Nagpunta na lang siya sa maliit na opisina nila ni Cristine at inayos niya ang gamit niyang naroon. Inihanda na lang niya sa pag-uwi. Sanay sila ni Cristine na gabi na sila umuuwi dahil nagsisimula pa lang naman ang negosyo nila. Wala pa itong limang taon kaya naman talagang puspusan ang mga ginagawa nila upang mapakilala ang mga paninda nila.

Wala pa siyang planong umuwi pero guso na niyang magpahinga kaya nauna na rin siya. Halos alas nueve na rin ng gabi nang makarating siya sa mansion. May sarili siyang sasakyan na regalo sa kaniya ni Lolo Rafael. Ipinarada na lang niya iyon sa tabi ng sasakyan ng matanda bago lumabas.

Iniisip niya kung tulog na ba ito dahil hindi na ito nagpupuyat, madalas ay tinatawagan niya pa ito para sabihin na huwag ng magpuyat dahil kalimitan sa matatanda ay matitigas na rin ang ulo at hindi nakikinig. Kabilang na rin doon si Lolo Rafael.

She went inside the house and walked towards Lolo Rafael's room. Pakiramdam niya ay hapong-hapo siya at naubos ang enerhiya niya sa buong araw, idagdag pa ang insidente sa pagitan nilang dalawa ni Paul Jake.

Napangiti naman siya nang makita na tulog na ang matanda. Malaki ang utang na loob niya rito kaya naman hangga't kaya niya, ginagawa niya talaga ang mga nais nito. Noong nawala ang mga magulang niya, kinupkop siya nito at inalagaan.

Inayos na lamang niya ang kumot nito ngunit tila nagising ito sa ginawa niya.

"Stephanie?" tawag nito sa kaniya.

"Ako nga po. Nagising ko po ba kayo?" humingi siya ng paumanhin dito.

Umiling naman din ito sa kaniya at ngumiti ng maliit. "It's okay, hija. May sasabihin naman din ako sa iyo..." sabi nito na ikinakunot ng ulo niya.

"Ano po 'yon?" tanong niya rito. "We can talk about that tomorrow, Lolo. Para makapagpahinga ka po," sabi niya rin kaagad dahil mas mainam na makapagpahinga na muna ito.

Imbes na sumagot ay naupo ito kaya inalalayan niya ito at tinignan. Napapaisip siya kung ano ba ang sasabihin nito na tila napaka importante.

"Ano po ba 'yung sasabihin n'yo at hindi pwedeng ipagpabukas?" tanong niya na naupo na rin sa may kama nito.

He looked at her and smiled. "I want you to marry my grandson," sabi nito na ikinabigla niya. Walang bakas ng pagbibiro ang mukha ng matanda nang sabihin sa kaniya ang bagay na iyon.

"P-po?" ilang beses siyang kumurap para lang masabi niya sa sarili niya na totoo ang nangyayari at sinabi iyon talaga ng matanda, na hindi siya dinaraya ng pandinig niya.

She looked at him, puzzled. She couldn't understand why he wanted her to marry Paul Jake.

"Stephanie..." hinawakan nito ang kamay niya.

"Lolo, baka po nabibigla lang po kayo. Mas mabuti pong magpahinga na lang muna kayo at matulog ulit..." hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig niya mula sa matanda. Hindi niya maunawaan kung saan nanggagaling ang desisyon nitong iyon.

Umiling naman ito at tila natatawa. "You love him, right?" tanong nito sa kaniya. Hindi naman siya kaagad nakakibo. Hindi niya alam kung paano ba niyang sasabihin sa matanda ang nararamdaman niya para sa apo nito.

"Stephanie, hija..."

"He hates me, Lolo..." mahinang sabi niya. Mahal niya ang lalaki pero alam niya naman kung gaano ito kagalit sa kaniya. Alam niya naman kung gaano nito kagustong mawala siya sa buhay nito.

"Maybe not that much, hija. He already agreed on this."

Muli siyang napatingin sa matanda dahil sa sinabi nito. Pumayag si Paul Jake na magpakasal sa kaniya? Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang sinabi nito ngunit alam naman niya na walang dahilan ang matanda para magsinungaling sa kaniya.

His Bed Warmer WifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя