-----29th string-----

Start from the beginning
                                        

“Hay nako kang bata ka, ang dungis-dungis mo.” Sabi nya habang pinupunasan ang pisngi ko.

“Bagay sayo. Muka ka na kasing nanay.”

“Kapal mo.” Sabay tapal ng tissue sa mukha ko. -_-

“Tama ka na nga sa paglamon. Labas mo na yung libro mo. Ano naman bang hindi mo naintindihan ngayon?”

“Hmmmmmmm...”

“Bilis. You’re wasting my precious time.”

“OW SHOCKS! Carrie ba itey!?” she said excitedly as she grabbed the DVD on the center table.

“Obviously.”

“TARA NOOD!”

“Kala ko ba mag-aaral tayo?”

“Eto naman! Wala na tayong ginawa kundi mag-aral e.”

“Ikaw lang.”

“Eh basta. Manood tayo tapos pagkatapos na lang tsaka tayo mag-aral.”

“Sigurado ka? Baka mamaya tulugan mo na naman ako.”

“Hindi noh! Inaabangan ko talaga tong palabas na to e.”

“Fine.”

Sinalpak ko na yung DVD. Umupo na kami ng ayos sa sofa.

Tong katabi ko, kaen ng kaen ng chichirya.

“Ang kalat mo talaga kumain kahit kailan. Walisan mo yan mamaya.”

“Oo na! Ang arte mo talaga kahit kailan!”

“SHHHH.”

Inirapan nya lang ako.

The movie started. Wala pang 30mins, parang bolang patalbog-talbog na ang ulo ng katabi ko. Pano, napapapikit na. Sabi na tutulugan lang ako nito e. -_______-

Hinawakan ko ang ulo nya at isinandal sa balikat ko. Ako ang nahihilo sa kanya e.

........................................

Nagising ako nang tumunog ang cellphone ni Faye. Nakatulog na pala ko. Tong katabi ko, tulog na tulog pa rin. Hindi kaya magkastiff neck to?

Teka, parang basa yung balikat ko. Tinuluan pa yata ako ng laway neto a. -_____-

Dahan-dahan ko syang tiningnan para hindi ko madali ang ulo nya.

I was wrong. Hindi laway ang tumulo sa balikat ko...

Luha.

Kahit tulog, umiiyak sya. Dahil kaya kay Zeke?

Hanggang kelan mo ba balak iyakan yung lalaking yun, Faye?

*tumunog ang phone*

Faye’s phone is ringing. Dahan-dahan ko syang hiniga sa sofa. Teka, bat ba kelangang dahan-dahan pa, tulog mantika nga pala to.

Tumayo ako at kinuha ang phone nya sa center table.

Unregistered number. Sino naman kaya to?

“Hello.”

“Hel.. Ivan?”

Si Natal? Ano naman kayang problema nito.

“Sino to?” tanong ko kahit alam ko naman kung sino sya. Boses pa lang.

“This is Kevin. May I speak to Leeanne?”

“Baket?”

“I need to see her.”

“What do you need?”

“Chill bro. Hihiramin ko lang yung partner ko. Kailangan na daw kaming sukatan para sa costume para makapagcanvass na daw sila.”

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now