Siya Nga Pala si C.K.

80.9K 2.8K 768
                                    

Isang random na story sa isip ko. Idk. Sobrang random lang. Luh. Kbye.

Dedicated sa mga taong natae sa public c.r, sa mga nahuli sa klase dahil nasiraan ang sinasakyan nilang jeep, sa mga taong hindi makakulangot dahil nasa public sila at sa mga taong naloko at niloko ng kanilang mga minamahal at lalo naman doon sa mga nanggago ng minamahal nila.

Joke.
-----------------------------x

"Teka lang, boss! Papicture muna!"

Naalala ko pa, iyan ang eksaktong sinabi mo noong nilapitan mo yung jeepney driver. Sabi mo pa, kailangan mo ng ebidensiya na nahuli ka sa klase dahil sa nasira ang jeep na sinasakyan mo. Terror kasi ang prof mo noon kaya talagang kinulit mo ang jeepney driver. Nakanguso pa nga habang naka-'peace sign' ang pose mo 'nun eh. Naisip ko tuloy kung jejemon ka ba. Mukha kang tanga.

"Tignan mo pre, nangungulangot yung babae oh! Hahahaha"

Naalala ko pa, iyan ang eskaktong sinabi sa akin ng tropa ko noong tinuturo ka niya habang nakasakay ka sa bus. Nasa tapat ka kasi ng bintana ... nangungulangot. Natawa rin ako. Mukha ka talaga kasing tanga.

"Puno ang c.r ng girls kaya dito na ko nagbawas."

Naalala ko pa, iyan ang eksaktong sinabi mo sa akin noong nadatnan kitang palabas ng c.r ng mga lalaki. Kaunti lang kasi ang gumagamit ng c.r na iyon dahil sa malayo ito sa building ng mga estudyante at alam ko naman na kahit saang c.r ng girls, palaging puno. Naalala ko pa nga eh, halos dumikit sa ilong ko ang amoy ng masangsang mong tae. Hindi ka lang mukhang tanga, kadiri pa.

"Ako nga po pala si C.K. Nag-shift lang ako. Civil Engineering ang dati kong course."

Naalala ko pa, iyan ang eksaktong sinabi mo sa harapan noong pasukan. Naging irregular student ka, ang dahilan mo, hindi mo naman talaga gusto ang course mo dati at pinili lamang iyon ng mga magulang mo kaya lumipat ka sa HRM. At isa pa, pasensiya kung hindi ako tumigil sa kakatawa noong nalaman ko ang tunay mo pangalan. Kaganda naman kasi ng nickname mo eh, C.K. Naalala ko pa naman ang Chowking sayo pero hindi ko akalain na Crisanta Kidlat Datu pala ang totoo mong pangalan. Hindi ka lang pala kadiri at mukhang tanga ... nakakatawa din pala ang pangalan mo.

"Ano ba Jake?! Wag ka ngang magulo, naghihiwa ako rito. Kapag tayo napagalitan ni Sir, pakyu ka sakin!"

Naalala ko pa, iyan ang eksaktong sinabi mo noong unang laboratory natin, sa nag-iisang subject na magkaklase tayo. Naging close tayo. Bespren nga kita diba? Nasunog mo pa yung manok noon eh kaya pinaghiwa ka na lang ni Shiela. Hindi ka lang pala mukhang tanga ... tanga ka talaga.

"Jake, leche ka! Leche ka talaga! Ano ba to ha? Langhiya, mamamatay ako sa kilig nito eh!"

Naalala ko pa, iyan ang eksaktong sinabi mo noong sinurpresa kita. 18th birthday mo kasi at alam kong malungkot ka. Wala kasi ang mga magulang at mga kapatid mo, nasa Davao sila. Alam kong mag-isa ka sa inuupahan mong apartment. Alam kong iiyak ka lang buong araw. Alam kong hindi ka okay sa birthday mo. Kaya gumawa ako ng paraan. Siyempre, hindi ko kayang dalhin ang pamilya mo dito sa Maynila. Isang surprise party, isang simpleng party para sa pinakakamahal kong best friend. Tsaka napakaganda ng regalo ko sa'yo ah? Ako. Tinanong kita kung pwede kitang ligawan. Syempre sa gwapo kong 'to, hindi ka tumanggi. Hindi ka lang pala isang simpleng tanga ... ikaw lang ang nag-iisang tanga na mahal ko.

"Jake, mahal mo pa ba ako?"

Naalala ko pa, iyan ang eksaktong sinabi mo noong nagkakalabuan na tayo. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya talaga C.K. Mahal pa rin naman kita noon ngunit hindi lang katulad ng pagmamahal ko sayo noong umpisa. Maniwala ka, hindi nawala ang pagmamahal ko sa'yo ngunit hindi ko naparamdam. Sa pagkakataong ito, hindi na ikaw ang tanga ... ako na.

Siya Nga Pala si C.K.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon