I'm His Secret Agent Nerd (BHO-CAMP one-shot)

27.1K 378 9
                                    

Dumiretso ako papunta sa Technology Room ng BHO - CAMP. Kung bakit kasi kailangan ko ayusin ang Shark. Nang ginamit nila si Shark sa underwater missions and explorations, maayos naman ang kalagayan. Ang oxygen tank niya, puno pa naman. Ang mga baril doon at kung anu-anong weapons, loaded pa naman. Hindi ko pa nakitang nagtrip si Rey. Ano kaya ang problema n’on?

Nadaanan ko sina Rain at Cloak. Pare-pareho lang kaming nagtratrabaho sa isang lugar, ang Experiment Department.

“Ichecheck mo si Shark? Kanina pa nagloloko ang stats niya. Gusto niya ata sa mommy Lexie niya.” sabi ni Rain sa akin.

Oo nga pala. I forgot to introduce myself. My name Alexandria Beaumont, an Experiment Department engineer. People call me Alex, Lexie or Andrea, but I prefer Lithe. It’s Agent Lithe, actually.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Isa si Rain sa mga naging ka-close ko simula nang makuha ako nina Sir Poseidon at Sir Greg para sa Experiment Team nila. I graduated in Harvard Institute with a degree in Computer Technology. Major ko ang Robotics at nang nagkaroon ng school fair, na-impress ang dalawang boss ng BHO – CAMP at agad nila ako kinuha. It had always been my dream job na magtrabaho kung saan ako nageenjoy at nang ma-offer-an ako, I immediately said yes. Kaso lang, it was a curse in disguise.

No, don’t get me wrong. Mabait na mga boss sina Sir Greg, Sir Poseidon, Sir Craige at Sir Warren. Ang ayaw ko lang ay yung isang asungot na Field Agent.

Cole Lockwood. Matagal na siyang agent sa BHO – CAMP—longer than I ever was. At dahil hindi ako pala-labas, walang may alam na may “history” kami.

Cole played with me. Nang nagsisimula pa lang ako sa Harvard, may nagustuhan na akong isang Law student. Of course, I was very naïve. I wanted him to notice me. When he did, doon na pumasok si Cole.

Hindi niya ako siniraan. Hindi niya ako binack-stab. What he did…He made me fall in love with him. Mabait kasi siya. Isa siyang gentleman. Pero napaisip na lang ako nang malaman ko ang totoo.

Pinaglaruan niya lang ako. I was just a part of a bet.

“Mauuna pala si Cloak. May gagawin daw sila ni Fierce.” sabi ni Rain sa akin. Napakamot na lang siya sa batok niya. “Pati rin ako. The triplets are wreaking havoc all over the agency.”

Napatawa na lang ako. “Sige, Rain. Sanay naman ako. Isa pa, kasama ko sina AVIS at JONAS. I’m not alone.”

“Okay. See you ‘round, Lithe.” sabi ni Rain at umalis na rin siya.

Iniscan ko ang ID ko at dumiretso na sa work station ko. Sumabay sa akin ang hologram kong AI (Artificial Intelligence) na si AVIS. AVIS stands for A Very Intelligent System. Isa siya sa mga helper AIs ng BHO – CAMP.

Napansin ko na halos wala nang tao ang department. Nang papalapit na ako sa area ko, napatigil ako.

Lord naman, o. Bakit?

Nakatayo si Cole sa tapat ng case ni Shark.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm His Secret Agent Nerd (BHO-CAMP one-shot)Where stories live. Discover now