Tinignan ko siya. "Kung malalaman ni Zed na tinulungan mo ako dito sa plano ko mag-aaway nanaman kami. Kaya pumunta ka na sa classroom mo at magkunwaring wala kang alam."

Nagpout siya "Tss Fine"

Yun na lang ang sinabi niya at  umalis na. 

Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Lizzie at si Zed, may kilala silang isang babae, siguro yun yung inutusan ni Jas na tawagin si Lizzie.

Pero bakit kasama si Zed? Magkasama ba sila kanina? Akala ko ba ipaparaya na sakin ni Zed si Lizzie?

Sumipol na ako upang senyasan ang mga estudyanteng umpisahan na ang palabas.

 â™¡ ♡ ♡

Jasmin's Pov

Naglalakas na ako ngayon papuntang classroom gaya ng sabi ni Lloydhie. Nakakainis siya. Hindi man lang niya ako pinasilip sa mangyayare. Hindi ko man lang mapapanood kung pano mangyare yung plano niya na pinaghirapan ko rin. 

Eto naman kasi si Kuya ang o.a eh. Bakit siya magagalit kay Lloydhie kung ako naman ang nagvolunteer tumulong? Isshhh! Nakakainis talaga!

"Oh bakit ganyan muka mo?"

Napatingin ako sa kaliwa ko kung saan nang galing yung boses. Ngayon ko lang na realize na may kasabay  pala akong maglakad.

"Matagal ng ganito ang muka ko. Matagal na akong maganda" Asar kong sagot.

Ngumisi siya. "Alam ko naman na matagal ka ng maganda. Ang ibig kong sabihin bakit magkasalubong yang kilay mo?" 

"Pakelam mo ba? Pwede ba Malex kung wala kang sasabihin ay lumayo ka sakin" 

Nakarating na ako sa classroom. Pumasok na ako at umupo, siya naman ay nanatili sa pintuan.

"Oh asan ang mga kaklase mo?"

"Obviously wala" Sarkastiko kong sagot.

Obvious naman wala yung mga kaklase ko. Andun silang lahat sa canteen nanonood o nakikisali sa plano ni Zed. Buti pa sila.

"Edi sasamahan muna kita" Sabi niya at pumasok na. Umupo siya sa katabi kong upuan.

Tinignan ko siya "Bawal ka dito. You're trespassing" Irita kong sagot.

"Ok lang yan tayo lang naman dalawa eh. Atsaka boring rin naman, wala akong ginagawa kaya sasamahan muna kita" Nakangiti niyang sabi.

Gawd! Nakakainis ang mga ngiti niya.

"Hindi ko kelangan ng kasama at kung gusto mong may gawin pumunta ka sa canteen. Panoorin mo yung nangyayare dun" 

"Ayoko. Mas gusto ko ikaw ang panoorin" Sabi niya na may ngiti parin. 

I don't know why pero I hate it kapag nakikita ko siyang ngumiti. 

Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na lang sa my blackboard at nag cross ng arms.

Tumawa siya. "Eto naman hindi mabiro. Joke lang" Sabi niya at tinusok tusok ang aking tagiliran.

"Will you stop that!" Sigaw ko sa kanya 

"Sorry"

"You know hindi na ako nagtataka kung bakit galit sayo si Lloydhie"  Sabi ko ng hindi parin tumitinggin sa kanya.

"Alam mo hindi ko rin maintindihan kung bakit gusto mo yang si Francisco. Ang yabang naman" 

TInignan ko siya at nakasimangot siya. "Hindi kaya siya mayabang! ikaw kaya ang mayabang! Pwede ba  leave na kung wala kung iinsultuhin mo lang si Lloydhie" 

"Oo na aalis na" Tumayo na siya. "Puro ka Llyoydhie. Nakakabingi"

"Isshhh! Lumabas ka na nga! I hate you!" Sigaw ko.

"I love you too" Sabi niya ng hindi lumilingon at naglalakas palabas ng classroom. "Pasalamatkamahalkita" May narinig akong binulong niya bago siya lumabas pero hindi ko ito naintindihan kaya hindi ko na lang ito pinansin.

Isshhh! Malex Mariano kahit kelan lagi mo akong binubwisit!

 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Testing Lang :)Where stories live. Discover now