"Lalo na sa Kuya mo wag mo sasabihin. Patay tayo dun kapag nalaman niya." Inalis ko ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa braso ko. Tumayo na ako at hinarap siya. "Since alam mo naman na ang plano ko, mabuti pang tulungan mo ako."
Tumayo na rin siya. "Oo naman. Anong bang tulong kailangan mo?"
Sinabi ko na sa kanya ang plano ko dun sa dalawang babaeng umaway kay Lizzie kanina. Matapos ko ipaliwanag kay Jas ang plano ko ay naghiwalay na kami para gawin ang dapat naming gawin.
Hinanap ko yung dalawang babae kanina at nakita ko sila sa may bench ng covered court.
"Hoy kayong dalawa" Sabi ko pagkalapit ko sa kanila. Agad naman silang tumayo mula sa kanilang pagkakaupo.
"Bakit Lloyd?" Tanong nung isa.
"Galit ka parin ba sa nangyare kanina? Sorry na" Sabi naman nung isa.
"Hindi ako basta basta tumatanggap ng sorry"
"Sorry na. A-ano ba kelangan namin gawin para patawarin niyo kami"
"Simple lang. Mag sorry kayo kay Lizzie"
"Lizzie? Sinong Lizzie?" Tanong nung isa at tinignan ang kasama niya na may pagtatakang expresyon.
"Lizzie. Si Liezel ba tinutukoy mo?" Tanong nung isa.
"Oo yun nga. Si Lizz- Basta siya nga. Gusto ko magsorry kayo sa kanya"
"Bakit sa kanya pa? Hindi ba puwede sayo na lang? Kahit lumuhod pa kami habang nagsosorry sayo, ok lang"
"Kung gusto niyo patawarin ko kayo magsosorry kayo kay Lizzie" Malakas kong sabi.
Nagtinginan silang dalawa at sabay na huminga ng malalim. "Ok" Sabay nilang sabi.
"Pero bago kayo magsorry sa kanya syempre kelangan ng onting palabas" Naka ngiti kong sabi.
Halata ko na nagtataka silang dalawa sa ibig kong sabihin. Pero kahit ganun ay pumayag rin naman sila.
Nagtungo kami sa canteen. IIlan pa lang ang mga estudyanteng andito. Umakyat kaming tatlo ng second floor ng canteen at pinapanood ang mga estudyanteng nasa baba.
Ilang minuto ang lumipas at mas dumami ang estudyante. Nakita ko na rin kung asaan si Jas at kita ko na inaabutan niya ng dalawang plastic ang kada estudyante. Nang maabutan na niya lahat ng estudyante ay tumingin siya sa direksyon ko at binigyan ako ng ok sign. Sinenyasan ko siya na puntahan ako dito sa seconf floor ng canteen.
Habang papunta dito si Jas ay tinignan ko yung dalawa na kanina pa pinagmamasdan ang nangyayare sa baba. Kita mo na parehas silang kinakabahan.
"Ready na Lloydhie" Sabi ni Jas.
"Ready na ba kayong dalawa sa palabas?" Tanong ko dun sa dalawa. Parehas na silang tumanggo. "Bumaba na kayo at pumunta na sa pwesto niyo. Malapit na tayong magsimula." Tumunggo muli sila at sabay na bumaba at tumungtong sa lamesa kung saang sinabi kong pwesto nila kanina.
"Ipatawag mo na siya tapos pumunta ka na sa classroom mo" Sabi ko kay Jas ng hindi siya tinitignan.
"Pero Lloydhie I want to watch"
Testing Lang :)
Start from the beginning
