Chapter I - The Letter

18 0 2
                                    

Panimula

Misteryosong boses:

"Sana isang araw, magkita tayong muli, makasama ka, makita ang iyong mga ngiti, miss na miss na kita

Sana dumating na yung pagkakataon na, magkita tayong dalawa. Hindi ko alam kung kailan, pero sana dumating na yung araw na yun."

"Sa isang lugar, na kung saan madalas kaming magtagpo at magkausap ay palagi ko itong pinupuntahan. Ang lugar na ito ay puno ng mga pinaghalong saya at lungkot na mga alaala.

"Kay bilis ng panahon na para bang kaunting lingat mo lamang ay isa o dalawang oras na agad ang lumipas."

Sa isang lugar, mapayapa na kung saan ang madalas lamang marinig ay ang tinig ng ibon at mga insekto, ay mayroong dalawang magkaibigan ang madalas magkita sa isang upuan. Siya si Yuki, at ang isa ay si Shin.

Ako si Shin, aking ikukwento ang isang napakagandang alaala na tumatak sa akin. Mga alaalang puno ng saya at nakakatuwa. Ito ay istorya tungkol sa dalawang taong malapit sa isa't-isa. Ako at si Yuki.

Yuki, tuwing naririnig ko ang kanyang pangalan ay gumagaan ang aking pakiramdam.

Ang aming kwento ay nagsimula noong kami ay nasa pangatlong taon ng hayskul. Sabi nila, ang highschool daw ang pinakamasayang alaala para sa isang istudyante. Siguro... pero aaminin ko, oo. At dahil yun sa panahon nakilala ko siya.

Sa ilalim ng puno, sa isang upuan, kaming dalawa ay nag-uusap.

Kailan na ba yun? Yung unang beses tayong nagkakilala?

Mga lagpas isang taon na rin. Ang bilis ng panahon no? tugon ni Yuki.

"Oo, nga eh, sobrang bilis", mabilis kong sagot.

"Bakit mo pala natanong?" nagtatakang tanong ni Yuki.

"Kung hindi siguro kita nakilala malamang hindi ako ganito kasaya ngayon." sabi ko.

"Ikaw talaga. Ako rin, masaya ako, masaya na nakilala kita." sabi niya.

Masaya ako nung aking narinig yun mula sa kanya, kaya naman pahabol kong tanong na, "Talaga? Kahit na makulit ako? Kahit palabiro? Kahit pasaway?" Agad siyang nagsalita at sinabing, "Hmmm.. Oo. Wala naman akong magagawa kung sadyang ganyan ka na talaga, eh."

"Talaga? Kahit madalas kitang biruin? Pikunin?", tanong ko.

"Oo nahawa na nga ako sayo, eh," sambit niya sa akin sabay hampas sa aking tuhod.

Akin sinabi sa kanya, "Siya nga pala may sasabihin ako sayo, seryoso to."

"Huh? Tungkol naman saan?," nagtatakang tanong ni Yuki.

"Gusto kita," aking sinabi habang nakitingin ako sa kanyang mga mata.

"Weh?", tanong niya. Hindi makapaniwala sa aking sinabi.

Ang sumunod ko na lamang na sinabi ay,

"Gustong-gustong gusto kitang biruin at asarin, ha ha ha!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Ahh ganon ha, loko ka talaga!" gigil na sinabi sa akin sabay kurot sa aking tagiliran.

"Aray, hmmmp bawal yan. Walang ganyanan," sabi ko sabay alis sa aming inuupuan ngunit patuloy pa rin akong hinabol ni Yuki kaya naman wala akong nagawa kundi ang habulin na rin siya para ako naman ang kumurot.

Sa wakas, makalipas ang ilang minuto ay napagod din si Yuki at kami ay bumalik na sa upuan.

"Tama na nga pagod na ako," pagod na pagod niyang sambit.

The Letter StoryWhere stories live. Discover now