Hugot ng seatmate

932 17 2
                                    

Ha'y nako may pag asa ba ako?
Sa ganda mong yan siguradong wala na to
Yung dating matamis sa chat
Sa panaginip dala ko parin lahat.

Palagi kitang iniisip sa may tabing lansangan
Napapaisip ako na lahat ng pagkakataon ko sayo ay nasayang
Ang wika  mo'y dapat kong ingatan
Ipaglalaban kita kahit kanino kung kailangan.

Masaya siguro kung tayo na lang
Ang hirap makahanap ng tulad mong nilalang
Alam mo ba kung naging tayo
Abot langit na siguro ang saya ko.

Tutuparin ang pangako ko sayo
Na hindi na ulit ako mahuhulog sayo
Dahil imposible na maging tayo
At punong puno ang pasasalamat ko diyan sa itaas
Dahil kahit papaano ay nakilala ko ang taong tulad mo
Sa buhay ko

-san miguel 😂

Tula ng PagmamahalWhere stories live. Discover now