CHAPTER 7

7.2K 183 0
                                    

KINAKABAHANG tinitigan ko ito. Anung ginagawa nya rito?

"A-Anung ginagawa mo r-rito?" Nauutal kong tanong.

"Nothing," Sabi nito habang matamang nakatitig sa mukha ko "Kanina ka pa kasi nawawala kaya naisipan kong tingnan ka. Lasing na lasing na rin kasi yung iba sa labas." Dagdag pa nito.

Nag iwas ako nang tingin. Diko kayang salubungin ang mga mata nya, lalo lang nababaliw ang puso ko.

"Ganun ba?" Bumuntong hininga muna ako saka dahan dahang lumapit sakanya "Halika na," Sabi ko na lamang rito. Natatakot ako na baka kapag nagtagal pa kami rito ay may masabi akong hindi dapat.

Hindi ito sumagot kaya't nag angat nako ng tingin. Sinalubong naman ako nang mapupungay nyang mga mata na tila maraming nais sabihin. Ang dating malamig nyang titig ngayun ay biglang naglaho at napalitan ng lungkot.

"Gabriel...." Mahinang banggit ko sa pangalan nya.

Ipinapakita nya saakin ngayun ang kahinaan nya, At hindi 'yun dapat. Hindi ako nararapat na pakitaan ng kakaibang emosyon ng tulad nya.

"It's sound so damn good when you called me like that,"

Halos malagutan ako ng hininga ng saluin nya ang magkabilaan kong pisngi. F*ck! What is he doing to me?!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang unti unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko. Nalilito ako at di ko alam kung itutulak ko ba sya O hahayaan ko na lamang sya sakanyang balak.

Nagtatalo ang puso't isipan ko ng mga sandaling 'yun. Sinasabi ng puso ko na mali ang aming ginagawa na hindi ito pwede ngunit taliwas nun ang sinasabi ng puso ko, Gusto nito ang balak gawin ni gabriel. Gusto ng puso ko ang ganito kalapit sakanya. Gusto ko rin.

Napapikit na lamang ako nang tuluyan nang magsalubong ang aming mga labi. May mga luhang nakatakas saaking mga mata, alam kong naramdaman nya 'yun kaya sya huminto at nagmulat ng mga mata. Ilang inches lang ang layo ng aming mga labi.

Nangungusap ang mga mata nitong nakatingin sakin. Hinawakan ko naman ang dalawang kamay nyang pumapahid sa mga luhang diko napigilang lumabas.

"Nabigla ba kita? Ayaw mo ba?" Punong puno ng emosyong tanong nito. Sobrang lapit pa rin ng mga labi at nasa magkabilaang pisngi ko pa rin ang mga kamay nya.


"I'm sorry gabriel," Inabot ko ang isang pisngi nya saka ko ito marahang hinaplos.

"Sorry for what?" Nagtatakang tanong nito.

Malungkot akong ngumiti at ako na mismo ang naglapat ng labi ko sa labi nya. Hindi ko na naman napigilan ang pagtulo ng mga luha. Masaya ako ngayun at the same time malungkot din at natatakot.

Natatakot ako sa mga possibleng mangyari sa ginagawa ko. Pagkahiwalay ng mga labi namin ay agad ko syang niyakap. Ayoko nang matapos pa ito. Ang sarap sa pakiramdam ng malapit sakanya at kayakap sya.

"I'm sorry gabriel...." Bulalas ko ulit saka ko pa mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakanya "Sorry kasi minahal kita....."

"HINDI ka pa ba inaantok? Hating gabi na oh?" Sabi ko sakanya.

Nasa terrace kaming dalawa ng kwarto ko. Nakahilig ang mga ulo ko sa balikat nya, nakaakbay naman sya sakin.

Ilang oras na kami nandito. Nung nakatulog na kasi yung iba sa kalasingan ay niyaya nya ko rito. Hindi naman ako makatanggi dahil sa gusto ko rin naman syang magkasama.

"Antok kana?" Tanong nya.

Tumango lang ako at humikab. Lalo namang humigpit pagkaakbay nya sakin na tila ayaw nya akong pakawalan.

"Dito nalang muna tayo," Pakiusap nya.

Tumango na lang rin ako, saka tumingin sa langit. Alam kong impossibleng may dumaang bulalakaw, pero umaasa pa rin ako na makakahiling ako rito.

"Sandy..." Mahinang usal nya.

"Hmmm," nasagot ko lang sa sobrang antok.

Pumikit na lang ako at hinintay ang susunod nya pang sasabihin
"Alam mo bang nangako ako sa puntod ng mga magulang ko na hindi muna ako magmamahal hanggat hindi ko pa sila naipaghihiganti," Sabi nito dahilan para magpamulat saaking mga mata. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi nya "Gusto kong tuparin 'yun pero sa bawat nakikita kita ay tila nakakalimutan kong may mga pangako pala ako sa mga magulang ko." Dagdag pa nito.

Nakagat ko na lamang ang labi ko. Kung nasa ibang pagkakataon lang siguro kami marahil ay kinilig na 'ko.

"Gabriel," Mahinang sambit ko sa pangalan nya.

"Hmmm..." Mahinang usal nya.

Nasa kama ko si patty, natutulog kaya ginagawa namin lahat manatili lang kaming tahimik. Baka kasi marinig nya kami.

"Tuparin mo ang mga pangako mo sa magulang mo," Sabi ko rito.

"Hindi ko na kaya sandy," Sagot nito saka humugot ng isang malalim na buntong hininga.

Inaantok man ay nag angat ako ng tingin sakanya saka ko sya tinitigan sa mata "Kaya mo yun gabriel," Napayuko ako "Wag mo akong gawing hadlang,"

"Sandy," Lumungkot ang tinig nito at nang iangat nyang muli ang mukha ko ay dun ko nakumpirmang malungkot nga sya "Nung sinabi kong gusto kita totoo 'yun. I can let go anything except you,"

Mapait akong napangiti "You don't deserve me gabriel," Bumalik ako sa pagkakahilig sa balikt nya "Marami akong lihim gabriel, Hindi mo ako mapagkakatiwalaan sa bagay na 'yan," Sabi ko rito. Hindi ko kayang hawakan at angkinin ang puso nya nang tuluyan dahil sa ayoko nang masaktan pa sya. Sapat na sakin ito kausap ko sya at alam nyang isa syang napaka importanteng tao sa buhay ko.

"You must see your worth baby. Wag mong ibaba ang sarili mo, dahil para saakin higit na mas importante ka kesa sa ibang bagay," Sabi nito.



Napabuntong hininga ako saka muling pumikit at dinama ang init ng yakap nya. Napakasarap na manatili sa mga bisig nya ngunit alam kong may katapusan din ito. Hindi rin ito magtatagal.


"Someday you will regret all the things you've said gabriel. Kakamuhian mo rin ako," Diko napigilang mapaluha sa kaisipang magagalit sya sakin. Kakamuhian nya ako kapag nalaman nya ang mga sekreto ko.

"Why? May dapat ba akong ikagalit sayo?" May pagtataka sa tono ng boses nito.



Napangiti ako ng mapait saka marahang napailing "Malalaman mo rin sa tamang panahon, At Sana kapag dumating ang araw na 'yun ay bukas pa rin ang puso't isipan mo para sakin gabriel." Sabi ko.


Natahimik ito. Hinintay ko syang makasagot ngunit hindi na sya nagsalita pa hanggang sa unti unti na akong dalawin ng antok.


"Goodnight gabriel..." Bulong ko kahit di ako sigurado kong naririnig nya ba.



Lumipas ang ilang minuto ng tuluyan na akong lamunin ng antok. Narinig ko pa syang nagsalita ngunit diko na masyadong naintindihan dahil sa sobrang antok.


Nakatulog ako nang hindi man lang naririnig ang binulong nya.










"Mahal na Mahal kita sandy, matagal na."



*****
Hindi sweet si ark! What do you think in this chapter? Lame ba haha sorna kung ganun.

#CommentAndVote!




The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon