Chapter 2

11.6K 527 96
                                    

Tilaok ng manok ang gumising sa akin. Bumangon ako sa kama at binuksan ang bintana. Agad na pumasok ang hangin sa loob ng kwarto. Asul na asul ang kulay ng langit. Ang sarap tignan ng paligid. Tanaw na tanaw ko mula rito ang lawa na napapaligiran ng mga puno.

"Gian, gising ka na?" Pumasok si Jessie sa kwarto na basa ang buhok. "Libre na ang shower room, pwede ka nang maligo. Pagkatapos nating kumain, itu-tour kita para makita mo ang mga activities namin dito."

Matapos kong kumuha ng mga gamit, pumasok na ako sa banyo at nakita ang apat na cubicles sa loob. Pinili ko ang nasa pinaka-dulo. Hindi nag-tagal narinig kong may mga babaeng pumasok sa loob para okupahin ang tatlong cubicles.

"Neh, nakita nyo ba kahapon?" tanong ng isa sa kanila.

"Nakita ko."

"Alin 'yon?"

"Yung lalaking hinimatay."

"Eh? Hinimatay siya kahapon?"

"Siguro dahil sa sobrang init."

Ah. Ako ang pinag-uusapan nila. Tatahimik ba ako o makikisali sa usapan nila?

"Sandali! Hindi siya lalaki, diba? Roommates sila ni Jessie!"

"Huh?! Babae sya?"

"OMG! Hindi ko alam! Naging crush ko pa naman siya!"

"Diba? Ang pogi niya!"

"At ang tangkad din!"

"Ang cool ng aura niya. Parang siyang prinsipe!"

Napatakip ako sa mukha ko. Mali yatang marinig ko ito. Sobra na akong nahihiya. Sa school, may mga babae rin na nagsasabing mas cool ako tignan kumpara sa mga classmates naming lalaki. Pero sa pabirong paraan nila iyon sinasabi kaya tinatawanan ko lang. Pero iba ang sitwasyon ngayon. Hindi nila alam na nandito ako.

"Pero babae siya."

"Sayang naman."

"Sinabi mo pa. Kakaunti lang ang mga lalaki dito."

"Oo nga, siyam lang. Tapos hindi lahat gwapo."

"May gwapo din sa kanila, si Rupert."

"Eh? Type mo si Rupert?"

"Hindi no! Sinasabi ko lang."

"Gwapo sana si Rupert kung hindi lang siya parang baliw na nakasunod kay Jessie."

"Eh, ang ganda kasi ni Jessie."

"Pero hindi ba siya tinu-two time ni Rupert?"

"Ahh. Kasi palaging kasama ni Rupert si Eva?"

"Ang fishy no? Nasa iisang kwarto rin silang dalawa?"

"Baka mag-pinsan sila?"

"Baka nga."

Kung mag-pinsan sila, sinabi sana sa akin ni Jessie. Pero parang may sikreto silang tatlo. Lalo na kagabi habang kumakain kami, ang weird ng mga kilos nila. Para silang nag-iingat sa mga sasabihin nila sa harap ko.

***

Binuksan ni Jessie ang double doors ng may dalawang palapag na gusali. Pabilog na parang arena ang hugis nito. Malapit lamang ito sa lakehouse.

"Dito ginaganap ang mga summer activities namin," paliwanag niya habang naglalakad kami papasok. "Nasa second floor ang stage."

Malawak ang loob ng gusali. May lobby at waiting area, ito ang unang makikita pagpasok. Naglakad kami at nilagpasan ang area na iyon. Huminto kami sa unang pinto na nasa hallway.

Saving Prince Charming by Alesana_MarieNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ