Stigmés ViceRylle

Start from the beginning
                                    

"That's sweet but ZOMG, VICEEEEEEEY" hiyaw ng dalaga sabay sa muling pagtaklob ng kumot sa kanilang dalawa

Ting*ting*ting* ROUND 2

- - - - - -

" Viceeekeeeee, Come here baby" masuyo ngunit energetic na tawag ng dalaga sa aso nya.

"Vicekee, here baby. Good girl! Mommy loooovees yah" sabi pa ng dalaga ng lumapit ang alaga sa kanya at nag wiggle ng buntot.

Nakakunot noo lamang na nanonood ang binata sa dalawa. Kanina pa kasi sya dito pero dinedeadma lang sya ng dalaga. Mas may pake pa to sa alaga.

Gusto man nyang mainis sa aso ay hindi nya magawa dahil ito ang unang "anak" nilang dalawa pero kahit ganoon ay nabwibwisit na rin sya lalo na ng buhatin ito ng dalaga at nagsimulang dilaan ng aso ang mukha ng dalaga.

"Hay nako,Vicekee inunahan mo pa ko! Kairita na ah! Ako dapat yan eh. Itapon kita dyan eh" bulong pa ng binata habang masama na ang tingin sa asong hawak ng dalaga. Binabawi na nya na hindi sya maiirita dahil "anak" naman nila ito.

Kung ano-ano pang binubulong ng binata at naupo na sa grassland at bumunot ng nga damo. Nasa park kasi sila. Family bonding daw pero heto sya at dinedeadma ng dalaga't nasa aso lang ang atensyon.

"Kaya ayoko sa aso eh, puro tahol na nga papansin pa. Hmpt" patuloy pa ng binata at pinagpatuloy pa ang pagbunot ng damo

"Arf. Arf" naramdaman nya ang malambot na balahibo ng aso sa kanyang binti. Sinimulan na rin nitong magpacute sa kanya.

"Oh ano? Bakit nandito ka? Inaagaw mo na nga mommy mo sa ken? Tapos mas favorite mo pa sya sakin. Ano? Huh?" Mahina pero ramdam ang inis sa boses ni Vice habang kasama ang aso.

Nagwiggle lang ng buntot ang aso at nagpapacute lalo

"Haay nako, manang mana ka talaga sa nanay mo. Halika na nga dito" sabay bitaw sa damo at nag spread ng braso para makalapit sa kanya ang aso at mayakap ito.

"Pero, nasaan na nga pala nanay mo?" Tanong nito sa asong dumidila sa pisngi nya.

"Okay na kayo ng anak mo, Vicey?" Biglang sulpot ng dalaga sa tabi nito.

"Nag-away ba kami, Kurba? Love na love kaya ako nitong anak natin. Favorite kaya ako nito, di ba ViceKee?" Pagkausap ng binata sa aso. Tumahol lang ito at lumundag papunta kay Karylle

Natawa na lang ang dalaga. Naparoll eyes naman ang binata at yumakap sa dalawa

"Haay nako tong mag-ina ko pasaway. Tsk. " at hinalikan sa noo ang dalaga at hinawakan sa ulo si ViceKee.

Napangiti na lang ang binata. This is what I want. A family bond with you and with our future anaks.

- - - - - -

" Mga bata, wag masyadong magulo ah. Nandito nga pala sina Ate Karylle at Kuya Vice nyo. They will be having a mini program for you. Sit back, relax and enjoy lang ah" energetic yet friendly na anunsyo ni Trisha, isa sa mga volunteer sa Child Haus.

Buwan buwan kasi ay dumadalaw talaga ang magkasintahan sa nasabing institusyon na kumakalinga sa mga batang may karamdaman tulad ng cancer. Dito ay nagbibigay sila ng programa upang mapasaya ang mga bata, minsan ay clowns, puppets, mascots o iba pa. Malapit na kasi talaga sa puso ni Karylle ang mga bata kaya dahil dito ay napalapit na rin ang binata sa mga ito. Kinakabahan lang ang binata dahil may mga puppet na kinatatakutan nya pero dahil sa kagustuhang makasama ang dalaga at makapagpasaya ng mga bata ay lalabanan nya.

Inumpisahan ng Emcee ang programa hanggang sa si Vice na ang tinawag upang kumanta,

"Hello madlaang people! Wattap! Wattap! Heto na't kantahin natin ang kantang magagapagpagaan ng ating nararamdaman. Ang bagong pambansang awit ng Pilipinas, *plays tatlong bibe*" nagsasayaw ang binata sa taas ng stage ng tumayo ang dalaga at samahan sya. Dahil dito ay tumayo na rin ang mga bata at nakisayaw na rin.

When ;Where stories live. Discover now