PART 4:

2.4K 27 0
                                        

“What?! Lilipat ka sa MSU?!” gulat na sabi ni Alden.

“Yup.” Nakangising sagot ni Elmo.

“Naku lagot! May bago na namang playground ang mokong.” Nailing na sabi ni Kris.

“Moe, parang awa mo na. Stay away from our girls and their friends. Doon nag-aaral ang barkada ni Louise.” Pagmamakaawa ni Alden.

“Ano naman akala nyo? Guguluhin ko ang mga girls doon? Of course not.” Sagot ni Elmo.

“Eh anong balak mo? Bakit ka lilipat?” tanong ni Kris.

“Nothing. Gusto ko lang mawala yung mga linta na sunod ng sunod sa akin. I’m sick and tired of flirting. I just wanna stay away from them… ” Sagot ni Elmo.

Tiningnan nila Alden at Kris si Elmo.

“Mas okay din yun, one school na lang tayo. Mas malapit din kasi yun sa bahay ko.” Dagdag pa ni Elmo para maniwala sa kanya ang mga kaibigan.

“Really?” nakataas ang kilay na sabi ni Kris.

Napaikot ng mata si Elmo. “Kung ayaw nyo maniwala, edi wag.” Tumayo na at iniwan ang dalawa.

“Elmo! Wait!” habol ni Alden.

Huminto si Elmo at lumingon. “What?”

“Saan ka naman pupunta ngayon?” tanong ni Alden.

“Mag-eenroll. Then, aayusin yung house blessing ng bahay.” Sagot ni Elmo at nagpatuloy na sa paglakad.

“Sama ako!” habol ni Alden. “Hindi pa ako nakakapag-enroll eh.”

“Ako rin!” habol ni Kris.

Sumakay ang tatlo sa kotse ni Alden at pumunta sa MS University.

“Alam mo, nagtataka talaga ako kung bakit sa MSU mo naisipang lumipat.” Sabi ni Alden habang nagda-drive.

“It’s just the closest school to my house. Maganda din yung school and I have friends na doon kaya doon ko napiling lumipat.” Sagot ni Elmo na nakaupo sa backseat.

“Promise us one thing, Moses.” Sabi ni Kris at tiningnan si Elmo. “Don’t play your dirty tricks at school. Iwan mo na yung mga kalokohan mo sa dating school mo.”

Tiningnan ni Elmo si Kris at ngumisi. “Why should I?”

“Moses, ayaw lang naming ng gulo. Siguradong damay kami pag ginawa kang kalokohan doon dahil kaibigan ka naming.” Sabi ni Alden.

“So?” tanong ni Elmo.

“Hindi kami papayag na mag-enroll ka doon pag hindi ka nangako na babawasan ang mga kalokohan mo lalo na sa mga girls.” Sabi ni Kris.

“Am I really that bad for you tell me that?” natatawang sabi ni Elmo. “Okay fine, promise. Promise I won’t do anything bad on that school. No more bad boy Elmo.” Sabi ni Elmo.

Nagkatinginan sila Alden at Kris. “Good.” Hindi pa rin nila mabasa kung ano ang nasa isip ni Elmo at kung tutuparin nito ang pangako. Pero wala silang magagawa ngayon kundi ang hawakan ang pangako nito at umasa na hindi ito gagawa ng gulo.

“We’re here. Welcome to MSU.” Sabi ni Alden pagpasok ng kotse sa gate ng school.

Pinagmasdan ni Elmo ang school. Madami ang nagbago. Dito nag-aral si Elmo nung elementary pa sya. Lumipat sya ng school nung high school.

ELMO’s MIND

“It’s been a long time since I’ve been here. Ang ganda na ng MSU.”

“Welcome back to MSU. Dito ka nag-elementary, dib a?” sabi ni Kris kay Elmo habang naglalakad sila sa hallway.

JuliElmo: Jar of Hearts (Discontinued)Where stories live. Discover now