Chapter 20 - "Back to School.......with HIM?"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano nanaman ba problema niyang Demi na yan?", bulong saken ni Jazz na nasa likod ko lang. Tinignan ko lang siya na parang nagsasabe na MALAY KO, tsaka ako dumeretso sa upuan ko na nasa likod ng upuan ni Chad. Si Deming libag naman, nakaupo sa teacher's table sa harap na kala mo reyna.

Oops, speaking of Chad my loves, bakit kaya wala pa siya? First time ko pumasok nang wala pa siya, unless absent siya? E umaabsent lang naman yun pag may saket e. Don't tell me?? MAY SAKET SIYA???

Hinanap ko agad si Maki para itanong kung nasan si Chad, pero wala din siya dito. Nasan na kaya yun? 7:24am na, at 7:30 ang class namin.

"Hey bitch, don't you dare ignore me.", ako ba kausap nun? Sakin nakatingin e. Napansin ko naman yung mga kaklase namin na napatingin lang sameng dalawa ni libag. Hinahamon ba ko nito?

"Ay, ako ba kausap mo? Kala ko kasi, nababaliw ka na at kinakausap mo sarili mo. *smirk*", lakas ng loob nito ah. Pag ganitong wala ako sa mood dahil hindi ko pa nakikita si Chad, wag siyang sasabay.

"Really? E alam naman ng lahat ng tao dito na ikaw lang ang ultimate bitch, sabihin na nating nasa top 2 si Jasmine. Akala mo ba palalagpasin mo yung pag-kidnap mo kay Chester papuntang Singapore? Ganun ka na ba kadesperada para lang makasama siya? How pathetic.", teka, teka, yun pala pinagpuputok ng butsi nitong bruhildang to.

Tumayo ako at lumapit sa kanya na nasa harapan pa din ng classroom. Nagsimula nang mag ingay ang mga classmates namin, kanya kanya ng pag-cheer. Nang makalapit ako kay libag, tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, pagkatapos ay ngumiti ako ng bongga.

"OW EM G!, classmates dalin niyo na to sa derma!", sigaw ko habang tinuturo si Demi.

"Excuse me! Kumpara sayo, mas makinis ako!", mukhang gulat na gulat naman siya sa sinabi ko. Defensive ba to o sadyang insecured lang sa beauty kong mala-Dyosa!

"Hahahaha! Sorry Demi ha. Concerned lang naman ako sayo. Mukhang may allergy na yang buong katawan mo. Ang KATI mo kase!", sabe ko kaya naghiyawan nanaman ang mga kaklase namin. Dapat kasi, matuto siyang pumili ng makakalaban. Hahaha!

"How dare you!", inis na inis yung mukha niya. NakakaTAWA! Hahaha! Akmang sasampalin na niya ko kaso napatigil siya.

"Oo par! Hahaha! Bugbog sara----- OOOOWWW, what's happenin' here?", napatingin ang lahat nang marinig si Maki na nagsasalita sa may pinto. Magkasama sila ni Chad! OMG! Buo na ang araw kooooo!

"Honey! Buti nalang dumating ka. She's humiliating me infront of our blockmates oh!", panira talaga tong libag na to. Tumakbo ba naman bigla papunta kay Chad sabay kapit sa biceps! Nakanguso pa! At teka nga, ANO DAW? HONEY? Lakas makakulo ng sexyng blood type AB ko!

She's the Gangster's Bitch - AWESOMELY COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon