PROLOGUE

3 1 1
                                    

Masaya ang buhay niya. Simple lang na estudyante na may pangarap. Ang tanging goal niya lang sa buhay ay matuto, magkaroon ng kaibigan, at siyempre makuha ang gustong trabaho para may maipagmalaki siya sa magulang niya.

Hindi siya pansinin. Hindi din siya pa-sikat at mas lalo nang ang sobrang daming nambubully sa kaniya. Pero kahit ganon, ang dami naman niyang mga kaibigan, mga TUNAY na kaibigan.

Pero paano kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay magbago ang ihip ng hangin? Bilog nga daw ang mundo wika nga diba? Malay ba natin kung ang minsan ng nasa baba ay unti-unting umangat, bababa nga kaya ulit siya? Ano ang mangyayari kapag ganon?

Sa pag-angat bang iyon ay posible kayang magbago ang lahat? Buhay estudyante niya? Pagtingin sa kaniya? Kaibigan o Pamilya? O baka naman manatili pa rin naman lahat ng bagay sa simula maliban lang siguro na umangat na siya, pero may ganon nga ba? Wala! Ewan! Siguro! Hindi natin alam!

Friendship, Trusts, Peace, Simplicity. Isa bang katalinuhan na ito ay kaniyang ipagpapalit para sa isang buhay na Sikat, Kilala, Respetado ngunit magulo, maingay, masyado ng nauubos ang oras para lamang ma-impressed ang mga tao?

Matalinong Pagpapasya
Pagtitiwala
Kumpiyansa sa sarili
Tulong ng kaibigan
Payo ng pamilya

Ito kaya ang kailangan niya para mabansagang "The Intelligent One"?

******************************
Well hindi ko maintindihan ang story na ito.. well sana pilitin niyo na lang intindihin. Wiihihiihhi.....

Inspired nga pala mostly ng Diary of a Wimpy kid, ABNKKBSNPLAK ni Bob Ong at lalo na ng aking karanasan! Eto nga pala ang istoryang nababagay sa mga school achievers diyan! Sa mga naghahabol ng rankings at lalo na sa mga simpleng estudyante diyan na walang pakialam sa rank rank etc. na yan (well kasama na ako doon haha!), sa nambubully at sa binubully; basahin niyo ito! Tiyak na maiinis kayong lahat at maiinspire na huwag mag-aral at magbasa na lang ng kuwento ko! JOKE! Iyon lang salamat! -Sunny girl 021

The Intelligent OneWhere stories live. Discover now