The first encounter

2.6K 30 8
                                    

Library...

isang tahimik na lugar...

lahat ng mga tao ay tahimik na nagbabasa ng libro..

isang lugar kung saan isang batas lang ang ang sinusunod...

PLEASE KEEP QUIET!!!!!!

Ako nga pala si Mark, isa akong estudyante sa isang kilalang university dito sa Laguna. Medyo may katandaan na tong university na to at medyo nababalot na ng iba't ibang nakakatakot na story lalo na sa library.

Madaming makikitang library dito. Dahil nga malaki ang university na to, bawat college ay may sariling library containing books related to that college. Pag wala ang librong hinahanap sa library ng mga colleges, merong Main Library kung saan makikita ang lahat ng librong kakailanganin ng kahit na anong college/department.

Ang main library ay hindi nakaligtas sa mga nakakatakot na kwento kaya naman iilang estudyante lang ang napupunta dito. Karamihan ng mga nagpupunta ay yung mga nasa senior year na at gumagawa ng mga thesis nila or mga professors na naghahanda ng lecture materials nila. 3-storey building ang main library. Ang ground floor ay kung saan makikita ang reference books, ang 1st floor ay kung saan nakikita ang circular at filipiniana section at ang 3rd floor ay kung saan makikita ang iba't ibang case studies, mga copies ng thesis at madami pang ibang libro. Karamihang ng tao ay nasa 2nd floor kung saan may computer at nakaaircon, dun din kasi makikita yung photocopying machine. Halos hindi naman napapasok ang 2nd floor dahil bukod sa hindi naman madalas kinakailangan ang mga libro doon, makakaramdam ka din ng pagkacreepy ng lugar na yun.

Ang main library ay open from 10 AM - 10PM para sa mga estudyante. This was before..... before magkaroon ng pangyayaring hindi makakalimutan ng lahat ng nakakita.

=========================================================================

Isa akong scholar, kaya naman pursigido akong mag-aral.

Hindi ako pala-barkada, hindi rin ako pala-salita at madalas mas gusto kong mapag-isa. Pakiramdam ko kasi, makakapag-antay ang barkada, ang mahalaga saken e maretain ang scholarship ko at makatapos sa pag-aaral. Madalas kong tambayan ang Main Library dahil dun ako nakakaranas ng urge para mag-aral ng mabuti.

Isang araw, malapit na nun ang mid-terms at madaming estudyanteng nagru-rush ng mga term papers at iba pang requirements na nagkukumpulan sa 1st floor. Sarado naman ang ground floor dahil sa maintenance na ginagawa doon. I have no other place to stay kaya pinili kong pumunta sa 2nd floor. May mga tao naman doon mga nasa 20 or 30 pero pagtapak mo palang sa bungad ng floor na yun parang iba na yung pakiramdam.

Hindi naman ako likas na matatakutin. Madasalin kasi ako at malakas ang paniniwala ko sa Panginoon kaya hindi ako madaling matakot. Umupo ako sa isang upuan malapit sa dulong shelf. Suot ang headset, nag-sound trip ako habang nag-aaral. Nahinto ako sa pag-aaral nung may tumawag saken.

"Kuya Mark.."

Parang isang malakas na bulong. Hindi ako sanay na may tumatawag saken na kuya dahil nagiisa lang akong anak at hindi rin ako mahilig sa mga bata. Isa pa nakaheadset ako kaya napakaimposibleng marinig ko ng ganung kalinaw ang tawag saken. Lumingon ako sa paligid, lahat ng tao ay mukang busy sa kanilang mga ginagawa at parang hindi bothered ng kung ano mang narinig ko. Napailing nalang ako thinking na baka naman dala lang ng stress kaya kung ano-ano yung naririnig ko. I continued reading, hindi ko napapansin ang oras, 6 PM na pala. Nung araw na yun 2 PM plang wala na akong pasok. 4 hours na pala ang nakakalipas.

Nagsimula na akong magligpit ng gamit at notes ko nang narinig ko na naman ang tawag na yun. This time wala na akong headset. 

"Kuya Mark!"

Lumingon ako only to find nothing. I observed, walang ibang nakakarinig ng tawag na yun. Ang mga tao ay seryoso sa kanilang ginagawa. 

"Kuya Mark.."

"Kuya.."

"Kuya?"

Bigla akong napabalikwas sa upuan ko ng may makita akong batang babae sa ilalim ng study table ko. Umiiyak siya at panay ang tawag saken ng kuya. Yumuko ako at tinanong sya kung bakit sya uniiyak na parang takot na takot pero puro iling lang ang ginawa ng bata. Parang napakaluma na ng suot nya na damit. Kahit hindi ako mahilig sa mga bata, ayoko din naman makakita ng batang umiiyak kaya napagdisisyunan ko na lapitan ang librarian para ipaalam ang tungkol sa bata.

"Ma'am, excuse me po. Meron po kasing batang umiiyak sa ilalim ng study table dun sa dulong tapat ng dulong shelf. Tinatanong ko po kung bakit sya umiiyak e puro iling lang naman po ang ginagwa. Baka po kako naiwan ng ate o ng kuya nya dito sa library."

"Anong bata? e wala naman akong bata na nakitang pumasok dito ah. Patingnan ko nga"

Pumunta kami sa study table kung san ako nakaupo kanina at wala kaming nakita. Pinayuhan ako ng librarian na umuwi na at magpahinga. Baka nghahallucinate lang ako sa kakaaral for the mid-term. Tumango nalang ako sa kanya. Pero, hindi ako puedeng magkamali sa nakita ko.

Sa bahay, napagpansyahan kong magbrowse ng notes bago matulog. Pagkakuha ko ng notebook ko, may nakita akong nakasulat sa likod

"Kuya.."

A Girl in the library..Where stories live. Discover now