Chapter 39: Gusto ko matutong mag drive ~~~~

9.7K 171 64
                                    

**39 **

Galit na pumasok si Olive sa kwarto ni Martin, bumungad sa kanya ang isang madilim at magulong kwarto. Napatingin ito sa kanyang kapatid na nakahiga sa kama nito habang nanunuod. Binuksan ni Olive ang ilaw at kinuha nito ang remote para patayin ang tv.

" Martin! Wala ka na bang ibang gagawin, kundi magkulong dito sa kwarto?!" sigaw ni Olive.

Kitang kita parin sa buong katawan ni Martin ang pasang iniwan ni Vlad nung huli silang magkita, pero ang pinaka matindi dun hindi lang pala si Vlad ang nag iwan sa kanya ng sakit na, hanggang ngayon ay iniinda parin niya, ang sakit sa puso na hindi niya inaakalang nahulog na pala kay Tammy.

" Ano Martin! Ganon ganon nalang ba yun huh, na halos mapatay ka na ni Vladimir, pero wala ka parin bang gagawin? Ni ayaw mong magsampa akong ng kaso sa lalaking yun, ni hindi ka nga gumanti habang sinusutok ka niya, ano bang nangyayari sayo huh!"

" Tama na! Tama na ate pwede ba!" Sigaw ni Martin sa ate niya.

" Ma...Martin?"

"Sa tingin mo ba ate, pag gumanti ako kay Vladimir, mawawala itong sakit sa dibdib ko?" huminto muna si Martin sa pagsasalita at saka tumingin sa mga mata ng kanyang kapatid.

"  Mahal ko na si Tammy, ate." sabi ni Martin na kitang kita sa mata nito na seryoso siya sa sinasabi niya.

Tumawa ng malakas si Olive, na halatang halata na pilit ang tawa nito.

 " You're kidding me, right? hahahahaha ofcourse you do, pero infairness muntik na akong maniwala dun huh. Lumabas ka na, nagluto ako, gutom lang yan." nanginig na sabi ni Olive, tinignan lang ni Martin ang kanyang kapatid na palabas ng kwarto nito. Alam nito na alam ng kanyang kapatid na hindi siya nagbibiro.

-----------

Sa mansyon ng lolo niya natulog itong si Cassandra, bukod kasi sa sobrang na miss niya ang dalawang matanda, kailangan niya ngayon ng kausap. Kinaugalian na kasi ng dalaga na bumisita sa lolo't lola niya tuwing meron itong problema tulad ng pag aaway nila ng kanyang ina na hindi na bago sa lolo nito.

Ngayon lang nagkaproblema si Cassandra sa kaibigan, hindi kasi ugali nito na, ma-attach ng bongga sa isang kaibigan na katulad ng meron sa kanila ni Tammy.

Medyo gumaan ang pakiramdam ni Cassandra ng makausap niya ang kanyang lolo. Nung una nagulat ito dahil bago lang ito kay Cassandra na magkaroon ng problemang katulad nito. Tumagal ang pagkakamustahan nilang maglolo hanggang sa umabot sa topic na iniiwasan ni Cassandra na mapag-usapan nila, ang mga bagay na may kinalaman kay Niko.

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon