"Patawarin mo 'ko karen, Andun ako ng mga sandaling 'yun ngunit hindi ko na nagawa pang iligtas si kirsten." Dugtong pa ni Auntie habang mahigpit na nakayakap kay mama.

Napatayo naman ako at napasambunot ng sarili "Vision lang 'yun at possibleng hindi magkatotoo! Wala tayong dapat ikatakot," Pagkukumbinsi ko sakanila at saaking sarili.

"Ngunit kailanman ay walang vision si janine na hindi nagkatotoo," Mahinang usal ni Uncle john.

Hinarap ko sila. Alam ko namang mangyayari 'yun, pero pwede pa naman iyong pigilan. Alam kong may paraan pa, kung kailangan kong sundin ang sinasabi ng matandang mangkukulam ay gagawin ko.

"May paraan pa, Hanggat hindi pa 'yun nangyayari maaari pa nating solusyunan." Seryosong sabi ko.

Napahiwalay naman si mama sa yakap ni Auntie janine saka buong pag asang tumingin saakin.

"Paano?" Tanong ni Uncle john.

"Patayin ang taong magdadala ng piligro sa buhay nya," Kahit ako pa mismo ang gagawa nun ay gagawin ko mailigtas ko lang si kirsten. Hindi ako papayag na may manakit sakanya.

Natahimik sila. Kita ko ang pagsang ayon sa mga mata ni mama. Ngunit, iba ang sa mag asawa. Mukhang may isang bagay pang hindi nasasabi ang mga ito.

"Sino ang taong 'yun?" Diretsong tanong ko. Naramdaman ko ang pagkabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa sariling tanong.

"Hindi mo na 'yun kailangan pang malaman," Nag iiwas ang tinging sagot ni auntie janine. Napatingin naman ako kay Uncle john na mukhang nagulat sa sagot ng Asawa.

"Akala ko ba'y sasabihin mo ang lahat?" Takang tanong ni Uncle rito.

Napayuko naman ang asawa "Hindi na pala dapat," Sagot nito.

Bakit ayaw nyang sabihin? Bat kailangan nya pang ilihim 'yun?

"Auntie," Nakikiusap ang tono ng boses ko.

Malungkot naman na nag angat ito ng tingin sakin "Hindi mo na kailangan pang malaman keiji, patawad." Sabi nito.

"Pero bakit?" Tanong ko.

Umiling lang ito saka tumayo. Hinarap muna nito si mama saka nagpaalam bago nagsimulang maglakad palabas ng silild kasama ang asawa.

Hindi ako matatahimik kong hindi ko yun malalaman kaya't buo ang loob na hinabol ko sila at hinarangan ang daraanan.

"Sino sya Auntie?" Seryosong tanong ko rito.

Gulat naman ang rumehistro sa mukha nito nang bigla ko silang harangin.

"Respetuhin mo ang gusto ng Auntie mo keiji. Padaanin mo kami," Matalim na utos ni Uncle john.

"Respect?! Paano ko magagawang respetuhin ang desisyon nya kung buhay na ni kirsten ang nakasalalay dito!" Galit, inis at frustration ang nararamdaman ko.

Gustong gusto kong malaman kung sino ang taong 'yun para makagawa ako ng paraang pigilan ang pangitain nya sa lalong madaling panahon.

"Keiji anak," Malumanay na tawag saakin ni mama. Namamaga at namumula pa ang mga mata nito at halata pa ang takot sa mukha.

"Kailangan nating malaman kung sino ang taong 'yun ma," Sabi ko lang rito saka muling humarap kay Auntie janine.

"Sino sya auntie?" Desperadong sabi ko.

Nag angat ito ng tingin sakin at tulad kaninay malungkot pa rin ang mga mata nito. Bakit ba hindi nya masabi sabi ang yun sakin?

"Please, We badly need to know." Kailangan naming malaman kung sino ang taong 'yun.

Kung kinakailangan ko syang patayin ay gagawin ko, maging ligtas lang si kirsten.

"Kapag nalaman mo keiji, Anung gagawin mo?" Tanong ni Uncle john.

"Gagawin ko po ang dapat." I'll kill him/her.

Napabuntong hininga si auntie janine. Nasa mga mata pa nito ang pagdadalawang isip kung sasabihin nya ba o hindi.

Hindi ko alam kung bat nya pa ba ito pinapatagal. Kung bakit ba hindi nya pa masabi sabi sakin ang totoo. Gusto ko lang namang malaman at mapigilan ang nakita nya sakanyang vision.

Maraming mga tanong ang tumatakbo sa isip ko pero lahat ng 'yun ay nasagot lang nang sa wakas ay nagsalita na ulit si auntie at sinabi ang bagay na kanina ko pa gustong malaman.

"Ikaw keiji. Ikaw ang nakita kong papatay sakanya,"

Nanigas ako saaking kinatatayuan. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng lakas ko dahil sa sinabi nya.

Hindi ako makapaniwala. Paano...paanong ako?! Bakit ako ang nakita nya?

Hindi! Hindi ito pwede!

Impossible!

Hindi ko 'yun magagawa kay kirsten!



****
Hello! May naghihintay ba sa update ko? Hehe paramdaman naman kayo guys.

Vote & comments :)

KIRSTEN: Half Human-Half Vampire 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon