CHAPTER 6

8K 180 2
                                    

"Sigurado ka bang hindi kana papasok?" Tanong ko ulit dito.

Malungkot naman itong ngumiti at umiling. Naaawa ako sakanya, "Hindi na sandy, Kailangan ko na rin kasing magpahinga. Happy birthday ulit,"

"Sandra," Sandra Cruz, Ang babaeng minahal at mahal na mahal ni kuya Zandro, My brother "Ayaw mo bang kausapin si kuya?"

Kababata at isang matalik na kaibigan ko si sandra kaya't nagkakilala sila ni kuya. Pero, May mga bagay talaga na hindi pwedeng mangyari.

Katulad ko, hindi ko pwedeng mahalin si gabriel at ganun din si sandra. Hindi nya pwedeng mahalin ang kuya ko. Bata palang kami magkadikit na ang mga buhay namin kaya siguro pati sa problema namin ngayun ay magkapareho din. Pareho kaming nasasaktan.

"Alam nating hindi ko pwedeng kausapin ang kuya mo sandy. Lalo na ngayun, Delikado." Malungkot na sabi nito.

Hinawakan ko ang isang kamay nito "Matatapos din lahat ng ito Sandra,"

"Sana nga sandy,"

Ngumiti ako "Wag ka na ngang magpastress, nangangayayat ka tuloy." Biro ko rito.

Bahagya itong natawa "Sira. Ganyan talaga kapag nagdadiet," Biro nito pabalik.

Natawa na rin ako "Ganyan dapat sandra. Ingiti mo lang lahat ng problema mo," Sabi ko rito.

Tumango ito saka ako hinila at niyakap "Salamat sandy," Tinapik ko ang likod nito. Alam kong nahihirapan na rin sya sa mga nangyayari. "Sige sandy. Aalis na ako," Kumalas na ito sa pagkakayakap sakin "Happy birthday ulit,"

"Sige, salamat sa pagpunta." Nakangiti akong kumaway rito.

"Sandy," Huminto ito ilang kilometro lang ang layo sakin "Hihintayin kita bukas," Makahulugang sabi nito.

Tumango lang ako at muling kumaway sakanya. Oo, magkikita kami bukas sa lugar na kinalakhan namin pareho.

Napabuntong hininga na lamang ako ng sumakay na ito ng elevator at tuluyan nang umalis. Napatingin ako sa lucky charm bracelet na niregalo nya saakin. Simple lang ito na puros bilog ang design at iba iba ang kulay.

Napangiti ako. Naalala ko noong mga panahong maayos pa ang lahat, Masaya pa kaming dalawa at walang ibang pinoproblema bukod sa mga masusungit naming mga teacher. Nakakamiss ang mga araw na 'yun. Noong hindi pa nagugulo ang buhay namin.

Tumalikod na ako at nang akmang papasok na 'ko sa loob ng condo ko nang may isang pamilyar na boses akong narinig na tumawag sa pangalan ko. Nang harapin ko ito'y doble dobleng saya ang naramdaman ko.

"Buddy?" Carlo martinez, my boy bestfriend. Kasama din ito nila kuya patrick kaya lang ay medyo nahuli lang sya ng dating.

"Happy birthday buddy!" Nakangiting bati nito.

Nilapitan ko ito at niyakap "Salamat buddy,"

"Sorry. I'm late, may kinausap lang ako."

Humiwalay na ako ng yakap dito saka ko sya tinitigan ng mabuti at dun ko lang napansin ang mga ilang galos nya sa mukha, putok pa ang kaliwang labi nito.

"Anung nangyari sayo buddy? Nakipag away kaba?" Nag-aalalang tanong ko rito.

Nag iwas lang ito ng tingin saka ako inakbayan at hinila papasok sa loob "Wala ito buddy, wag mo nalang pansinin." Walang gana nitong sabi.

Hindi na ako nagtanong pang muli. Alam kong ayaw nya nang pag usapan pa ang nangyari sa mukha nya base sa tono at expression ng mukha nya. May itinatago ang bestfriend ko sakin. Ramdam ko iyon at diko maiwasang di kabahan. Natatakot ako na baka nadamay din sya.

The Coldhearted Beast 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon