hezekiah na magkasama at silang dalawa lang at wala na sina Mama at Papa.

"You didn't even call." Rinig ko ang malamyos na boses ng kapatid ko. It has always been like this when she is talking to him. Hay Liv! After so many years that he didn't show himself you will just embrace him with open arms! Ugh!

"I'm sorry." Salita pa ni Hezekiah. "Mas mabuti na rin iyon. You don't need distraction in your life now Liv. Look how far you've come now." Katahimikan lang ang kasunod noon. Natahimik rin ako sa sinabi niya. Teka...

"Setting priorities." Salita ni Liv.

"Yes, setting priorities." Ulit ni Hezekiah. What are they talking about? "So what's next for you?" Tanong nito.

"I dunno...more movies or endorsements I guess..." Salita pa ni Liv.

"Good for you." I heard him say. "Now you really know what you really want."

"What I really want?" Tumawa si Liv at hindi ko alam kung ano sa sinabi niya ang nakakatawa. "How about you? What do you really want Eki?"

What are those two talking about?

"Anong oras na naman Belle at lalabas ka na naman bata ka?!" Nagulantang naman ako ng makita ko si Nay Lita. Mabilis akong tumakbo patungo rito at hinila ito papaalis.

"Belle? Nay Lita?" Pumasok na si Liv sa loob kasama si Hezekiah. Natigilan ako.

"Itong magaling mong kapatid ay mukhang lalabas na naman. " Nagsalita si Nay Lita.

"Belle? Saan ka naman pupunta?" Tanong pa ni Liv na nakakunot ang noo.

"Pupunta lang akong kusina kasi nagutom ako. Itong si Nay Lita naman kasi. Nakita niyo na ngang nakapambahay lang ako."

"Aba malay ko ba. Nakita kita diyan sa may terasa at tahimik--" Tinakpan ko ang bibig ni Nay Lita at kinaladkad ko siya papuntang kusina. Bubukohin pa ako!

"Sige gutom na ako. Bye." Madali ko. Hindi ko na alintana ang sakit ng kamay ko dahil sa pangyayari.

...
Mabilis akong gumawa ng sandwich at gatas at dinala iyon sa kwarto ko. Naupo na ako sa kama ng maaninag ko naman mula sa glass panel ng kwarto ko na tila may ilaw pa sa may labasan. Sumilip ako at nakita ko roon si Liv at Hezekiah.

Nakatayo na sa tapat ng kotse niya si Hezekiah at nandoon si Liv. Mukhang walang isa sa kanilang magpapaalam. Nakatayo lang sila doon at nagtitigan.

I have watched this goodbye scene countless times before. They would gaze into each other' s eyes for too long before one of them would avert the gaze and it was usually Liv whose the first to avert. Hezekiah would lean in and kiss her then end it in an embrace. I have watched it so many times. And everytime I watch the scene...I would feel a sudden funny feeling...just like now. Inalog ko na lang ang ulo ko.

Sasarhan ko na sana ang kurtina ko pero natigilan ako ng makita ko na iba ang nangyari ngayon. Si Hezekiah ang unang nag-alis ng tingin. Ate moved forward, Hezekiah stepped back a bit and Ate stopped and looked suprise at him. I was also surprised when he did that. Then I saw him smiled at her then embraced her for a short moment and after that he went inside the car and left. That was not the routine before.

Naiwan si Liv na nakatayo pa rin sa may labasan. May ginagawa siya sa mukha at panay punas niya ng kamay. Maya-maya pa ay tumakbo na ito paloob. Hinintay ko itong pumanhik at narinig ko ang yabag niya sa hagdanan. Magkatapat lang kami ni Liv ng kwarto at alam kong makikita ko siya. Binuksan ko ng bahagya ang pinto ko at eksatong dumating si Liv na humahangos. Patuloy pa rin ang paghawi niya sa kanya pisngi. Teka, umiiyak si Liv?

"Ate?" Tayo ko ng ayos at tumingin ito sa akin. Sinubukan niyang ngumiti pero hindi na niya ito nagawa. Her eyes were welling up with tears. "A-anong nangyari? Anong ginawa ni Eki sa'yo?"

"Nothing, Belle. Go to sleep." Mabilis itong binuksan ang pinto ng kwarto niya.

"Ate Liv..."

"Please Belle...pagod na ako."

...

Hindi ako nakatiis.
Salamat.

FoundWhere stories live. Discover now