"Anu ba kayo, ang ingay."
"NAGSALITA ANG HINDI MAINGAY!!!" sigaw nilang tatlo.
Eh? Hahahaha.
Oo na. Ako na ang maingay. Isa talaga yun sa personality ko. Sobrang daldal. hehehehe. :D
Eh sa masayahin akong tao eh. Bakit ba?
Pero lately, nagiging tahimik ako. At dahil yun sa pesteng si DYLAN!! Hay.
"Alam ko na, siguro nakita mong dumaan si Dylan no?" Bakit ba lagi na lang nahuhulaan ni Rose Anne yung nasa isip ko?
Hindi kami nagkakalayo. Parehong naka salamin, mahaba ang buhok, hate ang Math, ayaw ng Science, pero magaling sa English. Hahahaha! Totoo yun :D
Siguro nga, we are alike in many aspects.Pati sa taste ng boys.Kaya nga pareho naming first love si Dylan eh.
Kaso, ako niligawan ng torpe.*evil laugh (Hahahaha) Joke lang :D
Pero ang totoo talaga ron, niligawan nga ako ni Dylan. Kahit na hindi ko alam kung panliligaw nga bang maituturing yung ginawa niya, I still consider it as courting.
May effort naman kahit papano? Wag niyo na nga lang itatanong papano siya nanligaw kasi... Kasi...
T_T Hindi ko rin alam. Huhuhuhu T_T
Ang fail talaga.
Pero buti na lang, hindi naging dahilan si Dylan para magkasira kami ni Rose Anne. Ha! LALAKE LANG YUN NO!!!
"Alam mo Chii, gutom lang yan. Tara, miryenda tayo." sabi ni Queenie
"Ha? eh teka, baka dumating na si Ma'am, mapagalitan pa tayo."
"Kelan ka pa nag alala sa pagdating nun? Dati ikaw pa nag-aayang bumaba."
"Wala kasi akong gana."
Sobrang lapit nga lang ng canteen sa classroom namin. Nakahiwalay kasi yung building ng room namin sa dalawang main building ng school. Sa building namin (Building C), anim lang ang classroom. Para kaming nasa probinsiya. Hehe. Malayo sa kabihasnan. xD
Pagbaba kasi ng building, lakad lang ng konti, canteen na. Dahil sa walang sariling CR yung building namin, dun pa kami gumagamit sa tabi ng pangalawang building. Kaya anytime na gustuhin naming kumain, labas lang kami saglit, canteen na. Kunwari pupuntang CR. Yun nga lang, puro jalousie yung classroom namin. At kita ron kung pupunta kang CR. Kaya kung ang paalam mo ay CR pero sa canteen ka pupunta, siguraduhin mo lang na di nakasilip ang teacher sa mga jalousie. xD
Ako nga ang pasimuno ng pagpunta sa canteen in-between classes. Madalas din naman kasing hindi sakto ang dating ng mga teachers namin. Doble-doble tuloy ang nagagastos namin kasi maya-maya kumakain kami. Hehehe.
Suki na kasi ako ron ng brownies, banana cue, hopia, halo-halo, masi con yelo (kung meron), hamburger, at kung anu-ano pang junk foods sa tindahan. Pati yung mga ulam, halos kabisado ko na rin: ba't-ibang luto ng isda, baboy at baka, at mga pang breakfast na tocino, corned beef, fried egg, hotdog, at ang walang katapusang EMBUTIDO! HAHAHAHAHA! Paborito ata yan ng section namin. Hehehe. Hindi ko na ata mabilang kung ilang milyong (ok, OA na) ilang daang beses ko na ata kinain yung embutidong minsan hindi pa mainit. Hahaha!
Pero andun na nga ako. Nitong mga nakarang araw, tuwing recess na lang talaga ako lumalabas. Tinatmad talaga ako. HIndi ko rin naman kasi makikita o makakausap si Dylan eh.
Hay T_T
"Hay, dreaming again." sabi ni Rose Anne.
"Ui hindi aa, tara na nga ang kulit niyo eh."
At ayun na nga, nagpunta na kaming canteen. Naasar na rin kasi ako sa sarili ko eh. Kami ba talaga o hindi? Parang akong sirang committed sa hindi na nageexist na bagay.
Sobrang undefined eh......
YOU ARE READING
It Started with a Glance
Fanfiction(YongSeo) Takot ka na bang masaktan uli dahil sa nangyari dati? Takot ka na bang magtiwala uli dahil baka masira na naman iyon? Takot ka na bang magkagusto uli sa isang tao dahil baka mauwi lang lahat sa wala? Ganyan din ako noon, hirap magtiwala da...
Chapter 1 - Undefined
Start from the beginning
