BEST ACTOR

764 7 0
                                    

alam niyo guys hindi ko lubos maisip na lahat ng nangyayari pala sa teleserye na imposibleng mangyari ay nangyayari pala. sa pagdaan ng panahon sa pagiging single almost 2 years after our break up with my girlfriend. binigyan ko sarili ko na pgkakataong mgkaroon ng partner. hindi sa babae kundi sa isang bisexual. nakilala ko si Jay sa isang social group. una ngaalinlangan pa ako pero nung naglaon na natutunan kong ipaglaban sa sarili ko ang mga bagay na hindi tanggap ng socialidad/ ng madla. ang pagiging isang bisexual ay napakahiram lalo na kung hindi pa alam ng mga taong malapit sayo na bisexual ka. nagsimula ang storya namin sa simple "Hi" at "Hello".

ako una nagmessage sa kanya, dahil nakita ko mukhang interesado mga pinopost niya. actually nghahanap xa ng kaibigan dahil daw sa mga problema niya. Si Jay ay 25 y/o na. single, bunsong anak ng pamilya nila at ngtratrabaho bilang isang promoter ng appliances lalo na sa TV. naging mgkaibigan kame ni Jay. sangang dikit. sabihan ng problema at masasayang moments. nakwento na yata namin buhay buhay namin sa isat isa hangang sa di namin namamalayan na nagkamabutihan kme at nainlove sa isat isa.

naging masaya kme ni jay sa loob ng tatlong buwan hangang dumating ang isang pgsubok na hindi ko alam gagawin ko at bigla ako humingi ng pahinga. sa loob ng dalawang linggong pgpapahinga ko sa pagmamahal ko sa kanya. narealize ko na kulang na kulang ang mundo ko ang araw ko at ang bawat segundo ng buhay ko kapag wala xa. parang Jay and me against the world nga eh un din ang motto naming dalawa. nakipagusap ako sa kanya na bumalik na kme sa dati. ung dating kame. ung dating masaya at punong puno ng kulay. ngtapat saakin si Jay na ganoon din daw naramdaman niya nuong wala ako. hinahanap hanap niya ako kada oras ng buhay niya.

nagtagal pa kme ni jay ng hangang sa limang buwan. hangang sa nanlamig siya at kinausap niya ako. "PAUL, I AM SORRY, SORRY KUNG MASASAKTAN KA SA SASABIHIN KO PERO I AM INLOVE HINDI NA SAYO KUNDI SA IBA." bigla ako napaluha, parang nagunaw ang pagkatao ko, iyak ako ng iyak, paulit ulit ko sinabi sa kanya "BAKIT? MASAYA NAMAN TAYO DIBA? SABIHIN MO SAKEN SINO SIYA BABAE BA? BISEXUAL BA? BAKLA BA?" .. wala din siyang imik at umiiyak din siya. iniwan ko siya. ng walang ibang sinabi. iniwan ko xang nagiisa. binura ko lahat ng mga alaala namin. sa cellphone, sa facebook, emails at sa lahat ng nasa social sites na pinasok namin.

wala akong ibang ginawa kundi mag inom, malulong sa sigarilyo at mang trip ng ibang tao. gumamit ako ng ibang tao para mapawi ang sakit ng puso ko. nang wasak ako ng puso ng ibang taong wala namang kasalanan sa pagkawasak ng puso ko. isang buwan. isang buwan nang wala si Jay sa buhay ko pero siya parin ang nasa isip ko. totally hindi ako makamove on!

isang araw, my ngmessage sa akin. message sa Skype account. "BABY MAHAL PARIN KITA! MAHAL NA MAHAL INGATAN MO SARILI MO. SA ISANG BUWAN GUSTO KITA CONTAKIN PERO HINDI KITA MAHANAP SA MGA SITES. DITO KO NAISIPANG IMENSAHE KA. SANA BIGYAN MO AKO NG CHANSA PARA PATUNAYAN NA MAHAL KITA!" .. OMG si Jay nag message. bigla ako napaluha. luha ng pagpapatawad! ang dami kong kinonsulta tungkol dito. sabi nila wag ko na daw pansinin at patulan pa pero tibok ng puso ko sinunod ko. pinansin ko siya. inopen ko lahat ng accounts ko mula sa pagkakadeactivate nito. akala ko nakalimutan ko na xa. akala ko hindi ko na xa mahal pero mahal ko parin pala xa. natakpan ng galit ang pg mamahal ko pero sa simpleng MAHAL KITA na sinabi niya bigla itong nawala at nangibabaw ang pagmamahal. at iyon nga nangyari. nakipagbalikan ako kay jay kahit taliwas na sa mga kaibigan ko at mga taong nakakaalam na bisexual ako. pero di alintana saken ang mga sinabi niya. MAHAL KO SI JAY at un ang pinanindigan ko.

ang kwento niya hindi din niya ako makalimutan. ipinagpatuloy niya ang relasyong meron sila nung KABET niya pero ang nangyari, lahat ng meron saamin dati ginaya nila. TAWAGAN NAMIN, FAVORITE SONG NAMIN, FAVORITE COLOR, LAHAT LAHAT! MASKI KUNG PAANO KO ITRATO SI JAY BILANG BF AT BILANG KAIBIGAN GINAYA NA NILA. KUNG MINSAN NGA DAW PINAGAAWAYAN NILA AKO DAHIL AKO PARIN DAW LAGI NABABANGGIT NI JAY. NAREALIZE NI JAY NA AKO PALA TLGA ANG MAHAL NIYA AT HINDI UNG TAONG PINILI NIYA. iyong ang kwento niya saaken nuong ngbalikan kme.

masaya ulit ang mga araw na nagdaan. nadoble ang aming pagmamahal. nadoble ang aming tatag. ikinwento niya din kung paano niya ako namiss. kung anong ginawa niya nuong nawala ako sa buhay niya. umiiyak na nakangiti si jay habang ngkwekwento. napangiti nlng ako at sinabi sa sarili kong "MAHAL NGA TLGA AKO NITO!"

ngunit hindi pa dito ngtatapos ang storyang binuo namin ni Jay hangang sa isang araw ng paramdam sa kanya ang KABET niyang iniwan na niya muna nuon. ang bilis ng pangyayari. at eto nanaman pagsubok nanaman. nabalitaan namin ni Jay na naatake sa puso ang kabet niya. naatake sa puso sa dahilang iniwan daw xa ni Jay. nakaconfine ito sa manila. gulong gulo si Jay. di ko siya maintindihan. nawawalan xa ng oras. iyon pala nakakausap niya ung taong iyon. "PAUL, MAHIRAP MAGDESISYON. MAHAL KTA MAHAL NA MAHAL KITA PERO AYAW KO MAGING UNFAIR SA KANYA. AKO ANG DAHILAN NG PGKAKA-ATAKE NIYA I AM SO SORRY GUSTO KO ITULOY ANG RELASYON NATIN PERO UNFAIR TLGA SA PART MO KUNG NAKIKIPAG COMMUNICATE PA AKO SA KANYA." .. paulit ulit siya nagsosorry. pero anu pa nga ba magagawa ko .. i cried and i walk away ang drama!  sinabi ko na ding balikan nlng niya ung tao at iwanan ako dahil sanay na ko magisa. sanay na ako umiyak. mahal na mahal ko siya pero ang pagkakataon na ito ay di ko maexplain. nangyayari pala ang mga nasa teleserye o penikula sa totoong buhay. para akong character ni KATHRYN BERNARDO sa SHES DATING THE GANGSTER na nagpaubaya nlng para sa ikasasaya nila dba? kung napanuod niyo man. bumalik ako sa dating ako. INOM DITO. YOSI DYAN. HEART BROKER AT GAGO. hangang sa narealize ko na tama na! mali na ito! tangapin ko na. naghiwalay nga kme ng tuluyan ni jay.

makalipas ang dalawang linggo. hayy mga ateng di ko pala siya makalimutan! kinausap ko si JAY actually inoffer ko ang sarili ko tatlong beses sa kanya gaya ng pagoffer ni Miriam Defensor sa bansa ntin ng tatlong beses pero wala din pala. paulit ulit parin si Jay na MHAL DAW NIYA AKO PERO AYAW NIYA MAGING UNFAIR. naging mgkaibigan nlng si jay at kabet niya. hangang sa umabot na madaming beses ko nang ipagpilitan sarili ko kay JAY. iyak ako ng iyak. ang dami nang luhang nasayang dahil sa pagmamahal ko sa kanya. hangang sa humantong sa puntong natrauma ako.

natrauma ako. nagmumukmok sa isang tabi. umiiyak. inuuntog ang sarili dahil sa lecheng pagmamahal na yan. habang tinatype ko to napapaiyak ako ang worst pla ng nangyari saaken. inom dito inom dyan. hangang sa nagsusuka na ko. paulit ulit araw araw natrautrauma ako. hangang sa nananaginip na akong puro ako sugat sugat sa katawan suddenly paggising ko ang dami ko nang scratches sa braso at my scratch pa ako sa mukha. hangang sa nanaginip ako nasa isa akong maliwanag na lugar nakaupo sa isang sulok. nanaginip ako na inaaya ako ng isang taong nakaputi na meroon daw siyang ipapakita saakin. ngunit i refuse to go. sabi ko dito lng ako ayaw ko pumunta hangang sa magising akong umiiyak.

isang paramdam ng panginoon. iyon ang una kong naisip. naisip kong kahit sa dami ng problemang dumating sa amin ni Jay ay anjan parin ang panginoon para sa akin. nagbalik loob ako ngdasal sa kanya. ihiningi ko na din ang paggaling ng kaibigan ni Jay para maging masaya sila. hindi sila ng balikan. ngunit ipinagdasal ko na din ang kanilang pgkakamabutihan.

mensahe ko pra kay Jay? sana ipagpatuloy mo parin ang mga pangarap mo. pangarap mong makaipon at mgkaroon ng pamilya. bisexual man o babae. iyon naman ang gusto mo diba? kahit sino basta mahal ka. Jay nagsilbing inspirasyon ang kwento natin sabuhay ko. nangdahil sayo natuto na ako. sana sa mga susunod na na araw magkita ulit tayo ng my sari sarili nang pamilya. sana matupad mo na ang mga sinabi mo sa aking gusto mong mangyari sa buhay mo na kahit wala na ako. andito ka parin sa puso ko bilang isang tao. tanggap ko nang wala na at sa nakikita ko masaya na tayo sa piling ng iba. un lang maraming salamat. pagtyagahan niyo nlng po ung love story ko :)

- PAUL
- 23y/o
- Philippines

EVO Secret FilesWhere stories live. Discover now