WHAT IF

13 3 2
                                        

"Hello" Sambit ko habang nakapikit. Inaantok pa ako.

Napatingin ako sa orasan. At 8:30 pa lang?! Hanep. Agang aga nambubulabog. Yes maaga lang yan minsan nya 12 ako nagigising e.

"Hello? Woi? Sabihin mong tulog ka pa? " napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses sa kabilang linya.

"Luke? Napatawag ka?" tanong ko sa kabilang linya.

"Anong napatawag? Diba magde-date tayo? Wag mong sabihing nakalimutan mo na?" Ha? Date?! Daw?

"Ha? Date bakit di ako nainform?

"Ha? Shunga ka ba? Nakalimutan mo na ba? Magbo-bonding tayo ngayon"

Ah oo nga pala napag-usapan na namin to kahapon.

"Luke sorry,nakalimutan ko kase. Sige maliligo lang ako hehe"

"Sige sunduin kita dyan after 10 minutes andyan na ako. Bye!" bilis naman neto.

"Sige bye!" and I ended the call.

Mabilis akong naligo dahil mamaya andito na yun. Mabilis pa sa kabayo mag-drive yun.
Natapos akong maligo at bumaba.

"Anak,di ka ba magbe-breakfast?" tanong sakin ni mama pagkababa ko. Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"Hindi na po Ma may date po kami ni Luke. Sige po alis na po ako" sabi ko at tuloy tuloy na lumabas ng bahay.

Hindi ko na hinintay ang susunod na sasabihin ni mama. Mapapahaba at mapapahaba lang ang aming kwentuhan. Wala pa naman sa hulog ang tulog ko. Badtrip! Agang aga nambubulabog kase.

"Beeeep!"

Andyan na ang pinakamamahal ko. Oo tama ang narinig nyo mahal ko ang kaibigan ko. Mahal ko ang kaibigan ko. Para unli hehe.

"Ang tagal mo naman yata?" bungad ko pagkabukas ng pinto ng kotse nya.

"Traffic eh" pagdadahilan nya at hindi na ako umimik pa.

Sige tuloy ko na ang kwento ko. Yun nga mahal ko ang bestfriend ko. Simula pagkabata magkasama na kami hindi mapaghiwalay kung asan ako andun din sya,kung anong gagawin ko manggugulo sya. Halos sabay na kaming lumaki ni Luke. Kaya sobrang close na namin. Yung tipong ang turingan ay kapatid pero hindi ganoon ang tingin ko sa kanya. Mas malalim pa sa kapatid ang pagtingin ko sa kanya. Kung paano nagsimula? Hindi ko alam. Basta pagkagising ko mahal ko na sya. Nakakatuwang isipin na mahal ko sya pero hindi ko alam kung mahal nya ako kung parehas din kami ng nararamdaman.

"Maxine!" halos malaglag na ako sa passenger seat sa pagsigaw nya.

"Aray sakit sa tenga. Bakit ba naninigaw ka?" inis kong tugon sa kanya.

"Tinatanong kita kung saan mo gustong pumunta. You're spacing out again" inis nya ding sigaw sakin.

"Ah..eh kahit sa mall na lang" matamis na ngiti ang ginanti ko sa kanya,inirapan nya lang ako. Bakla ata to eh.

Araw araw na lang akong iniirapan. Parang babae. Pero sweet and caring yan. Feeling ko nga gusto din ako nito O sige assumera na ako pero yun talaga ang feeling ko ewan ko ba magsusungit tapos mamaya maglalambing. Ewan ko ba sa  bipolar na yan. Nakarating kami sa mall at bumaba ako.Naghanap muna sya ng mapagpaparking-an. Bumalik syang nakakunot ang noo. Ang cute cute nya.

You Are My Biggest What If [One Shot] Stories to obsess over. Discover now