Rebound

41 2 0
                                        

"Bro, I'll call you later, I'm on a concert, I can't hear you!"

I ended the call and watch again. Nakisabay ako sa pagtalon at pagkanta. This is the real meaning of FUN!

Everyone is shouting 'more' when the song is ended. The vocalist of Silent Sanctuary begin to sing again and the rest are shouting because of the song. It was 'Rebound'

Mukhang madami yatang nakakarelate sa kanta na ito. Hindi ko pa naranasan maging rebound. At wala akong balak.
Nakakatanga ang maging rebound, hindi mo alam kung kailan ka iiwan nang pinaglalaban mo.

"Excuse me, excuse me."

Sinundan ko ng tingin ang babaeng dumaan sa gilid ko. Nakatungo lang siya at umiiyak?

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at sinundan ko siya papunta sa exit ng coliseum. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya hanggang sa maabutan ko siya na palabas na.

Diretso lang siya sa paglalakad hanggang sa may mabunggo siyang lalaki. Hindi niya ito pinansin kaya naman hinawakan siya 'nong lalaki sa braso na nagpahinto sa kanya.

"Dammit!" I hissed, and walk fast to them.

"Next time Miss tumingin ka sa dinaraanan mo ha."

"S-sorry."

Tinignan ko ng masama 'yong lalaki nang dumaan siya sa harapan ko. Psh, yabang.

Nilingon ko siya at binigyan ng panyo. Nagtataka siyang tumingin sa akin.

Napamura ako sa isip ko ng mamukhaan ko siya. Why her?






"Alex!"

Tumingala ako at nakita mula sa taas ng rooftop si Luke, sumenyas ito na umakyat na ako.
Dumaan ako sa exit door para doon umakyat ng hagdan pataas ng rooftop. Nakakapagod, kaya naman hingal na hingal ako nang lapitan ako nina Luke na naka ngisi.

"Sino ba kasing nagsuggest na rooftop ang gawin natin tambayan?" reklamo ko saka nilagok ang juice na hawak ni June.

"Bro, bente pesos yan ah."

"Bawas 'to sa utang mo."

Nagtawanan kami at lumapit kina Charm at Chyn na nakatalikod at parang may kausap.

"May bisita tayo." bulong ni Eric.

"Pero hindi chics, pre." singit naman ni June.

"Gago! Pag narinig kayo ni Chyn diyan patay kayo."

Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi ng tatlo. Nacurious tuloy ako kung sino.

"Chyn, kailangan ba talagang dito ako?"

Bakas ang irita sa boses no'ng babae, inakbayan ko si Charmaine na nilingon ako at ngumiti.

"Alex, ang tagal mo!" aniya.

Napalingon na din sa amin sina Chynna at 'yong kasama niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay nito sa akin saka ako inirapan, what's her problem? Tss.

"By the way, Alex, meet my cousin Alexa but she prefer to called Lex." natatawang sabi ni Chyn.

Alexa, huh? Katukayo ko pala 'to e.

Umupo kami sa may sahig at nilapag ang mga pagkain para sa tanghalian namin. Pinasadahan ko ng tingin si Alexa ng umupo siya sa tabi ni Chyn. Tahimik lang ito at halos tipid ang pagsagot.

Maputi ito at makinis ang balat, pero napansin ko ang kakaibang porma niya. Loose tee shirt, ripped jeans paired with sneakers. Naka messy bun ang buhok niya at naka eyeliner. Pero lahat 'yon ay bumagay sa kanya, napansin ko ang nakatatak na design sa damit niya na may statement na

ReboundMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon