“Good afternoon!” bati ng isang boses na ngayon lang niya narinig. Hindi yun ang nurse na laging nagdadala ng pagkain niya, at hindi rin yun ang nurse na sumusundo sakanya tuwing consultation niya sa doctor. At isa pa, bukas pa ang schedule ng next therapy niya.

“Bukas.” sabi niya.

Pumasok ang isang nurse na ngayon lang niya nakita sa buong stay niya sa lugar na ito. Sigurado siyang kilala niya ang lahat ng staff dito, madalas din siyang tumatambay sa rec room dati noong wala pa siyang planong tumakas. And that was only a week ago.

Nahihirapan siyang idescribe ang babae. Hindi niya alam kung dahil sa epekto parin ng gamot, o dahil mahirap lang talaga siyang ilarawan. Nag-settle nalang siya sa isang word, maganda ito.

“Ikaw ba si Ernie?” tanong nito habang nakangiti.

Sandali namang napatulala si Vice sa babae at nang matauhan ay inilayo ang tingin dito. “Ah.. Hi-hindi..” sabi niya na nauutal. Pilit niyang inalala kung kasama ang disorganized speech sa side effects ng gamot na iniinom niya, pero hindi niya maalala.

Kumunot naman ang noo ng nurse at tiningnan ang papel na nasa tray na dala niya. “Ay, hindi ba ito room 14A? Ano bang room ‘to?”

“11A.” sagot ni Vice.

Napapikit ang nurse at natawa. “Sorry, sorry. Akala ko yung isang one ay four. Thank you.. ah anong pangalan mo?”

“V-Vice.”

“Thank you Vice. Pasensya na ulit sa abala.” ngumiti ito bago tumalikod para lumabas ng kwarto.

“Sandali!” tawag ni Vice. Lumingon naman sakanya ang babae.

“Bago ka ba dito? Kasi ngayon lang kita nakita.”

Ngumiti ulit ito. “Ah, oo. Kahapon lang ako nag-start. Oo nga pala, I’m Karylle. Sige ha.” at tuluyan na itong lumabas at sinara ang pinto.

Hindi naman mapakali si Vice sa kinauupuan niya. Tumayo ito at sumilip sa window ng pinto at nagkagulatan sila ng nurse na nagdadala ng pagkain niya. Natawa naman silang pareho at pinagbuksan na niya ito ng pinto.

“Diyos ko naman Vice nagulat ako sayo! Sorry, gutom ka na ba?” sabi ng nurse at ginawa ulit ang lagi niyang ginagawa.

“Ah.. oo.” pagsisinungaling niya.

“Medyo natagalan pa kasi ako dun sa isang pasyente eh. Pasensya na. May gusto ka bang gawin o may kailangan?”

“Wala naman.”

“Sige, mauna na ako ha. Yung gamot mo.” paalala ng nurse bago siya lumabas.

Umupo si Vice at nagsimula nang kumain. Inaalala parin niya ang mukha ng babaeng nakita niya kanina. Siguro dala lang ng pagkamiss niya sa buhay sa labas ng lugar na ‘to, ang normal niyang buhay. Tinago niya ulit ang gamot sa drawer at nahiga na.

~

Nagising siya sa pagkatok na narinig niya. Sumilip siya sa bintana, hindi pa naman gabi. Hindi pa oras ng dinner. Pumunta ito sa pintuan at sumilip sa window. Si Karylle. Binuksan niya ang pintuan.

“Hello. Uhh, okay lang bang pumasok ako?” tanong nito sakanya habang nakangiti.

Hindi naman nakapagsalita si Vice at tumango lang at tumabi para makapasok ang nurse.

“Nagra-rounds lang ako. Gusto ko lang makilala lahat ng tao dito, mas okay daw kasi yun.” sabi nito sincerely. Natuwa naman si Vice nang hindi gamitin ng nurse ang term na pasyente, pakiramdam niya tuloy ay normal siya, maayos, magaling.

Half-truths | Vicerylle OneshotsWhere stories live. Discover now