Chapter 39: Gusto ko matutong mag drive ~~~~

Magsimula sa umpisa
                                    

 Hating gabi na at hindi parin sila tapos mag diskusyunan, basta pag ganitong topic na may kinalaman kay Niko, parehas ayaw mag patalo, parehas ayaw makinig, kaya parehas silang nakatanggap ng pingot galing sa lola ni Cassandra. Kung hindi pa umeksena ang lola nito, baka hanggang ngayong umaga hindi parin sila tapos.

 Mahimbing na natutulog si Cassandra dahil anong oras na ito natulog, pero habang nasa dreamland pa ito eh may dahan dahan naman pumapasok sa kwarto nito at maingat na tumabi sa dalaga, hindi pa ito na kontento dahil niyakap pa niya ito. Hindi naman pumalag si Cassandra dahil sa sobrang himbing ng pagkakatutulog nito.

 Mga ilang minuto silang nasa ganung pwesto ng maalimpungatan si Cassandra dahil sa hagikgik na naririnig niya, hindi sana niya ito papansinin kaso nagising ang dugo niya ng maramdaman niyang nakayakap ito sa kanya.

Mabilis sa alas kwatrong minulat ni Cassandra ang kanyang mga mata  para lang makita kung sino ang poncio pilatong nangahas na yumakap sa kanya.

 Pagkamulat nito, bumungad sa kanya ang magandang ngiti ni Niko. Pinandilatan niya ito ng mata para maramdaman nitong ayaw niyang nakakapit ang mga kamay niya sa bewang nito, pero Niko is Niko kaya imbes na tanggalin niya ang pagkakakapit nito sa bewang ni Cassandra eh mas lalo pa nitong hinapit ang bewang ng dalaga papunta sa kanya.

 " Good Morning bumble bee, balita ko may problema ka daw?"

" Ikaw mag kakaproblema kung hindi mo tatanggalin yang napakadumi mong kamay sa bewang ko!" pagbabanta ni Cassandra kay Niko, pinipilit nitong kumalma dahil hanggang maari ayaw nitong gumawa ng eksena sa mansyon ng lolo niya.

 " Oh bakit ang init agad ng ulo mo bumble bee, aren't happy to see me? Di mo ba alam na gumising ako ng napaka aga para lang puntahan ka dito para lang pasayahin ka?" sabi ni Niko habang nagpapa

“ Mas matutuwa ako kung hindi ka na gumising at wala ka dito para manyakin ako!” sabi ni Cassandra at saka tinulak ang mukha ni Niko, pero kahit anong tulak ni Cassandra hindi parin nito binibitawan ang kanyang bewang.

“ Ang sweet talaga ng bumble bee ko, pakiss nga.” Nakangusong sabi ni Niko, habang papalapit dito. Halos nakadagan na ito kay Cassandra kaya hindi na nito magawang makagalaw. Pumikit nalang si Cassandra dahil wala na itong magagawa at hinintay nalang nito na mangyari ang masaklap niyang kapalaran. Nakaramdam ito ng halik sa nuo niya, kaya minulat niya ang kanyang mata at nakita niyang nakasmile si Niko habang ginugulo na nito ang buhok nito. Niyakap ulit ni Niko si Cassandra.

“ Tara tulog muna tayo ulit, ang aga ko kasi nagising eh.” Sabi ni Niko at pumikit.

Nang makarecover si Cassandra sa halik ni Niko, agad nitong kinuha ang lampshade na nasa side table nito at nagkaroon ng hazing sa kwarto, walang tigil na pinaghahampas si Niko.

" Aray! Aray! " isang malakas na sigaw ni Niko

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon