HAUNTED ROOM

102 1 0
                                        


Ako si sofia rose lopez nag lalakad ako ngayon para maghanap ng dorm na matutuluyan na malapit lang sa eskwelahan na pinapasukan ko.

Ng may mahagip ang aking mga mata, isang parang abandonadong gusali, may lumabas na isang matandang babae galing sa loob.

"Mawalang galang na po, lola. May tao po ba sa loob ng gusaling ito? Balak ko po sanang mag renta ng kwarto para sana may matuluyan ako." Sabi ko

"Nako iha meron.Halika iha. Pumasok ka. Ipapakita ko sayo ang magiging kwarto mo ngayon." Nauna nang maglakad si lola. Sumunod nalang ako.

Nasa dulo na kami nang ipakita saakin ni lola ang kwartong matutuluyan ko. May katabing kwarto ito na kakaiba. Unang tingin ko palang tumayo bigla ang mga balahibo ko.

"Dito ang magiging kwarto mo iha." Sabi ni lola.

"Salamat po lola." Sabi ko.

Pumasok na ako at nag ayos ng mga gamit ng may mapansin akong butas galing sa kabilang kwarto.

Sinilip ko ito at nagulat ako ng may isang babaeng nakatalikod, mahabang buhok, mahabang damit na kulay puti na may dugo.

Ng dahil sa takot hinayaan ko nalang dahil baka namamalikmata lang ako. Kaya nag pahinga muna ako.

Nagising ako ng makarinig ako ng isang kalabog galing sa kabilang kwarto. Alas tres na. Hinayaan ko lang iyon at natulog nalang ulit.

Umaga na. Bumangon na ako. At sumilip ako sa butas na galing sa kabilang kwarto.

Nung sumilip ako.

Nakakapagtaka dahil...




Kulay pula ito.


Hinayaan ko nalang iyon at pumasok na sa eskwelahan na malapit lang dito.

Pag uwi ko kumain muna ako bago matulog. Napatingin ako sa butas. Walang takot na sumilip ako..

Ganon padin walang pinagbago.

Pula parin ito

Kaya ng dahil sa pagod natulog na ako.

Umagang umaga. Lumabas muna ako para maglakad lakad nang may makita akong babae kasing edad ko lang ata sya.

"Magandang umaga sayo. Ikaw ba ung bagong lipat? Wala ka bang nararamdaman o napapansin sa katabi mong kwarto?" Tanong nya.

"Uhm. Goodmorning. Minsan may nararamdaman akong kakaiba. Bakit mo naitanong?"

"Nako. May pamilya daw ang nakatira dyan pinatay nung lalake ang anak nila tsaka ung asawa nya. Pagkatapos nun pati sarili niya kakaiba nga rin kasi eh.."

"Ha? Bakit? Kakaiba?" Sabi ko na nagtataka. At natatatakot

"Kakaiba kasi ang mga mata nila.






Ito ay


pula

Tagalog Ghost StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon