Ang saya mo

131 1 1
                                        

Ang saya ko nakita kita kanina
Nakakatuwa may kasama kang iba
Ang saya ko bigla akong nanghina
Nanlalamig na akong sa ulang 'di tumitila

Tara na at magbibilang, isa
Una sa lahat gusto kong malaman mo
Malaman mo sana na mahal kita
Oo mahal kita sana nandito ka sa piling ko

Pangalawa, tulungan mo ako
Tulungan mo akong humanap ng iba
Di ko kasi magawang talikuran ka
At wala akong planong gawin 'yon, pangatlo

Hindi ko na alam ang bawat salita
Parirala, pangungusap na lumalabas sa aking bunganga
Hindi ko na alam kung ano ang aking nakikita
Ang sakit na kasi sa aking mga mata

Ang makita kong magkahawak ang inyong mga kamay
Grabe paunti-unti mo ba akong pinapatay
Aray ang sakit ng bawat kurot ng inyong usapan
Para bang ako'y maiiwanang luhaan

Oo na tara at maglakbay
Ay Ako lang pala ang mag-isa
Oh sige aalis na akong nag-iisa sa'king buhay
Tara na at magbibilang, isa

Akala ko ako lang ang nag-iisa
Pero hindi ako lang pala ang nag-iisang umaasa
Pangalawa, paano ba ang pagtatapos
Gusto mo bang maiwan ang isa't naghihikaos

Sige ramdam ko ang iyong saya
Sige kita ko ang 'yong ngiti sa tuwing kasama mo siya
Ang sakit sa puso nagdurugo at sa aking matang nagluluha
Aray tama na gusto nalang ipikit ang lahat

Hahaha ang saya ko para sa iyo
Oo para lang sayo ang pagmamahal ko
Ngunit tila hindi para sa akin ang iyo
Para lang akong nalilito

Hayy nakita kita kasama mo siya
Naglalakad kayo magkahawak ang kamay
Aray masakit lang talaga
Parang hinihiwa ang aking mata at ayoko nang mabuhay

Ang saya nyo mga tawanan na kasing tamis na sana meron tayo
Paano ko ba bibilangin ang bawat sakit na naramdaman ko
Isa,dalawa, tatlo? Ang sarap makaramdam ng sakit mula sa iyo
Ano, Ano ba ang nararamdaman ko? Buti ka pa, ang saya mo.

HugotulaWhere stories live. Discover now