Nakasandal ako sa aking swivel chair habang nakatingala sa kisame ng opisina habang iniisip kung sya ba talaga yon. Sya nga ba talaga? Hindi ako makapaniwala! Ako na yata ang pinakaswerteng babae sa buong Pilipinas kung nagkataon.
"Anong ningingiti-ngiti mo dyan? Ang aga ha!" Sabay upo ni Manel sa kanyang cubicle. Istorbo naman 'to sa pagmumuni muni ko.
"Hmmmm.. Wala naman!" Ngiti ko sa kanya
"Wag ako! Iba nalang, I know you may secret ka na naman saken ha? Common Spill it." Tumayo sya at naglakad papuntang pantry "Kumain muna tayo at mag uusap tayo! Let's go"
Sinundan ko sya dala dala yung baon kong almusal.
"Natatandaan mo ba yung kinwento ko sayo last week?" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ng pinggan para samin dalawa. Inintay muna nyang makaupo kaming dalawa bago sya sumagot.
"Sino? Yung guy na twelve years mo ng crush?" Sabay tusok sa hotdog na baon nya.
"Thirteen years, Girl" I corrected her
"Oh anong konek nun? Saka sabi mo naman kahit nadadaanan mo yung bahay nun hindi kayo nagkikita nun"
Yeah! That's why masaya ako ngayon. So Possible na ba talaga na magkita kami ng madalas?
"Ayun nga e, Nakasabay ko sya kanina sa Elevator! Bumaba sya ng 7th Floor" Ngiting ngiti kong balita sakanya.
"OMG. So it means dito din sya nagwowork at nasa iisang building lang kayo?"
Tanging tango lang ang naging tugon ko sakanya.
"This is great! Ipakilala mo nga ako! At matingnan nga kung gwapo ba talaga at sobrang humaling ka dyan!"
"Gaga kami nga hindi magkakilala personally e tapos gusto mo ipakilala kita dyan! Hmmmmp" Yumuko ako at tinukod ang baba ko sa lamesa...
"Edi kapag nagkasabay nalang kayo sa pagpasok edi kayo na ang meant to be"
"Malabo... May sariling sasakyan yun ang alam ko so most probably hindi sya nagcocommute"
"Malay mo lang diba? Hindi masamang umasa" Sabay halakhak nya
So that's it huh? Aasa ako sa isang himala. Hindi naman siguro talaga masama.
Naging maayos naman ang buong maghapon ko at hindi ko na muling inisip yung crush ko. Crush lang naman eh. Mabilis kong tinapos ang gawain ko para pagpatak ng ala-sais ay makakauwi na ko kaagad.
Nang tumuntong an ala-sais ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko. Ano ba tong ginagawa ko? Hindi naman ako ganito kaaga lagi nag oout dahil naabutan lamang ako ng traffic sa pag uwi.
"So maaga tayo aalis baka sakaling makita mo sya pagbaba natin, right?" Pang aasar ni Manel
"Shut up. Pagod lang ako kaya gusto ko na umuwi. Paalam na tayo kay Boss baka may iutos pa yan bigla"
Pareho na kaming nasa pintuan ng office at nagtutulakan kami kung sino kakatok dahil sa buong staff ng office kami palang ang unang uuwi. It's only 6:01pm at sobrang sakto ng out namin! Ako na kumatok at tumulak ng glass door. Sumilip ako ng bahagya at parang natunugan na ni boss ang aming sadya.
"Sir, Uwi na kami ni Manel huh?" Please wag ka muna mag utos ng biglaan ngayon.
Tiningnan nya muna kami ni manel bago tumingin sa kanyang relo
"Sige uwi na kayo... Nagtatrabaho pa kami dito eh! Ingat" Humagalpak kami ng tawa ni Manel. Sinasabi na nga ba eh ganito na naman ang mga linyahan ng boss naming kapag saktong ala-sais kami umaalis ng office.
