Panaghoy

8 1 0
                                        


Saan maaaring ibuhos

Itong damdaming nagpupuyos?

Nagpupuyos, nag-uumalpas

Pusong di makalimot ng lumipas


Aking hinakbi iyo bang naririnig?

Namamalimos ng konting pag-ibig

Ngunit batid na di mo alintana

Mga matang maga sa pagluha


Sa isip lagi kang tumatakbo

At sakit ay di ko maitago

Damdaming nais ng ibaon

Ngunit paulit pa ring umaahon


Hindi man gustong gawin

Puso'y umaasa pa rin

Pag handa na'y lilingon din

Babalik rin dating pagtingin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PanaghoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon