-----30th string-----

Magsimula sa umpisa
                                        

“Psh. Pano tayo matatapos nyan?”

“Wag na kasi yon pre. Ibahin mo na lang yung steps!”

“Ayoko. Matatalo tayo.”

“Anobayan! Di mo naman kelangan ng incentives diba! Yaan mo nang matalo tayo kesa mabalian ako ng buto no!”

“Are you kidding me? You are talking to Kevin Natal. The undefeated Kevin Natal. I’ve never been a loser.”

Napakahambog talaga nito, tae.

“Alam mo, konti na lang mas mataas na sa CBAA yung kayabangan mo.”

“Alam mo, konti na lang papagulungin na kita pababa ng grandstand.”

“Eto naman joke lang. Kasi naman kasi naman kasi naman hindi ko na nga kaya!”

“Wag mo kasing isiping hindi mo kaya. Come on time’s running. Let’s try again.”

“Ayoko naaaaaaaaaa! Baka mamaya mabagok pa ko pag bumagsak ako e!”

“Psh. Dali na.”

Haaaaays ang totoo nyan, kaya siguro hindi ko makuha kasi wala kong tiwala sa taeng to. Baka mamaya mabitawan nya ko at mamatay ako ng di oras e. >.<

Huminga ako ng malalim.

“Okay game.”

We’re standing in front of each other. He placed his right arm around my waist and he slowly leaned forward while I’m trying to bend my back...

“Wait pause!”

“Ano na naman!?”

“Ayusin mo nga yung kapit sakin! Dalawang kamay kaya gamitin mo! Parang mabibitawan mo ko e!”

“Hindi yan. Pangit pag dalawang kamay. Teka...”

Naramdaman kong mas humigpit yung kapit nya sakin kaya lang...

Ang lapit na din ng mukha nya sakin! Napakaseryoso nya pa...

Potek natatawa ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

“Stop giggling. Ang likot mo.” Sabi nya habang dahan-dahan akong inaalalayan pababa.

Pumikit na lang ako para hindi ako matawa. Tae naman kasi e. Bukod sa natatawa ako, medyo naiilang na ko sa pusisyon namen. Muntanga lang. HAHAHAHAHA

Nararamdaman kong malapit nang dumikit yung ulo ko sa sahig.

“Oh diba kaya mo naman. Now, spread your arms.” Napamulat ako sa sinabi nya.

“Eh ayoko! Baka mamaya ihulog mo ko e!”

“Hindi. Bitaw na.”

POTEK bahala na nga.

Dahan-dahan kong binitawan ang balikat nya. Kasabay ng pag taas ko ng kamay ang pagtingala ko...

O.o

“WAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!”

“Oy!”

Napapikit na lang ako at hinihintay ang paglagapak ko sa sahig. Goodbye Pelepens, goodbye World!

“Oy ayos ka lang?”

Napamulat ako. Bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Kevin.

“Ah oo ayos lang ako.”

“Sigurado ka?”

“O..oo.”

Tinulungan nya kong bumangon.

No Strings AttachedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon