-----31st string-----

Start from the beginning
                                        

“Ke...kevin.. Ang sakit..” reklamo ko habang hinahaplos haplos yung ankle ko.

“AH SHIT. Stay still...” sabi nya habang tinatanggal ang sintas ng rubber shoes ko.

“Te..teka. Dahan-dahan lang ah.”

“Ahh... ah.raaaaaaaayyyyy. Tama na Kevin. Tama naaaaaaa....” pagpigil ko sa kanya nang sinusubukan nya nang tanggalin yung sapatos ko.

“Wag... Wag mo nang hawakan please.. Kevin Waaaaaaaaaaag!”

Mukhang desidido syang hubaran ako ng sapatos! MASAKEEEEEEEEEEEEET!

Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto at nakita ang galit na galit na si Vano... O.o

“WHAT THE FUCK ARE YOU DOING YOU ASS....HOLE”

Pareho kaming natigilan ni Kevin.

“I..Ivan?”

Silence.

Nakatayo lang sya sa harap namin at yung kaninang galit na galit na mukha nya, naging paraang maamong tupa...

Yung tupa na blooming.

Namumula sya e.

“A...anong nangyari?”

At dahil sa sinabi nyang yon, naramdaman ko na naman ang kirot ng paa ko.

“Wa...wala. Natapilok lang ako.”

Lumapit sya samin.

“What happened?” Ivan asked Kevin, coldly.

“Natanga lang.” sagot ni Kevin sabay tanggal ng sapatos ko.

“ARAAAAAAAAY! Sabing dahan-dahan e!” I exclaimed.

Nagulat na lang ako nang bigla akong buhatin ni Vano at inupo sa upuan.

Lumuhod sya sa harap ko at hinablot ang paa ko.

“Hoy anong gagawin mo?” tanong ko nang may halong kaba.

Tinanggal nya ang medyas ko at basta-bastang hinawakan ang angkle ko.

“ARAAAAAAAAAAAY!” sigaw ko sabay tampal sa kamay nya.

“Wag ka nga.” Walang ganang sagot nya at hinawakan ulit ang paa ko...

Tinitigan nya iyon at saka nagsalita, “Tara sa clinic.”

Pinasakay nya ko sa likod nya at kinuha ang mga gamit ko.

Basta na lang sya lumabas ng room ng wala man lang pasabi kay Kevin.

“Kevin! Clinic lang kami ha! Text na lang kita! Babay!” sigaw ko para umabot sa room yung boses ko.

......................................

Naglalakad na kami ngayon papunta sa clinic. Grabe lang, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. >.<

Nasa labas na kami ng clinic nang may naalala ako. O.O

Potek wanted nga pala ko dito. Hindi pa ko nakakapag urinalysis! >.<

“Te..teka Vano.”

“What?”

“Ka..kase.. Bawal.”

“Anong bawal?”

“Bawal ako sa clinic!”

“Are you nuts?”

“Seryoso ako.”

“Bakit?”

Hala. Hindi ko pwedeng sabihin yung dahilan kay Vano... Sesermunan din ako nito. >.<

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now