Tumawa lang siya tapos nagwave sakin

Di na niya ako sinamahan pababa kasi…

duh??!

Pagbukas ko ng pintuan nila… may lalaking version ni Katt na humarap sakin

Woah!

DI niya sinabing may kambal pala siya! At ang Gwapo!!

“Ah… h-hi!” bati ko…

Nag-aalangan pa ako kasi baka kung paghahampasin ako nito ng walis tambo… malay mo diba?? Kaw kaya ang dumating sa bahay niyo ng may biglang bubukas na isang stranger na mukhang kakain ng tao(feel ko lang ganyan ang mukha ko ngayon... badtrip naman kasing ethan)  kung ano gagawin mo?? Sakin yan mangyari at di ako magdadalawang isip na suntikun siya =________=

I’m not really the “broom” type you know…

“Ahm… sino ka? At ano ang ginagawa mo dito?” buti nalang at mas desente pa siya sakin

“Kaibigan ko siya Jake!” sigaw ni Katt… ang lakas naman ng pandinig ng babaeng yun… pati nga kambal niya nagulat eh

“Oh…o-ok” nagsmile siya tsaka pinadaan ako sa side niya… naku pu!! Kung sa academy ka namin nag-aaral?? Hah!! May fans club ka na >_____<

Ethan’s POV

 

Psh. Binabaan ko siya baka kasi magkasagutan nanaman kami…

di ko kasi naeenjoy ang bangayan namin kung nag-aalala ako sakanya :P

umalis ba naman kasi bigla pagkatapos na pagkatapos nung nangyari?! Ewan… napaparanoid na ata ako pero simula nung nakita ko yun… tapos… parang… parang ayaw ko na siya iwan… urgh! Pakiramdam ko dapat protektahan ko siya… >______<

Aish! Protektahan siya?? Yung malditang yun?? Hah! Ano kaya ang nakain ko ngayon??

Ginayuma ata ako ni Rey =_______=

Wag na kayo magtanong kung bakit si Rey ang naisip ko… wala na kasi akong ibang maisip ok?? -_____-

“Uy Ethan! Ano ginagawa mo dito?” sa lahat ng pwede ko makita ngayon… eto pang babaeng to ang nakita ko… asan na kaya si ‘chuckie’ niya? =______=

“Natutulog” tatanong tanong kasi kitang nakatayo

“Haha! Whatever! Di kita papatulan ngayon, baka masira mo lang ang araw ko”

“Eh di umalis ka na sa harapan ko”

“Ano ba ang nangyari sayo at ganyan ka nanaman??! Ugh! Maiwan na nga kita jan! total sa tingin ko wala ka pa balak umalis jan..pag makita mo si bhez sabihin mo mag-eexercise pa kami kaya bilis-bilisan niya ang pag-akyat” pagkatapos niyang sabihin yun pumasok na siya sa girl’s building

where's my princess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon