“Bat ka ba kasi nagpanic?” Yamot na tanong nya.
“So..sorry na. Si Vano kasi nanggugulat e!”
Tumingin naman sya sa likod ko...
“Ah I see. Nandyan na pala sundo mo.”
Si Vano, ayun, nakatayo pa rin sya. Hindi man lang natinag samantalang sya yung dahilan kung bakit ako nadistract at naout-of-balance!
And take note, he’s wearing his Poker Face again. -____________-
“Hindi pa ba kayo tapos?” – Ivan
“Sige pardz, bukas na lang ulit.” – Kevin
“Oh sige. Una na kam... Hala masakit ba?!” sabi ko sabay hablot sa kamay niya.
Nagulat ako nang makita ang galos ni Kevin sa kamay. Siguro nagasgas yun nung sinalo nya yung ulo ko. Magaspang kasi yung sahig dito sa grandstand e.
“Sus. Gasgas lang e. Lakad uwi na.”
“Hindi pwede baka mainfect pa yan! Tara sa clinic!”
“Sarado na yung clinic. Tara na.” – Ivan
“Ay oo nga pala gabi na. Hala pano ba to. Teka.”
Kinuha ko yung panyo ko at itinali sa kamay nya.
“Okay lang yan. Baka mamamantsahan pa yung panyo mo.”
“Wag ka na ngang makulit. Kasalanan ko naman e. Sorry talaga.”
Pagkatapos kong itali yung panyo sa kamay nya, tiningnan ko sya.
Nakuha pa nyang ngumiti ng nakakaloko ah. Problema nito?
“Hoy anong nginingiti-ngiti mo dyan?”
“Wala. Uwi na.”
“Sige. Sorry talaga ha. Bukas na lang ulit. Promise magpapractice ako magbending sa bahay para bukas matapos na natin!”
Pagkasabi ko nun, tumakbo agad ako papunta kay Vano. Walang sabi-sabing nagsimula na syang lumakad. Hmm.. Supladitong Froglet mode na naman sya.
IVAN’s POV
Time Check, 7pm. Hindi pa rin nagtetext si Faye.
Nandito ako sa Wifi zone ng library at nagbabasa ng manga. Napakatagal naman kasi ng babaeng yon.
Napasandal na lang ako sa upuan at pumikit.
Ayoko na. Inip na inip na ko.
Tinabi ko na ang laptop ko at lumabas ng library. Pupunta na kong grandstand.
Sa grandstand....
“Oh diba kaya mo naman. Now, spread your arms.” - Kevin
“Eh ayoko! Baka mamaya ihulog mo ko e!” - Faye
“Hindi. Bitaw na.” – Kevin
Muntanga lang yung dalawang nagpapractice sa harap ko. Hindi ako lumapit. Nakatayo lang akong nanonood sa kanila.
“WAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!”
O.o???
SHIT mahuhulog si Faye
Ihahakbang ko palang yung paa ko nang mahawakan ni Kevin yung ulo nya at sabay silang bumagsak sa sahig.
Sige lang. Magyakapan kayo sa harap ko.
Alam na ngang naghihintay ako, nakuha pang dumaldal ni Faye, sinisi pa ko.
“Hindi pa ba kayo tapos?” singit ko.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceA song says "Lucky I'm in love with my best friend"... But will you consider yourself lucky if you're afraid to be in a relationship? Or will you consider yourself lucky if you're afraid to lose your friendship? Will you stay away and cut the strin...
-----30th string-----
Start from the beginning
