Chapter One

12K 356 23
                                    

" THIS is the hotel right?" tanong niya kay Cj nang huminto sila sa harap ng Diamond hotel.

Nakilala niya ito sa airport kanina. Tinulungan siya nito nang mahilo siya.

" Yeah. Thank you, guys. I enjoyed your company." sabi nito saka bumaba.

Bumaba rin sila ni Kit.

" Girl, kunin mo number niya." bulong ni Kit sa kanya.

Nang makuha ng binata ang luggage nito sa trunk lumapit sila dito. Inabot niya ang calling card niya rito.

" Here's my calling card. If you need a friend to hang out with during your stay here. Just give me a call. Pupuntahan ka namin ni Kit."

Tinanggap nito ang calling card niya.

" Alright. I'll give you a call once I get a simcard. Its really nice meeting you, guys."

" Same here, Cj. We hope to see you again."

" Dyan ba ang venue ng wedding na pupuntahan mo?" usisa ni Kit.

" No. This is where I'm gonna stay. My friend told me that someone will fetch me tonight to bring me to the beach. Its a beach wedding."

Napatango-tango sila ni Kit.

" Kaya rin umuwi 'tong si Megs kasal rin ng friend niya. Beach wedding rin bukas sa Batangas. Do you know where the wedding of your friend will be held?"

Umiling ito.

" I have no idea. She just told me that someone will fetch me here. We will stay for like a day or two to the beach and them I'm gonna come back here."

" Oh I see. Sige na, we have to go. See you next time."

Hinintay muna nilang makapasok ang binata sa loob bago sila umalis.

" So, where to?" tanong ni Kit sa kanya nang makapasok sila sa kotse nito.

" Can we drop by to salon first?"

Nilingon siya nito.

" Why?"

" I wanna do hair cut."

" Bakit? Sayang buhok mo."

" Ano'ng bakit? I want new look."

" Taray. Ka-move on ka na ba? Kumusta ka na?"

Ngumiti siya. Nung huling nagkita sila ay hindi niya magawang ngumiti at magbiro. Pero ngayon binalik niya na ang dating masayahin na pagkatao niya.

Hindi dahil sa totally moved on na siya. Kung hindi dahil kailangan niyang magpakatatag para sa magiging baby niya.

Three months siyang buntis kay Jeihard. At sa kabila ng sakit na idinulot nito sa kanya ay pinilit niyang buuin muli ang puso niya.

Alang-ala sa baby niya. Ayaw niyang ma-depress ng husto. Ayaw niyang magdusa rin sa kalungkutan niya ang batang nasa sinapupunan niya.

Kaya naman nang malaman niyang buntis siya ay tinulungan niya ang sarili paunti-unti na bumangon. Salamat sa pamilya niya na naging supportive all the way sa kanya.

Ang mga magulang niya lang ang tanging dumamay sa kanya mula nang umalis siya dito. Nag-deactivate siya sa lahat ng socia media accounts niya.

Kaya lamang siya nakontak ni Mikkha ay dahil nag-mail ito ng letter sa kanya. Address lamang kasi nila sa Australia ang alam nito. Hindi nito alam ang phone number ng mga magulang niya.

Kay Kit lamang siya tumatawag minsan. Para kumustahin ang restaurant niya. At hindi rin sila nag-uusap ng matagal sa tuwing tatawag siya. Ito lang rin ang may alam na buntis siya. Bukod sa parents niya.

I'll Chase You Today, You'll Be Mine Tomorrow. COMPLETEWhere stories live. Discover now