"Tara na! Daming chika!" seryoso ngunit may bahid na kasungitan na sabi ng mas matangkad sa dalawa at nakasuot ng fatigue.

Kung nasa normal na sitwasyon lamang sila ay malamang na nasungitan niya na ang lalaki ngunit masyado syang disoriented upang gawin ito. Naunang maglakad ang mas matangkad na lalaki at inalalayan naman siya ng mas maliit.

"Mith Maddie, pagpathenthihan niyo na lang po thi Agent Thantoth. Pathok na po kayo," binuksan at inalalayan siya papasok sa likod ng itim na AudiA3 na pagmamay-ari ng pamilya Avilon. Hindi naman niya iniintindi ang sinasabi ng binata.

Ilang oras lang ay natanaw na nya ang isang napakalaking itim na gate. Awtomatikong bumukas ito at agad na pinarada ni Agent Dalisay ang sasakyan. Dali-dali ring bumaba ito upang alalayan siya, samantalang si Agent Santos ay sumunod lamang sa kanila.

Agad siyang sinalubong ng yakap ng Yaya Rosa niya at isang matalim na tingin mula sa kanyang ama.

"Fix yourself first Madison, then go straight into my office!" ma-awtoridad na utos nito sa kanya. Napayuko naman ang dalaga at nagpatianod sa kanyang yaya papasok sa kanyang silid. Lutang ang dalaga habang inaayos ang sarili, sino bang hindi? Makakita ka ba naman ng taong pinatay sa harapan mo?

Hindi na nga rin niya naisip ang mga naiwan na kaibigan sa club. Hindi na rin sya nagtaka kung sino ang dalawang awtoritadong lalaking sumama sa kanya. All she knew is that she wants na makaalis sa lugar na iyon. Makaalis sa alaalang may nakita na naman syang tao sa harapan niya na namatay. Bumuntong hininga ang dalaga at iniayos ang pajama na suot.

Kumatok sya ng tatlong beses sa barnis na pintuan na kanyang ama at dahan dahan na pumasok.

"You are finally here! Sit, Madison," sabi ng ama nya at pinaupo sya.

Nakayukong umupo sa isa sa mga sofa sa receiving area ng office ng tatay nya sa kanilang tahanan ang dalaga.

"I already told you na mag-ingat ka! I already asked you to be careful pero ano na namang ginawa mo? All I ask from you is not to go partying in these times. Na kung aalis ka magpasama ka sa mga bodyguards mo. Alam mo kung gaano kadelikado. And because of that, Madison, I'm hiring your new bodyguards at sana naman ay makipag cooperate ka na," galit na sabi ng ginoo.

Hindi naman makapagsalita ang dalaga, a very unusual gesture from the bitchy Madison Avilon -- the sole heiress of Avilon Group of companies na nagmamay- ari ng chain of fine dining restaurants sa iba't- ibang panig ng Asya.

And as of cue, mula sa huling sinabi ng ama ay ang tatlong katok at sabay na pagpasok ng dalawang lalaki, ang dalawang lalaking sumundo sa kanya kanina.

Pagpasok ng dalawa ay sumaludo agad ang mga ito sa kanyang ama.

"Agent Santos, Agent Dalisay, please have a seat." panimula ng kanyang ama. Agad din namang sumunod ang dalawa. Snappy ang bawat kilos ng dalawa

Pagkaupo ng dalawang sundalo ay agad silang binigyan ng instructions ng ama ni Maddie. Iniutos nito na kailangan nilang bantayan ang dalaga sa lahat ng oras at lugar. Well, except sa sarili nitong kwarto. Nais mang umapela ni Maddie ay wala siyang nagawa dahil nangibabaw din naman sa kanya ang takot na baka sa susunod ay siya na ang duguan. PInakinggan na lamang niya ang lahat ng sinasabi ng kanyang ama at dumiretso sa kanyang kwarto pagkatapos. Hindi niya inacknowledge ang presensya ng dalawa niyang bagong body guard.

"Aba'y wala palang utang na loob 'yang babaeng ere eh, hindi man lang nagpasalamat!" inis na bulong ni Agent Santos sa kanyang kaibigan at kapartner sa serbisyo na si Agent Dalisay.

"Hoy Benjie! Baka marinig ka! Hindi ka pa ba thanay? Ganito din naman yung dati nating binantayan na si Mith Ana ha." pagsita ni Agent Dalisay kay Benjie.

When ;Where stories live. Discover now